Sorry about the late update... medyo nabusy lang po ng kaunti... thank u po sa mga pangungulit nyo ... pasensya ito lang din ang nagawa ko. bawi lang po ako... sorry ahead.
JojoOrcine ... hello po. Ito na po ang update.
CHAPTER 48
{Alex POV}
Aliw na aliw sya sa pangalan nyang nakatattoo sa likurang bahagi ng likod ko. Kinunan nya pa ito ng picture kanina at pinost sa instagram.
"enough na wife, late na" saway ko kanina pa kasi ito nakatitig sa phone nya. Alam kong nakikipagpalitan ito ngayon ng komento sa mga kaibigan nya. Kanina padin kasi walang tigil na umiilaw ang phone ko.
Tumayo ako at naligo, hinayaan ko syang masayang nakikipagchat sa mga asawa ng mga kaibigan ko.
Napailing ako habang iniisip kung gaano kababaw ang kaligayahan nya. Parang batang isang lollipop lang ang halaga. Sabagay mabuti narin yan at hindi mahirap ibigay ang gusto nya.
Paglabas ko ng banyo, suot ang roba ko naabutan ko syang nakatihaya sa kama at nasa noo nya ang mga braso nya.
Inayos ko ang pagkakahiga nya, binuhat ko sya at nilipat sa isang gilid. Napaungol sya at napanguso. Napangiti naman ako habang iniisip kung gaano nya ka ayaw ang naiistorbo ang tulog nya.
Inayos ko ang damit nyang naalsa. Napangiti ako at napahinto nang mahawakan ko ang nakaulbo nyang tiyan. Dumapa ako para masukat ang laki nito "Ilang buwan nalang at magkikita na tayo baby" bulong ko dito. Masaya ako sa tuwing nahahawakan ko ang ito. Pakiramdam ko nawawala lahat ng pagod ko sa kakulitan at mood swing ni Irah.
Kinumutan ko sya ng maayos at nilagyan ng unan sa gilid. Habang naghihintay ako na dalawin ng antok, naisipan kong buksan ang feeds ko at silipin ang mga pinag-usapan nila kanina.
Pinost nya nga talaga ang litratong kinuha nya kanina. May caption itong 'my property!' napangiti ako sa litrato, napuno ito ng mga comments na galing lang din sa mga malalapit nyang mga kaibigan. Pinusuan ko lahat ng mga post nya hanggang sa dalawin na ako ng antok at makatulog.
Nagising ako sa isang ingay. Pagmulat ko ng mga mata ko napailing ako nang makita syang kumakain ng maki at kung ano pa. Nakatitig sya sa TV at halos walang preno ang pagkain nya.
"bakit hindi mo ako ginising?" napakusot ako ng mga mata ko at nilapitan sya.
"kaya ko naman eh!" sagot nya. "huwag kanang makikain ha? Kaunti lang to" at nilapit sa kanya ang ilang balot ng mga Japanese foods.
Tumango ako at napangiti. Hinalikan ko sya sa bunbunan ng ulo nya at umupo sa tabi nya.
Nakinood ako sa pinapanood nyang Japanese show. Natatawa sya at naeenjoy pero ako ni isang salita nila wala manlang akong maintindihan.
"Alam mo ba kung sino ang nagbigay nito?" pilya nya akong nginitian at napailing naman ako. "si Chen" nakita nya kasi ang post ko kanina kaya nagmessage sya. Nirequest ko to sa kanya and see?" masaya nyang balita sa akin. Sarkastiko naman akong napatango. "good for you" sagot ko.
Instek nga talaga sya, kuripot! Sa yaman nya, ito lang naibigay nya sa kaibigan nyang naglilihi? Napailing ako. Food chain foods!
"Alam mo bang dito nauubos dati ang allowance namin ni Rose. Ito yung mga paborito naming pagkain dito" masaya nyang kwento. "si Han ang nagdala sa amin sa restong yun" dagdag nya pa. Mas lalong nawala ang gana ko sa kwento nya. That ass man again?
"naisip mo ba ga kung sakaling sila ni Rosie ang nagkatuluyan? Siguro kami rin ni Chen ngayon?" nalaglag ang panga ko sa tanong nya. Fuhh!
"siguro nga!" tumango ako at napangiti. "Siguro kong naging mas matalino lang sya ng kaunti sa akin, siguro kayo nga talaga ang nagkatuluyan!" sabi ko.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...