Medyo busy lang po ng ngayon... pasensya kung yan lang po muna maiupdate ko... susubukan ko pong makaupdate agad. salamat sa suporta at paghintay! hehehehe...
CHAPTER 29
{Alex POV}
"are you sure you want to go home?" si Jerson. Best friend kong modelo. Italyano sya at hati kami sa renta dito sa apartment nya kung nandito ako.
"yup, the peer have a plan for a week" sagot ko habang nilalagay ang mga pasalubong ko para kay Aye.
Its been two weeks na nagkalayo kami kahit minsan hindi pa pumalya ang skype at tawagan namin. Para akong nanliligaw na nagtitiis kung hindi nya agad masagot ang tawag ko. Ngayon lang ako uuwi na ganito ka excited. Plano ko kasi syang isurpresa sa birthday ko. Unang birthday ko tong makasama sya kaya excited ako.
"Ivona plan to prepare something for you" sabi nya.
Umiling ako. "were done. She dont have to do that" nagkibit balikat ako. Matagal na kaming wala,
Nagtaas sya ng kilay sa akin. Alam nya lahat ng nangyayari sa akin, mula kay Mika, kay Olga at kay Ivona. Si Irah lang ang hindi ko naikwento, noong una inisip kong huwag nalang ikwento dahil ang meron kami ni Irah noon ay sekreto lang naman yun.
"wanna share the reason why you want to go home?" umupo sya sa gilid ng kama ko at hawak ang apple na kanina nya pa pinaglalaruan.
Napangiti ako at napailing. No i wont let my personal married life put into an open table.
"nah! my parents are home and my friends ask me to celebrate it with them." - ako
Napangiti sya, ngiting may nakatagong kapilyuhan. Tumango sya, "okay!"
Hinatid nya ako sa airport. Secreto ang pag-uwi, may sampung oras akong ilalaan sa byahe, kung alas otso ngayon dito ng gabi ang flight ko ngayon siguradong tanghali na ako darating doon. Mas mabuti yun mas masusurpresa ko sya sa birthday ko.
Mabilis akong nagpaalam kay Jerson at patakbong pumasok sa loob ng airport.
Pagkacheck-in ko, naghintay pa ako ng sandali bago tuluyang makapasok sa plane.
Antok akong natulog buong byahe ko dahil sa overtime sa trabaho. Pinagsikapan kong matapos agad ang shoot ko para may isang linggo akong pahinga na makasama sya. Kahit bugbog ang katawan ko sa pagod nitong dalawang linggong nakalipas, kakayanin ko parin para lang sa kanya.
Tama nga ang hinala ko. Pasado alas dos na ako nakarating sa condo, wala pang traffic yan. Mabilis kong tinago ang maleta ko sa baba ng kama sa guest room at doon narin humiga at nagpahinga habang inoovercome ang jet log ko.
Natulog ako at pinilit ang sariling makapahinga para mamaya, may oras pa akong ilabas sya.
Alas nuebe na ng gabi at wala pa sya, nag-overtime siguro o naipit sa traffic. Nakaupo ako sa terrace at naglabas ng kaunting pagod sa sarili ko.
Naalala ko na huling text ko sa kanya ay kaninang umaga pa yun. Bago ako umalis sa apartment. Saying goodnight at sabi ko sobrang busy ako para sa buong araw, baka hindi ako makatawag at hindi kami makaskype.
She sent me a picture. Pagod sya at stress ang mukha nya. Tambak raw ang trabaho nya kaya tinatapos nya para next week sa bakasyon makasama sya.
Tumunog ang door bell at kasunod ang pag-enter ng pin. Nakangiti akong nag-antay na makapasok sya.
Mula sa nakabukas na pintuan kung saan ako nakasilip, nakita ko paano sya pagod na pumasok. May dala syang box. Nilapag nya ito sa coffee table at tsaka humiga sa sofa.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
قصص عامةNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...