1 Second na lang dumafa pa si Archer! Pagbalik ko sa Headquarters, Lahat ay nagsigawan. May nakipag-apir sa mga ka party, may mga nagtatalon, at mayroon pang nahimatay. Di ko alam, P0tek naka-Video pala ang bawat kaganapan sa M War, lahat ng naroroon nakita kung paano ko napadafa ang Archer ng Procyon in the thinnest of time, and by the thickest of luck.
Inanunsyo na Natapos na ang bakbakan, Panalo kami! At matapos kong matanggap ang War Exp. at Misson War Reward (Via Mail). Agad akong lumabas ng M War Lobby at bumalik sa Home Channel ng Guild. Ewan ko kung gaano kabilis gumapang ang Mahimalang pagkapanalo ko sa M War (61-94), pero paglitaw na paglitaw ko sa Port Lux para magpapalit ng War Exp., sinalubong agad ako ng mga Guildmates ko;
All: Congrats, Strike! *kinulong nila ako sa gitna ng isang malaking bilog*
Devourment: Ayus sa swerte Strike ah paano---
Atikihc: WoW, Husay mo ah, paano mo---
Echizen09: Akalain mo, 1 segundo na lang tumama pa yung Lance Drive mo, Hanep ang---
StrikeForce54: Di naman ako mahusay eh, sinuwerte lang po ako talaga. Promise *itinaas ang kanang kamay, simbolo ng isang tapat na salita*
Echizen09: Sows, Napaka-Humble mo naman! Ipagmalaki mo naman ang sarili mo paminsan-minsan, para kang sira nyan eh!
Atikihc: Oo nga naman, ano gusto mo bonus? *ngting matamis* Osmuim Slotted Set o Shadow Tita?
StrikeForce54: *nagtaka* Ei, wag na po, for a lucky person, sobra-sobra nang biyaya yung bigyan nio pa ako ng Items for being lucky.
Atikihc: *kamot ulo, pero nakatawa* Waaaaaaaaaa Nosebleed! Oh, sige. Mukhang matagal pa naman bago mo ito maisuot eh.
Matapos ng ilang minutong kwentuhan, umalis na rin ang mga Guildmates ko, talagang inaabangan ko yon, dahil ayokong magpapalit ng War Exp. nang nadito sila, sabihin nila di ako marunong pumili ng Dapat kong ipapalit. Kanausap ko ang Officer sa Port Lux na si Morisson;
Morrison: *hinimas-himas ang baba* Parang ikaw yung mahimala at masuwerteng Capella Warrior na naging Dahilan ng mirakulong Panalo ng Capella sa M War levels 61-94 kanina ah. Yun ang narinig kong balita eh, oo nga pala anong kailangan mo iho, magpapapalit ka ba ng Wexp o kukuha ng Quest?
StrikeForce54: Magpapalit po ako ng Wexp *seryoso kong sagot*
Morisson: Ah ganon ba iho? Ok saan mo gustong Gamitin yang 100 Wexp mo? Sa Leve;l, Skill Level o Honor Class Level? Warning lang ha, Once na maipapalit mo na yung 100 Wexp mo, di na pwedeng bawiin ah, Maliwanag ba iho?
StrikeForce54: *tumango* Opo.
Pinili ko ang Skill Level, na isa palanh malaking pagkakamali. 10 Skill Levels lang ang nakuha ko! Kala ko kasi ra-Rank Up ako pag un ang pinili ko. Kaso wala na akong magagawa dun naipapalit ko na eh. Pinalipas ko na lang ang oras ko sa Grinding.
Para makabawi, ipinasya ko na palagiang sumali sa M War araw-araw para makalikom uli ng 100 Wexp. Kaso mu~g naubos na lahat ng Swerte ko nung unang Sumabak ako sa M War. Kasi mula nung Martes hanggang Huwebes, isang beses lang akong nasalang sa M War, yung ibang pasok ko palaging "Waiting List" at kung hindi 30+ ay 50+ pa ang "Waiting List" ko. Nang nakasabak naman ako, Ay sus, mu~g nadala na sa akin ang mga Procyon. Sinubukan ko ang "Strategy" ko nung lunes pero wa epek, handang-handa na sila sa gagawin ko. Ang resulta, 1 kill Talo Capz :lonely:
Bago ang "Araw ng JS" ay binisita ako ni Bradice, ewan ko pero parang naniniguro ang Loko na pupunta ako;
Chris: *naglalaro, may ka PvP* P*****ss ka ha,----
Bradice: *kinalabit ako* Hoy Adik!
Chris: *Nagulat, nagmintis sa Combo, dumafa ang Char. ko*Waaaaaaaa amf ka naman tsumyempo, nasa kalagitnaan ako ng Duwelo eh, *sinara ang CABAL Program* so, anong mipaglilingkod ko sa yo?
Bradice: Ipinapaalala ko lang sa yo na bukas ay---
Chris: *pinutol ko na ang sasabihin nya para di sayang ang oras* JS sa School at iniimbitahan mo ako. Which is for the Record ay tinanggap ko. Nang dahil sa iyong "Sorpresa" sa akin na ayaw mong sabihin tama ba?
Bradice: *defensive* Huwaw galit ka ata eh. *mukhang nasaktan sa sinabi ko*
Chris: Hindi, ayoko lang sayangin ang oras ko nang di ako nagpapa-level. Anyways paano ako makakapasok sa loob eh sa pagkakaalam ko eh, may bayad ang Entrance dun?
Bradice: *tumayo na ito, akmang aalis na* Wag ka nang mag-alala pa dyan, basta lumitaw ka bukas at sagot ko na ang Ticket mo. Di ko nga lang pwedeng ibigay sa yo ngayon kasi napansin ko na "Abala" ka *tinuro ang PC na kaharap ko*. Sige alis na ko, may kakausapin pa ako eh, tungkol sa "Sorpresa" ko sa yo. *lumabas na sya ng Shop*
Anak ng tipaklong sa Sapang Maalat! grabe naman syang magpaalala!
Nasabi ko na lang sa Sarili ko yon. Pag-uwi ko kinagabihan, may natira pa ata akong Swerte sa katawan, wala pa ang tatay ko sa bahay nang pumasok ako kuya ko lang ang nasa sala. Matapos kong makipagkulitan sa kanya at kumain, iniayos ko na ang tulugan ko On the Floor. At kung kadalasan di ako mahilig manalangin bago matulog, hindi ko napigilang gawin ito ngayong gabi bago ang JS. Matapos kong manalangin ay kinausap ko ang sarili ko;
Chris: Hayyyy...... *nag-iisip* sana bigyan pa ako ni Lord ng lakas para sagupain ang mga pagsubok bukas, Kasi parang may masamang mangyayari bukas.
Ito ang ipinanalangin ko. Pero dapat na ata akong matututo na asahan ang Di inaasahan. Bahala na!
*End of [S1/C13] Sa Dulo ng Linggo*
BINABASA MO ANG
Buhay ng CABALista: A Journey of Love and Hatred
FanfictionThe Original Story from CABAL Online PH Forums, Two worlds collide in this Fan Fiction, based on the Massive Multiplayer Online Role-Playing Game (MMORPG), CABAL Online. Witness and unravel how Chris discovered the world that was known as Nevareth...