kamusta po kayo? hehehe :)
CHAPTER 57
{Irah POV}
"Nanette what happened?" nag-aalala kong tanong.
"congratulations! Nareceived mo na ba?" masaya nyang bati.
Minasahe ko ang ulo ko dahil hindi ko alam paano sasabihing inaatras ko na ang petition at masaya na ako, masaya na kami.
"hindi ko iniexpect na mapabilis yan, akala ko nga aabutin pa yan ng isang taon" pahabol nya.
"Nette --"
"ilang besis kitang kinontak pero nagbago kana ata ng number so I decided to send it nalang sa office mo para mareceive mo for sure." - sya
Hindi parin ako nakapagsalita. Nanginginig ako sa takot ngayon hindi ko alam bakit pero halos hindi na ako makahinga.
"ito ba ang new number mo? I will save this. When ka available para maset natin ang briefing?"
"t-ta-ta" nauuutal na ako. Humugot ako ng malalim na hininga bago ako nagsalita ulit. "tatawan nalang kita Jean, pasensya na sobrang busy ako now" sabi ko.
"okay-okay! Call me soon dear para masingit kita sa sched ko" - sya.
"okay, thanks" kabado ko paring sabi. "bye" at binaba ko na.
Napahawak ako sa mukha ko at ramdam ko na ang pag-init ng pisngi at mata ko. Anytime tutulo na ang mga luha ko at hindi ko alam paano pigilan ang mga ito. Ayokong abutan ako ni Lexo sa ganitong sitwasyon.
Yes, I insist it before. Hindi ko naman inisip na magiging ganito kami ni Lexo. Hindi ko rin inisip na aapproved agad ang petition ko knowing isang bwan palang kaming kasal that time when I asked her na tulungan ako.
Oh my god, what can I do to fix this bago makarating kay Lexo.
Nanginig ang buong katawan ko, pawisan na ako at hindi ko alam ang gagawin ko.
Tumunog ang telephone ko, pumikit ako ng mga mata dahil ayokong marinig ang boses nya. Not now please.
"maam, nasa line po sir Klitz" si Jean.
Nanigas ako sa biglang pagpasok si Jean. Tanging tango lang ang nagawa ko.
"hel-hello Klitz" pinilit kong irelax ang sarili ko.
"dadaanan ka nalang nina Camilla at Mika dyan" nangunot ang noo ko. For what? Mas ginapangan na ako ngayon ng takot.
"lunch?" tanong ko.
"yup, sabi ni Camilla hindi na daw kayo sasabay sa amin" tumango ako kahit alam kong nagmumuka na akong tanga.
"okay, thanks" sabi ko at binaba na agad ang phone.
Pinilit kong ikalma ang sarili ko para hindi nila mahatang may problema ako. I fix myself as much I can.
LEXO:
Text me where I can fetch you later.
Lumitaw ang message nya sa screen ng phone ko. Gustohin ko mangmagreply hindi na kaya ng mga daliri ko. Pakiramdam ko sasabog na ako.
"Nagtext sya, ibig sabihin wala pa syang alam about dito?" kunot noo kong tanong sa sarili ko.
Umiling ako ng ilang besis, naglalaro sa isipan ko na dalawang nag-aagawan na plano, unahan syang matanggap ang letter at sekretong ipavoid ang petition o sabihin sa kanya ang lahat.
"gaga, anong akala mo sa kanya? Dahil lang may anak kayo hindi na sya pwedeng magalit sayo?" saway ko sa sarili ko.
Nanatili akong nakatulala at nag-isip ng magandang plano pero ni isa wala akong nabubuoong matino.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...