Dinala ako ni Brad sa isang pamilyar na bahay, madalas na akong makapunta dito. Bahay ito ng isa pa naming "Forum Member" na si Waren. Kung si Bradice ay isang Techie, sya naman ang Pari. Dahil sa lalim at talim ng kanyang mga payo na simple lang pero may dating. Kinatok muna niya si Waren, nang malamang ayos na ang "Setup" ay pinapasok na niya kami. Kanina pa ko ninerbyos pero dinadaan ko lang sa patawa at pakikipaghuntahan ang nadarama ko. Nang sa wakas ay nasa loob na kami at maayos nang nakaupo ay saka ako binanatan ni Bradice nang tanong na;
Bradice: So kamusta na yang *tinuro ang dibdib ko* puso mo?
Chris: *maang-maangan* Huh? *hinarap si Bradice, ngunit blangko ang ekspresyon ng mukha* Bakit mo naitanong?
Bradice: Kasi tinatawag mo "Siya" *may diin ang salitang "Siya"* kanina bago kita gisingin.
Chris: *nagulat pero agad na nakabawi* Ano sa palagay mo? *pabalang kong tugon*
Waren: *di napigilang sumingit* Sa palagay ko eh hindi pa. *nanantiya ang sagot* Halata sa mukha mo, para kang piniga nung sinabi ni Bradice si......
Chris: *Napikon* Anu ba ang ibig niyong sabihin, ha. :curse:
Waren: Pare alam mo ang ibig naming sabihin *parang pinapakita ang isang bagay na halatang halata*. Wag mong sabihing hinde!
Chris: Ahhhh *nangi-insulto* si Regina ba? *biglang parang nasukol sa sulok*. Hindi ah! *tanggi pa rin kahit buko na*
Waren and Bradice: Anung hindi, HALATANG HALATA!!!!!! Loko! *tawanan*
Chris:..........
At habang tumatawa sila ay muling bumalik si Chris sa nakaraan;
*Flashback*
Nung nalaman ko na kaklase ko si Regine (A.K.A. Sya), mas lalo kong pinagbutihan ang paga-aral ko. Pinakita ko ang "Katalinuhan ko" na kahit ako di ko alam na meron ako. Di ko pinalampas ang mga Recitation, Group Reports, Assignments, Projects at kung anu-ano pa. Pero sa di ko malamang dahila lagi pa rin nya akong nauungusan ng mga 1-2 points. Iniisip ko nga, pinahihirapan kaya talaga akong nitong lokang to? Parang alam niya kung para saan tong ginagawa ko, ganun? Ano tong babaeng to Psychic? Pero halos lahat ng efforts ko talbog, lalo na pag sya ang kalaban ko. Parang di ko sya kayang labanan. Hindi ko sya kayang patulan sa mga akademiko naming tunggalian. "Hindi! Dapat ko nang tigilan tong Ilusyon na to, Di hamak na di sya papatol sapanget na tulad mo" pagkumbinsi ko sa sarili ko, pero wa epek! At ang ebidensya ay heto, ako nanaman ang Kalaban niya sa Group Presentation namin sa Klase (PS: English Class po ito so english ang language):
Regina: Chris, What can you say about the Topic our gropu discussed? Any Question *direkta at harap-harapang tanong niya sa kin*
Chris: *Kunwaring nagi-isip* Oh no! You've discussed the Lesson well, maybe you're asking the wrong person. *sabay kindat sa kanya*
Regina: *Ngumiti nang matamis ngiti may halong panguuyam ang mga salita* No! I'm Asking YOU! Maybe you're sleeping again, thinking someone? *pagak na tawa*
Chris: :ice: *parang nakorner sa sulok pero pinilit na di ipahalata sa kausap* Good Gracious! Who's the Lucky - or should I say the unlucky one - I'm thinking about? Any Ideas? *nanghahamon ang aking matang tumitig sa kanya*
Regina: *tumitig din, Pagsagot sa hamon* Well, let me guess it's----
Teacher(English): *Pinutol ang maiinit na "Banggayan"* Regine, That's Enough! I've fully understand your topic. So please sit down before I send both of You *turo sa kanya at sakin* in the Guidance Office for Class disruption! *pinal na sabi ng guro*
Agad akong tumalima. alangan namang pati ang pobreng guro ay idamay ko pa sa Gulong ginawa ko. Isa pa ay ayokong ma-Guidance para di ako mahirapan sa pirmahan ng Clearance. Pero may kung anong binubulong ang puso ko at di ko yun maitanggi.
"Ayaw mo syang madamay sa parusang sasapitin mo kung sakali" yun ang binubulong ng puso ko. Ayokong aminin pero un ang totoo, kung sa akin lang ipaglalaban ko ang side ko dahil alam ko namang tama ako. Ang Discussor ang nagsimula ng away at madami naman ang nakakita na siya talaga ang may intensyon na pahiyain ako sa boung klase, pero di niya nagawa. Isa pa kaya kong balgtarin ang kung anomang gusot na kinasussuongan ko. Dahil halos lahat ng titser ay kapanalig ng Angkan namin. Pero sa kung anong dahilan ay di ko magawa ang planong yon. Kasi alam kong reputasyon ni Regine ang nakataya. At di ko kayang sirain yon.
Sa lalim ng aking iniisip ay di ko namalayang nakatayo pa rin ako. Pinuna ako ng lahat sabay kantiyaw ng "Weeeeeeeeehhhhhhhhh....... Di mo kaya si Regine? Woooooooo ayos to!!!!" sigaw ng isa naming piyong kaklase na sinundan ng Hiyawan ng lahat. may kumalabit sa kin;
Waren: Oi Chan, wag mo nang isipin yon------
Waren:------ Niloloko ka lang namin *di parin mapigil ang tawa*
Chris: *kumalma ng konti* Yeah Right! Nice one. Alam ninyo napagod ako sa niyerbyos sa pagti-trip nio sa kin ha, *tumayo humakbang paalis* Pero nag-enjoy ako so ingat kayo dyan. Matutulog na ko sa bahay *di ko na sila pinagbigyang kumontra*
Iniwan ko nga sila, pero sa likod ko ay may pinaguusapan pa pala ang mga loko kong kaibigan;
Bradice: Heh! Apektado si hunghang. Wahahahahahahah............ *pero malungkot*
Waren: Oi tama na nga! *hampas niya kay Bradice* nagwalk-out na nga ginaganyan mo pa. Alam mo namang maskit pa para sa kanya ang pag-usapan ang tuongkol kay Regine eh binanatan mo ng Ganon. Anu ka sira? *halos di makapaniwala*
Bradice: Haaaaayyyyyyyyyyyy....... yan naman kasing si Chris eh, sasabihin ko pa naman sanang...............*bulungan*
Waren: Whadapak! sana nga di sya nagpadalos-dalos, malamang dadafa uli yan pag naglaro sya *makahulugang tingin nya sa kin habang ako'y palayo na*
Naglalakad ako pero di pauwi, papunta ako sa Tita ko. 7:15 pa lang naman ng magwalk-out ako sa "Forum" namin aya sasandali muna ako dun.
Kinausap ko ang Tita ko at pinaglaro pa ako. Mabait naman sya kaya may konsiderasyon pa rin. Pagbukas ko ng Account ko, may napansin akong kakaiba sa isang Wizard na nakasalubong ko, nakabangga ko pa nga;
Wizard("Sya"): Sorry po *umalis agad, nagmamadali*
StrikeForce54: ok lang----*naputol ang sasabihin*
May napansin ako sa Pangalan niya, parang, parang, may mali dito ah! Panong!
StrikeForce54: *tumatakbo habang tinatawag ang "Wizard"* Oi Teka sandali...........
*End of [S1/C3] Ang Rebelasyon kung sino "Sya"*
BINABASA MO ANG
Buhay ng CABALista: A Journey of Love and Hatred
FanfictionThe Original Story from CABAL Online PH Forums, Two worlds collide in this Fan Fiction, based on the Massive Multiplayer Online Role-Playing Game (MMORPG), CABAL Online. Witness and unravel how Chris discovered the world that was known as Nevareth...