Pahabol po!
CHAPTER 25
{Alex POV}
Pagdating sa condo ko, pabadog syang pumasok at inis na binagsak ang bag nya. Pumasok sya sa kwarto, sinundan ko sya kahit alam ko na ang gagawin nya. Naabutan ko syang nag-iimpake, napailing ako at pinigilan sya.
"please?" bulong ko habang yakap sya mula sa likuran nya.
"please your face Lex!" galit nyang sabi.
Kinulong ko ang mga kamay nya sa yakap ko at kiniliti sya. Binagsak ko sya sa kama na kinainis nya lalo.
Napapatawa sya at napapasigaw sa kiliting ginagawa ko.
"okay na ba tayo?" tanong ko habang nakalibing ang mga labi ko sa leeg nya. Tickle spot nya kasi leeg nya.
Hindi sya umimik, mas diniinan ko pa na syang kinagalawa sya.
"ga'?" bulong ko.
"oo na! Bwesit ka! Tama na!" sabi nya.
Napakagat ako sa labi ko at pinaharap sya, iniwas nya ang tingin nya sa akin. Pero nahuli ko lang ito ulit nang pumatong ako sa kanya at sinunggaban sya ng halik na kinatawa nya.
"ga'!" sigaw nya.
Napatigil ako, napatitig sa kanya at mas ginapangan ako ng kakaibang sensasyon sa kanya.
"tsk! Bakit ba sa tuwing tinatawag mo akong 'ga, mas nang-iinit ako?" bulong ko sa kanya.
"oa ka!" tawa nyang sabi. Tinulak nya ako paalis sa taas nya. "gutom na ako, kain na tayo? Libre ka na man dyan?" nakanguso nyang sabi na kinailing ko.
Nagpalit lang kami ng damit at tsaka lumabas ulit. Tinext ko ang barkada para makabonding narin sila kahit papano bago ako aalis, at para narin pormal kong maiwanan sa kanila ang asawa ko.
Kumain kami sa isang grill house. Nag-order kami ng mga inihaw na sea foods para sa lahat.
"hindi mo pa naman birthday bro, bakit nanlibre ka bigla?" si Miller.
Nagtaas ako ng middle finger sa kanya na kinatawa ni Rosie. May kalakihan na ang tiyan nito, kaya naman ang ulol kong kaibigan sobra kong makaalalay sa kanya.
"pwede ba Miller, huwag ka ngang panira dyan!" saway ni Mika. "pasalamat ka nalang at nakalibre ka kahit papano" umirap pa ito na kinataas ng isang bahagi ng labi ni Millz.
Umupo sya sa tabi ni Irah at may binulong agad na kinatawa naman ng blooming kong asawa.
"naku, chismis pa more Moo-moo girl!" kantyaw ni Miller sa kanya na agad naman kinatulis ng titig ni Mika sa kanya.
"ingitero!" nguso nito. Napailing naman ako, siguro hindi pa man tuluyang naalis ang feelings ko sa kanya pero at least hindi na kasing tindi tulad noon.
"kelan ang alis mo?" si Klitz. Umupo sya sa tabi ko.
"next week" sagot ko sabay tingin sa asawa kong busy sa pakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nito.
"kelan naman balik mo?" dagdag pa nito.
"after a month, siguro" nginitian ko si Shin na umupo sa tabi ni Mika. Nagmukha syang padre di pamilya dahil sa kinauupuan nitong nasa sentro.
"were planning to go to Ti Amo next two weeks, sayang wala ka." sabi ni Klitz.
"edi si Irah ang dadalhin!" si Miller.
Napailing ako at napangiti. Napatingin ako sa nagulat na mukha ng asawa ko pagkarinig ng pangalan nya. "bakit?' tanong nito.
"wala! sabi ko ikaw ang sponsor sa next trip natin" pasimpling sagot ni Miller na mas lalong kinalaki ng mga mata nito.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...