Part 17

29.5K 602 14
                                    

Sa mga nagtitiis kay Alex... salamat!  Sana makaupdate ako agad.

CHAPTER 17

{Irah POV}

Inabutan ng gabi ang mga pinsan ni Lexo sa bahay nila. Mag-iinuman raw sila. "Iinom ka?" tanong ko sa kanya. Nasa kwarto kami at kakaligo nya lang.

"bakit hindi pwede?" nangunot ang noo nya, lumapit sya sa akin at masuyo akong nginitian.

Umiling ako at ngumiti. "Wow naman, as if naman mapipigilan ko ang isang Kovda sa tagayan" natatawa kong sabi.

Napatitig lang sya sa akin. Nameywang at pinagmasdan ako nahihiyang natatawa.

Napatahimik ako ng kaunti lalo na't iba na ang titig nya.

"ano? Nagbibiro lang naman ako" ngumuso ako. Hindi kasi sya natinag sa kakatitig nya sa akin.

Kinuha nya ang tuwalyang nasa balikat nya at tinapon ito sa mukha ko. "huwag kang magpacute. Baka hindi na ako makababa." sabi nya na kinakunot ng noo ko.

Tumayo ako para ilagay sa sabitan ang towel nya.

"as if naman kaya mo silang matiis?" ngumuso ako sa kanya. Totoo naman eh. Kanina nga kahit napipikon na sya sa mga panunukso ng mga pinsan nya pinagtitiisan nya nalang kasi minsan lang naman raw sila nagkakabonding magpipinsan.

Nilingon nya ako at nameywang na naman. Hinarap ko sya at tumawa na naman. "bakit sa iba ang haba ng pasensya mo, sa akin napakapikonin mo?" nakanguso pero natatawa ako.

Ngumiti sya at umiling. "alam mo ba kung bakit ang tipid ng pasensya ko sayo?" naghahamon syang lumapit sa akin na kinanguso ko lang.

"kasi ang sarap mong awayin" dagdag nya pa. Hinawakan nya ako sa beywang at pinisil ito na kinasigaw ko at tawa. Nakakakiliti bwesit!

Mas lalo lang akong natawa nang kiniliti nya ako habang nakayakap sa akin. "tigilan mo ako sa kakanguso mo kasi baka mapagod kalang kung sisimulan ko na ngayon"

Natatawa akong napa-oo sa kanya.

Tinulak nya ako pahiga sa kama na natatawa.

Kumuha sya ng damit sa loob ng cabinet nya habang pinagmamasdan ko sya. Lumapit sya sa akin at tinulungan akong makatayo. "gusto mong bumaba?" malambing nyang tanong. "makisali ka sa amin, para mas mapalapit ka sa kanila" dagdag nya pa.

Tumango ako, "sunod lang ako, maliligo muna ako" pasimply kong sabi.

Ngumiti sya at hinalikan ako sa labi na kinagulat ko. "charr! Nagulat kunwari!" kantyaw nya na ikinasiko ko.

"abusado ka kasi" saway ko.

Nangunot ang noo nya, "abusado? Asawa kita kaya lahat ng pwede gawin unlimited dapat yang ginagawa" paloko nyang sabi.

Napanguso ako, "oo unlimited kung may willingness at totoo, pero paano kong pakunwari lang to para sayo? Paano naman ako?"

Napatitig sya sa akin, napailing at napakamot ng ulo nya nang tinalikuran ako. Matagal syang tumayo na nakatalikod sa akin. Hindi ko alam kong namikon sya o pinagtitripan na naman ako.

Nilapitan ko sya at niyakap mula sa likuran. "sorry na Lex, pikonin ka talaga" nakangiti kong sabi.

Naramdaman kong hinaplos nya ang mga brasong nasa beywang nya nakapaikot. "im serious Aye, i wanna take this seriously. Im serious about this marriage, please note that in your mind" sumandal sya sa akin. "im may not be your ideal man, but im trying. Please be at least appreciate it"

Tumango ako at napakagat ng labi ko. Ano to dream come true?

Nauna sya sa baba, pagkaalis nya pinaandar ko kaagad ang phone kong inoff nya na naman kanina noong nasa cottage kami.

Elite 4: My Sweet Possessive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon