last update sa ngayon... thank u sa paghihintay mga pipz... salamat din sa suporta! :)
CHAPTER 26
{Irah POV}
Pinagluto ko sya ng breakfast. As usual food ng mga taong takot tumaba at masira ang figure. Mas gusto ni Lexo ang half cook na boiled egg at toast bread and coffee.
Inihanda ko ito mesa.
"Lexo kain na!" tawag ko.
Dinampot ko ang phone kong nasa sofa naiwan kagabi dahil sa kalandian ni Lexo.
ROSIE:
See you later! :)
Napangiti ako. Gusto nyang magpatulong mamaya sa pag-arrange ng mga pictures sa bahay nya. Feel na feel kasi nito ang pagiging ulirang ina at may bahay simula ng mabuntis sya. Pakiramdam nya kompleto na raw ang buhay nya. Malaking O at A.
Binalik ko sa coffee table ang phone ko at pinaandar ang TV tsaka ko dinampot ang mga damit naming nagkakalat ni Lexo. Buti nalang at hindi uso ang bisita sa bahay nya ng ganitong oras, magbibigti ako if ever may makakita sa mga pagkakalat naming ito.
Pumasok ako sa kwarto at naabutan syang nakaharap sa mga koleksyon nyang relos, nahihirapan siguro pumili. Binaba ko sa laundry box ang mga damit at nilapitan sya.
"i like this one!" sabay turo ng classic style nyang relos na pinakagusto ko. Simple pero formal ang dating.
Napangiti sya at kinuha ang pinili ko at tsaka yun ang sinuot nya.
Nakasunod sya sa akin na lumabas ng kwarto. Napatigil ako sa harap ng TV at nanood ng pinapakitang advertisement.
"come'on ga" hinila nya ang kamay ko palayo sa TV at dinala sa hapag kainan.
"Ilang weeks ka nga ulit mawawala?" tanong ko pagkalagay ng mainit na tubig sa tasa nya.
"bakit mo tinatanong?" nangunot ang noo nya sa akin.
"bawal bang magtanong?" ngumuso ako at napangiti.
"tandaan mo ang sinabi ko sayo!" at tinuro pa ako. Nakataas ang isang bahagi ng kilay nya at parang may naglalarong palaisipan sa mga mata nya.
"what?" napatawa ako. "im just asking!" umiling akong natatawa at umupo sa tabi nya.
"i know you Irah! Just try it! You know me!" pinaningkitan nya ako ng mga mata nya. Kung nakakamatay lang ang pagtitig kanina pa ako nawalan ng buhay.
"ano ba Lexo!" inayos ko ang sarili ko at sumeryoso bigla. "i just wanna know" ngumiti ako. "malapit na kasi ang birthday mo, i want to surprise you!" bulong ko sa isipan ko.
"4- 5 weeks" nagkibit balikat sya, "depende sa panahon, sa photographer, sa designer at sa venue" sabi nya.
"okay, just call" ngumiti ako sa kanya.
"always!" at nagtaas na naman sya ng kilay.
"wee?" nagulat ako. "ewan ko lang kung maalala mo pa kaya ako kung nandoon kana?" umirap ako.
Tumawa sya. "lagot ka sa akin kapag hindi ka nakasagot agad o hindi ka makontak!" seryoso syang nagsalita.
"duh? Ikaw tatawag?" tumawag ako. "ni hindi ka nga makatext noon!"
"noon!" sagot nya pagkalagok nya ng isang itlog. "iba na ngayon, asawa na kita, akin ka na!" kumindat sya na kinatayo ng mga balahibo ko. Ganitong-ganito ang mga tira nyang nagpapalipad ng mga tutubi sa tyan ko.
"asawa sa papel?" nakanguso kong sabi.
"asawang kasama at karamay pang habang buhay!" kumindat sya na kinakilig ko lalo.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...