Thank you po sa lahat ng suporta... hehehehe...
CHAPTER 15
{Irah POV}
Pagod akong natutulog nang maramdaman ko na may humahalik sa likod ko sabay haplos sa mga braso ko.
Pinilit kong imulat ang mga mata ko, naabutan ko syang nakangiti. Ngumuso ako.
"gising na, baka mahuli tayo sa flight." malambing nyang sabi na kinatango ko nalang.
Pagkalabas nya, napaupo ako at sinabunutan ang sarili. Oo, may nangyari sa amin, oo ginusto ko, oo namiss ko sya, sya lang naman talaga ang nakagalaw sa akin ever since na nakuha nya ang v-card ko.
Inayos ko ang kama nya at mabilis akong nagtungo ng banyo para maligo.
Habang nasa ilalim ako ng shower, may naalala ako sa napag-usapan namin kanina.
Flashback...
"i want to give a try to us Aye, why not we'll take it seriously?" tanong nya.
Hindi ako umimik pero, pero habang pinagmamasdan ko ang mga daliri nyang nakasalikop sa mga daliri ko, napangiti nalang ako.
Hindi ko alam kung magsasaya ako o iiyak. Matutuwa o malulungkot. Sino ba naman ang maglalakas loob na aayaw sa isang Alexander Kovda. Sino ba naman ang aayaw kong ang boyfriend mo ang mukha ng halos lahat ng billboards at commercial sa TV.
"kung hindi talaga magwork-out, then we'll help each other to settle the NSO issue" sabi nya na kinatango ako. "at least we've tried our best. Right?" tanong nya sabay halik sa bunbunan ng ulo ko.
Hinayaan ko ang sarili kong malunod na naman sa kanya at umasa. Tulad ng dati kahit anong gawin kong iwas, isang ngiti at suyo nya lang para ulit akong nagayuma nya.
Ang halik nya sa balikat ko ang huli kong naalala. Bago ako nakatulog.
End...
"Langga, bilisan mo? Mahuhuli tayo sa flight" sabi nya nang kinatok nya ako. Mabilis akong nagpunas at lumabas. Naabutan ko syang sinusuot ang shirt nya. Nakashorts sya at puting v-neck shirt.
Magulo ang buhok nya at parang bagong gising lang na hindi naligo. Suot ang sanuk nyang shoes. Inabot nya sa akin ang susuotin ko nang napatameme akong nakatitig sa kanya.
Napatawa sya at hinalikan ako sa noo. "sorry, alam kong pagod ka pa" bulong nya. Nasiko ko naman bigla.
Pareho kaming nakaputi na shirts, pinatungan ko ng black na jacket at ang suot kong shirts. Nakashorts ako at rubber shoes.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...