Part 36

21.2K 474 15
                                    

CHAPTER 36

{Irah POV}

Pagkatapos namin magdasal sa temple, namasyal pa kami ni Chen. Marami syang mga litrato namin kinuha. "see, i wont miss you anymore!" sabi nya na kinatawa ko.

Sa buong araw naging masaya na ako. Kampante na at matiwasay dahil nawala na ang tinik sa lalamunan ko. Ngayon pwede ko nang ibigay ang lahat kay Lexo.

Ako:

MISSION ACCOMPLISHED!

Yan ang text ko sa kanilang tatlo, kanina ang text ni Rosie nagshopping raw sila ng mga damit ng mga anak nila habang nasa train kami ni Chen pabalik.

Nasa labas kami ng hotel na tinutuluyan ko. Ito na ang huli naming pagkikita sa ngayon.

"i will miss you Aye" nakangiti nyang sabi.

Umiling ako at napanguso. "i will miss you too" sagot ko

"you take care always, i care for you dear!" ginulo nya ang buhok ko.

"hey!" saway ko.

Kinurot nya ang ilong ko habang natatawa, "ouch!" napalo ko sya braso nya. Hinimas ko ang ilong ko. Pakiramdam ko walang nagbago sa pakikitungo ni Chen sa akin. Sya parin talaga ang hulog ng langit.

"get inside, its getting cold!" sabi nya sabay paikot sa akin paharap ng hotel.

Napangiti akong kumaway sa kanya habang naglalakad palayo.

Kumakaway din sya habang nakasandal sa kotse nya at pinagmamasdan ako.

Tumulo ang mga luha ko habang papalayo ako. "he's too cute para baguin" bulong ng isipan ko. Nang halos hindi ko na sya makita tsaka lang tumalikod at hinarap na ang dinadaanan ko.

Patuloy ang pagpunas ko ng mga luha ko habang nasa elevator ako. Pakiramdam ko sa sobrang gaan ng puso ko ngayon, sya namang kinasikip ng isipan ko. Hindi mawala sa isipan ko ang mukha ni Chen na siguradong mamimiss ko ng sobra habang inis naman kay Lexo ang kalahati nito.

Naisip ko pa nga kanina what if hindi nalang ako uuwi? Tatawagan ko nalang si Klitz na magreresign na ako. si Tito Tedd din para tulungan akong i-annul at ipavoid ang marriage certificate namin. Kayang-kaya ko yang gawin, puso ko lang ang pumipigil sa akin.

Nagpunas ako ng mga luha ko bago lumabas ng elevator at pumasok sa loob ng room namin. Naabutan ko silang may kanya-kanyang mga ginagawa sa harap ng mga phone nila. Si Camilla nag-aayos ng bagahe nya habang kausap si Klitz at Dutch sa phone nya.

Si Mika naman nagpapacute kay Fred. Nakadapa sya at kaharap si Fred na halatang nasa trabaho pa. "Moo, gusto ko ikaw ang susundo sa akin bukas ha?" pabebe nitong sabi.

Ngumuso ako at walang ingay na tumawa sa likuran nya. Kumaway pa ako na kinangiti lang ni Fred sa screen.

"Moo, feeling ko hindi mo ako namiss ng sobra. Grabe ka, pag ikaw ang mag-abroad umiiyak pa ako sa sobrang miss ko sayo" nakanguso nyang sabi.

Tumayo si Camilla sa tabi ko at nakangiwi. Napangiti naman si Fred sa screen at halatang nahihiya sa sobrang pabebe ng asawa nito. Normal lang naman sa kanya ang ganyan, parang sanay na kami na ganyan sya ka lambing kay Fred at sobrang dependent na rito pero natatawa ako sa reaksyon ni Fred na alam kong balot na sa hiya.

"siguro, masaya kana ngayon kasi malaya ka noh?" nakangusong tanong ni Mika sa asawa na kinatawa lang ni Fred. "maybe " sagot pa nito na kinainis ni Mika.

Hindi na natiis ni Camilla ang ka-oahan ni Mika kaya dumapa din sya sa tabi ni Mika. "hi Shinboy! Bilib na talaga ako sayo!" sabi nya na kinagulat ni Mika.

Elite 4: My Sweet Possessive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon