CHAPTER 44
{Irah POV}
Papunta kami ng hospital ngayon, may dala akong sundae na paborito ni Adam. Ang sabi ni lexo kanina, wala raw itong ganang kumain dahil sa pagtubo ng ngipin nya at nagka-UTI pa ito.
Kumpleto ang barkada pagdating namin, naroon din si Olga at Mommy nito na nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan namin.
"Aye!" bati ni Camilla pagkapasok ko. Kumaway pa ito at tumayo. "kamusta?"
"okay lang, lumayo kalang ng kaunti masyadong matapang pabango mo teh" sabi ko na kinatawa nila.
"hi po" bati ko sa Mommy ni Miller. Nilingon ko rin si Olga at ngumiti ako sa kanya.
Lumapit ako kay Adam na nakayakap lang kay Rosie at matamlay. Balot ang isang kamay nya ng diaper. "hi crush!" bati ko sa kanya.
Ngumuso lang sya sa akin. Pinakita ko bitbit kong jollibee at tinuro nya ito.
Napatawa silang lahat, "gusto mo to?" na kinatango nya. Inabot ko kay Rosie ang isang piraso. Sinubuan nya si Adam nito.
Umupo ako sa tabi ni Mika. "kanina pa kayo dito?" bulong ko.
"oo, kanina pang mga 7, kami ang pumalit kay Lexo dito" sabi nya.
Nilingon ko si Lexo na nakikipagtawanan kina Klitz at Shin sa sofa may kung ano silang pinapanood sa phone ni Klitz. Sigurado akong sasakyan na naman yan.
"oh Miller boy!" si Lexo. Napalingon kaming lahat sa ingay, Skype.
[see this bra! Fuck!] malutong nyang mura.
"woh!" bati nilang tatlo, siguro nanalo ito dahil sa ingay sa paligid nya.
[bakit kayo magkasama? Anong meron?] tanong nya sa kabilang linya.
"were here to cheer for you!" tawang sabi ni Klitz at sabay palakpak.
[cheer your ass Klitz!] si Miller
"fuck you!" sigaw ni Alex. Nilingon ko sya at napanguso ako, ang talas ng dila nya. Nakakahiya sa ibang tao.
Nakapatahimik silang tatlo ng napansin nila na lahat kami nakatitig na sa kanila.
[anong meron?] tanong ulit ni Miller sa kabilang linya.
Walang nagsalita sa kanilang tatlo.
[Shin!]
Napakamot si Fred sa batok nya bago nya nilipat ang video sa kinaroroonan ng mag-ina nya.
[beh?] klarong-klaro ang mukha nyang naguguluhan, [Mom?]
Wala paring umimik sa aming lahat.
[Kovda!] sigaw nya.
Pinaharap ni Alex ang camera sa kanya. "si Adam pinaadmit ni Rose kagabi .."
[Fuck!]
"kasi ang taas ng lagnat. Until now naghihintay parin kami ng result ng lab, kanina ang sabi uti." paliwanag nya.
[ill call you later] biglang natahimik. Siguro ay binaba nito ang call.
Tumunog ang phone ni Rosie, inangat nya ito at pinaharap kay Adam. "Dada!" sabi nito na kinaiyak bigla ni Adam.
[beh!] may halong inis sa boses ni Miller. [beh!]
"okay okay!" sabi ni Rosie at nilapitan sya ni Olga para tabihan si Adam sa kama. Lumabas si Rosie. Ayaw nya sigurong marinig namin ang galit ni Miller sa kanya.
Lumapit ako kay Lexo at tinabihan sya. "nagugutom na ako, gusto ko nang kumain"
Napangiti sya at may binulong din, "mauna kanang lumabas, susunod nalang ako" pasimply nya itong ginawa na alam kong narinig din nina Klitz at Fred.
BINABASA MO ANG
Elite 4: My Sweet Possessive Lover
General FictionNaging: #1 Star #1 myromance #1 childhoodmemories #1 barkada Alexander's Great Fall Akala ko dati, hinding-hindi ako mahuhulog sa kanya. Akala ko dati, sa standard ko hinding-hindi sya papasa. Akala ko da...