CHAPTER 52
{Alex POV}
Halos tatlong linggo na kami rito. Getting strong ang bond at lagi kaming nagkakaroon ng oras para sa isat-isa.
"Good morning ga!" Masaya nyang bati sa akin. Every morning ganito ang set-up naming dalawa. Gigisingin nya ako, ipagtitimpla ng kape, ipagluluto ng breakfast at sasamahan ko syang magwalking para sa exercise session nya.
Buong araw kaming magkukwentuhan, mag-aasaran, magkakapikonan at maglalambingan.
Minsan pumunta kami sa mga hot spring, stay over-night at nag-eenjoy.
Malaki ang naitulong ng pagpunta namin dito para mas maging matibay ang relasyon namin. Ngayon alam ko bakit naging limitado ang oras ng mga kaibigan ko sa nakasanayan naming gala, ganito pala ang buhay may asawa.
Ngayong araw ang schedule namin para malaman ang kasarian ni baby. Sobrang excited kaming dalawa, maaga kaming nagising at naghanda. Maliit lang ang kinain nya at naghahalo ang excitement at kaba kanya.
Lately naging consistent na ang mood nya, siguro tapos na ang craving moments nya kaya lagi na kaming masaya. Inenjoy namin ang bawat araw na nandito kami, sinusulit namin ang bonding naming dalawa. Pero ang bago kong problema, amoy ko naman ang pinagdidiskitahan nya. Hindi sya nakakatulog ng maayos kapag hindi sya nakayakap sa akin, nakadikit at nakaamoy. Para akong unan na hindi pwedeng mawala sa tabi nya sa kama. Ako namna itong gago na mas sinasakyan ang trip nya.
"hey calm down, magpapacheck up palang tayo hindi kapa manganganak" hawak ko ang kamay nyang nilalamig.
Natatakot raw kasi sya dahil sa dami ng nababasang nyang articles na minsan raw wala palang heart beat ang baby, nawalan ng heart beat, patay na sa loob ng tiyan or maybe hindi kompleto ang mga organs.
"stop it ga!" pagsusungit nya.
Napailing ako at sinuotan sya ng cardigan nya.
"Relax, kompleto ang.baby natin, kamukha ko yan at sure akong makulit din yan at masungit. May permahan na kami ni Kapitan!" Pampakalma ko.
"Kapitan?" Napakunot ang noo nya.
Napatawa ako, ang cute!
"Basta!" Sabay kindat sa kanya.
Simula nang nakituloy kami rito sa Japan, hindi naman ako nahihirapan. Madali kong naclose ang brother inlaw nya at si papi na nandito rin para magpagamot.
"good luck sissy" bating mas halong panunukso ni Iyah.
"shhh!" saway ko sa kapatid nitong kagabi pa nangungulit.
"Pop were leaving" paalam ko kay Papi na nasa terasa at nagpapausok sa nebulizer nito. Nagtaas lang ito ng kamay sa akin at ngumiti.
Kaming dalawa lang ang pupunta sa nirekomendang doktor ni Rosie sa amin dito.
Kahit sa byahe balisa sya at kinkabahan. Paminsan-minsan hinahawakan ko ang kamay nya at pinipisil. This is my little girl, kahit noon ganitong-ganito sya kung kabahan.
Hindi katulad sa Pilipinas na may pila, dito appointment ang meron sila. Pipili ka ng oras ng check up na gusto mo at sa oras na yun kalang pwedeng magstay for consultation.
Pinahiga sya at nilagyan na ng gel ang bunbunan ng tiyan nya. Kabado parin sya dahil sa higpit ng pagkahawa nya sa kamay ko.
Nang makita na namin ang mukha ng baby namin sa screen pareho kaming napangiti sa saya.
"congratulations its a baby girl" sabi ng doctor na kinatuwa ni Irah. Maluha-luha nyang hinaplos ang tiyan nya sa saya. I lost, sige lang mapasaya ko lang sya okay na rin.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...