pasensya na kung mga mali... thanks sa pagbasa.
CHAPTER 46
{Irah POV}
Inubos ko ang pagkain mag-isa. Gigil na gigil ako kaya kahit nasa harapan ko sya, nawalan ako ng pake sa kung ano man ang mukha ko ngayon.
Tinulak nya ang baso palapit sa akin matapos nyang lagyan ito ng tubig. At pinagmasdan ako ulit habang inuubos ang inasal.
Napaubo ako na agad nyang kinatayo. "dahan-dahan naman ga' wala naman akong balak makipag-agawan sayo nyan" saway nya.
Pinainom nya ako ng tubig at hinimas ang likod ko.
"you have all the time para ubusin yan, please swallow it carefully para hindi ka mabulunan" malambing nyang sabi habang hinahagod ang likod ko.
Napangiti ako sa hiya, ang takaw ko na siguro kaya ako nabubulunan. Binaba ko ang manok at inayos ang upo ko.
"oo na!" sabi ko habang ngumunguya.
Umupo sya sa tabi ko at pinuno ulit ang baso ko ng tubig. Para bang naghahanda na sya sa susunod na pagkakataong mabulunan ako.
Matagal akong natapos sa pagkain, nakatitig lang sya sa akin pero ang mga mata nya antok na antok na.
Pagakatapos kumain, hindi na ako nagpasaway pa ulit. Umupo ako at nanood ng TV sa loob ng kwarto namin habang sya tahimik na natulog sa tabi ko. Hawak nya ang iang kamay ko at nakasalikop ang mga daliri namin.
Sa tuwing gagalaw ako, gumagalaw din sya. Ginawa nya to para raw magising sya agad kung sakaling tatayo ako.
Hindi ko nga alam, parang isang buwan palang naman ang tiyan ko pero kung makabantay manganganak na ako anytime.
Mas lalong humigpit ang pagbabantay nya sa akin nang matapos kaming makapagpacheck-up kay Rosie. Ang saya namain pareho nang makita namin ang heart beat ng baby namin. Nagsisimula naring umulbo ang tiyan ko. Pero isa lang ang hindi nya napigilan na patuloy ko paring ginagawa, ang pagtatrabaho.
Minsan sa office narin sya nakikikain, sinasabayan nya ako lalo na kung namimis ko ang mukha nya. Sinisigurado nyang makompleto ko ang craving stage ko, nasa oras ang pag-inom ko ng mga vitamins ko at pagkain ko.
ATE:
Ok na ang tickets mo. Next week ang alis mo. 2 weeks.
Napangiti ako, i told ate i wanna see her. I wanna see my pamangkins. Sekreto akong nagpabook ng tickets sa kanya. Alam ko kasing hindi papayag si Lexo kung malalaman nyang pupunta ako ng Japan. Banyo ngalang sasamahan nya pa ako, ano nalang kaya kung sa Japan? Gusto kong mamiss sya ng sobra. Yung tipong iiyak ako at masisiraan ng ulo para naman mau excitement ang pregnancy stage ko.
Ako:
Okies. Thank u ahead.
Alas quatro nang nagpasundo ako sa kanya, ang sabi ko nagugutom na ako. Pero yung totoo, gusto kong maglihim nang mag-impake ng mga dadalhin ko. May usapan kasi silang apat na sabay-sabay silang magbobonding sa gym ngayon kaya i grab the opportunity narin na makapuslit.
Pagdating sa condo. Masaya kong pinaandar ang TV habang hawak ang bowl na ubas. Iba naman ang trip ko ngayon fresh fruits na.
"are you sure okay kalang dito?" napakamot sya ng ulo nya.
"oo, go ahead. Bye!" sagot ko at ngumiti sa kanya.
"may food na doon sa kitchen ga, imicrowave mo nalang if nagugutom kana" nilapitan nya ako sa likuran at ilang besis nyang hinalikan ang bunbunan ng ulo ko habang nasa TV ang mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
Fiksi UmumNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...