Part 51

20.7K 450 13
                                    

Sorry kong nadelay ang update... salamat sa lahat ng nagtiyagang mag-antay ng update nito. Thank you.

CHAPTER 51

{Irah POV}

Hindi ako lumabas ng kwarto. Inabot ako ng gabi sa higaan ko, kahit balot na balot na ako ng inip kinaya ko paring huwag lumabas para iparamdam kay Lexo na ayaw ko syang makita rito, manatili at makasama.

Kung hindi lang ako nakaramdam ng uhaw at gutom, nunkang bababa ako? Sa hagdan palang dinig na dinig ko na agad ang tawang may kasamang mura. Tawang pangbully talaga at kahit hindi ko na lapitan isang tao lang naman ang alam kong ganyan makabully, sino pa edi ang perpektong si Lexo.

Dumiretso ako sa kusina at uminom. Dinampot ko ang apple na nasa gitna ng mesa at iyon ang pinagtiisan kong ngatngatin. Sinundan ko ang pinanggalingan ng mga ingay at nadatnan ko silang naglalaro sa xbox, si Papi, ate, Mamita, kuya Jao at ang pamangkin kong si Riyu.

Sumandal ako sa pintuan at pinagmasdan ang mayabang  na asongot kalaro si Papi ng Tennis. Umaalingawngaw ang boses nya na para bang taga bahay at sobrang close na sa amin.

"stop it Aye, its not good for the baby" halos maluwa ko ang nginunguya kong mansanas sa sobrang gulat. Hindi ko manlang napansin na nasa tabi ko na sya.

"what?" pakunwari ko.

"yang pagtataray at pagiging bad wifey mo sa kanya" tinaasan nya ako ng kilay na para bang she's judging me for what I've done.

"hind----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang itong umalis at iniwan ako sa ere. Sinundan ko sya hanggang kusina. Nilapag nya pitcher sa mesa at binuksan ang ref.

"Forget what in the past. Kung sabihin mong pinapabayad mo sya sa mga ginawa nya sayo dati, tana na. Mabait na tao si Lexo... Irah" disappointed nyang sabi.

"hindi kaya" pasimple kong paliwanag sabay upo.

Napatigil ako ng bahagya ng mapansin ang biglang paglaki ng tiyan ko. Bakit lumaki na agad to? Kahapon lang ang liit pa nito? Days to go maglilimang buwan palang naman ah?

Nilapag ko ang apple at hinimas ito. Partly im happy, malapit na syang lumabas, at least may makakasama na ako sa buhay pero partly im sad. Sino bang may gustong mabuntis na hindi ka sigurado sa ama ng dinadala mo?

"give him a chance Aye, Lexo is nice and kind naman eh" malambing na sabi ni Ate. Ngumiti sya sa akin at pagod na napapikit.

"pati ba naman ikaw?" nangunot ang noo ko sa kanya. "alam mo naman ang pinagdaanan ko diba?"

"kaya nga sya bumabawi diba?" nilapag nya ang juice sa harapan ko. "mas kilala ko siya kesa sayo. Matagal ko siyang nakasama ang i know him very well" paliwanag nya. "normal lang naman ang maging babaero sya and hello ilang besis ko bang dapat isaksak sa isipan mo na wala syang commitment sayo noon kaya malaya syang makipag fling sa iba."

"so kasalanan ko ngayon kasi asyumera ako?" napatitig ako sa kanya.

"hindi!" mabilis nyang sagot. "walang may kasalanan. Kung meron man pareho kayo kasi ikaw tong sobrang umasa sa lalaking paasa"

Nangunot ang noo ko. "ang gulo mo rin ano?" napataas narin pati ang isang daku ng labi ko.

"talaga naman ah!" nameywang pa. "hindi nya kasalanan kong sumakay ka sa trip nya or naakit ka nya, hindi sya nagbigay ng commitment sayo eh bakit ka magagalit sa kanya? Hindi mo rin kasalanan kung naluko ka, umasa ka, umibig tapos bilang first timer mainlove ng todo eh sobrang sakay ka naman" umiling sya. "kasalanan nyong dalawa kasi pareho nyong gusto ang isat-isa pero pareho naman kayong pinanganak sa buwan ng katorpehan at paasa!"

Elite 4: My Sweet Possessive LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon