Thank you sa lahat ng sumusuporta sa kwento nilang dalawa... Sana hanggang wakas rin ang suporta nyo. thank you ahead! :)
CHAPTER 14
{Irah POV}
Simula nong huling away namin, napansin kong hindi nya na ako iniinis pa. Himala ring hinahatid nya ako araw-araw sa opisina, naiisip ko minsan siguro dahil nandito ang Mom nya kaya sya sweet sa akin.
"Ga' please help me with my tie" pumasok siya sa loob ng opisina ko na hawak ang tie nya. Sa gitna ng kaba ko para sa presentation, dumating sya na kinagulat ko.
Inayos ko ang sarili ko at tumayo sa harapan nya at walang angal syang tinulungan sa tie nya.
Inayos nya ang takas ng buhok kong nakawala sa likod ng tenga ko.
"are you ready?" tanong nya.
Nangunot ang noo ko at tumango lang sa kanya.
Nako-conscious tuloy ako dahil ang titig nya sa akin, may gustong ipahiwatig.
"kinakabahan ka ba?" ngumiti sya at mas inangat ang ulo nga nang hinigpitan ko ng kaunti ang tie nya.
Hindi ko sya sinagot, bagkus ayaw kong mawala ang concentration ko. Itong investor namin at may ari ng lupa ay mahirap raw ideal. Ilang besis naraw itong niligawan nina Miller at Alex pero hanggang ngayon hindi pa raw ito nakagawa ng desisyon kung papayag o hindi.
"ayan okay na" bumalik ako sa upuan ko.
Nanatili syang nakatayo sa harapan ko, pinagmasdan ako, pero nang umangat ako ng tingin sa kanya, sinabayan ko na ng titig na may halong inis.
Napatango sya at lumabas na ng opisina ko.
Nangunot ang noo ko, ang weird nya noh? Bakit biglaan naging sweet? May plano na naman sigurong gawing krimen.
Sabay ko ang dalawa kong assistants ko, nasa pintuan kami at nagbibigay ako ng final order sa kanilang dalawa. Tatlo ang bago naming investor para sa mga tatayong mga town houses.
"good luck!" bulong nya sabay halik sa gilid ng ulo ko na kinagulat ko pa bago sya pumasok sa conference room.
"Maam!" parang iniipit ang mga assistance ko sa nasaksihan nilang ginawa ni Alex sa akin.
"uiii! My good luck kiss pa oh!" si Miller. Nagtaas ako ng kilay sa kanya na kinanguso nya sa akin. "tweeet!" panunukso nya.
"good luck Aye, nail them!" kumindat si Klitz sa akin.
"Mika miss you, good luck" ngumiti si Fred sa akin at tinap pa ang balikat ko.
Nang makapasok na silang lahat, nilingon ko ang dalawa kong assistants na kinikilig at pulang-pula na ng mga mukha sa sobrang kilig.
"tumigil nga kayo, may mga asawa na ang mga yun" - ako
Napangiti ako, parang kelan lang mga bagets pa ng mga gwapong ito, pero ngayon kahit may mga asawa na, hindi parin nabawasan ang mga kakisigan ng mga lalaking ito.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...