[S2/C3] Sa Ngalan ng Katotohanan

42 0 0
                                    

Pero ito ang malaking tanong, bakit pa gagawin ng babaeng ito na i-Set Up ako?, Pwede naman nya akong i-text para imbitahing maghapunan o anupaman, kasi binigay ko naman sa kanya ang "Personal Number" ko, na maski ako ay di ko rin malaman hanggang sa ngayon kung bakit ko binigay sa kanya.

Isa pa bakit pati ang Media ay nandito, sya rin kaya ang tumawag sa mga ito? Isa rin kaya syang taga-media? Imposible naman.......

Di ko namalayan na lumalapit na pala sya sa akin. At sa liit ng espasyo sa ilalim ng hagdan na kinalalagyan namin, ang ginawa nyang konting paglapit na iyon ay naging dahilan na para magdikit ng tuluyan ang aming mga katawan. Binasag ko ang katahimikan dahil pag tumagal pa kami sa nasabing posisyon ay baka may magawa akong di kanais-nais;

Chris: *umalis sa ilalim ng hagdan* Pwede akong magtanong? Bakit kailangan mo pa akong g***hin ng ganito para lang makausap ako ng sarilinan? Pwede mo naman akong imbitahan na maghapunan, kasi di naman ako---

Sofia: *lumabas na rin sa ilalim ng hagdan, maamo ang itsura nito* And that's my point! di ka naman manhid! Bakit sa lahat ata halos ng Presscon para sa mga Best Selling Novels mo ang tindi ng panunuya mo sa mga babae, Hindi ka ba nakokonsensya sa mga babaeng tinatamaan mo sa mga sinasabi mo sa Press? Talaga bang Woman Hater ka?

Lahat ng tanong na iyon ay lumabas ng walang halong galit mula sa nagtanong, paglilinaw at kasagutan lang ang hinihiling ng aking kaharap, base iyon sa makahulugang paghahanap ng sagot ng kanyang mga mata. Ewan ko kung bakit kayang palambutin ng tingin na iyon ang aking depensa laban sa sangkababaihan. Noon kapag may babaeng nagtatanong ng mga bagay na ito at iba pa ukol sa aking nakaraan, madali ko silang nasasagot ng "Wala kayong pakialam" o "Hindi na iyon dapat pag-usapan pa, dahil matagal nang tapos iyon". Pero bakit hindi ko ito magawa sa pagkakataong ito? Masyadong mahirap para sa akin ngayon ang magsinungaling, at hindi ko iyon maintindihan. Sa huli tinungo ko na lang ang Pasilyo at tumayo sa harapan ng bakal ng Railings bago ko sya sinagot;

Chris: *tumigin sa kawalan* Una sa lahat, tama ka hindi ako manhid. Pero may mga Langyayari na bumago sa aking disposisyon sa buhay. Ang dahilan ng abot langit kong panunuya sa mga kababaihan ay sanhi lamang ng isang babae *nanlaki ang mata nya sa sinabi ko* Oo pwede mong sabihing pechay ako pero sa sakit ng ginawa niya sa kin, hindo ko na ginusto pang maging malapit sa sinumang babae. Bakit? Dahil sa takot kong baka hindi nila ako matanggap, na katulad din sila ni-*napatigil ako sa pagsasalita, may ilang patak ng luha na kumawala sa mga mata ko* In that sense, pinaniwala ko ang sarili ko na hindi ko kailangan ng babae, dahil sasaktan lang nila ako, lolokohin lang nila ako, kukutayain lang nila ako....... at marami pang iba. Nilayuan ko lahat ng mga babae, at kung may lumalapit man, ako mismo ang nagtataboy sa kanila, kaya ako nabansagang "The Woman Hater Romance Writter" . *binalingan ko sya ng tingin* Pero hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Bakit kailangan mo pa akong lokohin para lang makausap at itanong ang mga bagay na iyan sa akin?

Sofia: *natigilan sya sandali, pagkunwa'y yumuko at mahinang sumagot* Dahil naisip ko na hindi mo sasagutin ang mga tanong ko kung gagawin ko ang pagtatanong sa karaniwang paraan, at gagamitin mo ang pamoso mong sagot sa mga tanong na iyon. Isa pa ay para ibigay sa yo ito *inabot nya ang isang piraso ng papel na may Orihinal na Selyo ng UP*

Chris: *kinuha ang papel at nagulat* Teka Class Schedule Card ko to ah, paanong...

Sofia: *tumango, nag-angat ng mukha* Di ka raaw kasi marunong maghintay, Sabi ng Registrar, tamang napadaan ako, kinuha ko iyan at iaabot ko na sana sa yo. Pero nakalayo ka na, kaya inisip ko kung paano ko maibibigay yan. Napagtanto ko rin na hindi ka talaga suplado kasi kinindatan mo pa ako pagkabigay mo sa akin ng Number mo, which I've figured out na "Personal" number mo pala. Kaya ginawa ko itong planong ito para malaman kung ano ang nagtutulak sa yo na maging "Woman Hater". Wag kang mag-alala hindi muna *parang may ibig sabihin sya sa pagkakasabi nya ng Word na "Muna"* kita kukulitin kung sino at ano ang eksaktong dahilan ng pagkakaganyan mo Chris. But for now Can we be Friends? kasi alam kong parang galit ka pa rin.

Matapos ng paliwanag nyang iyon, di ko maiwasang magtanog sa kawalan, Bakit parang ako ang tinamaan ng mga planong sa akin dapat magmumula? Bakit sa likod ng isip ko ay may hinala akong may balak pang gawin ang babaeng ito na hindi ko mawari. Hay naku, bakit ba napaka-sensitive ko ata nitong mga nakaraang araw sa sinasabi ng ibang tao? Siguro dahil sa mga Tsismis na kumakalat. Hindi naman masama ang alok ng babaeng ito na pakikipag-kaibigan diba? Pero parang may mali sa konsikwensya ng alok nya? Ano kaya iyon? Ah basta di naman masama na magkaroon ng babaeng kaibigan diba? Bahala na!

Chris: *inalok ko sya na makipag-kamay* Ok, Friends?

Sofia: *tinanggap ang kamay ko* Salamat ha, From now on, Sofie na ang itawag mo sa kin, masyado kasing old-fashoined ang Sofia eh.

Chris: *ngumiti na ko* Sure Sofie, ikaw pa *inaya ko na syang umalis* Sabay na tayong lumabas ng Campus

Sofia: *umiling* Can't do Chris, May Klase pa ko dito sa Educ, kaya nga dito kita dinala *pa-kikay itong kumaway* Sya ingat ka ha.

Chris: *sinapo ang noo* Aw Hell, Sige ingat ka alis na ko *lumabas na ako ng Building na iyon*

~Sofia's POW~

"WoW naman, parang ang dali nitong "Ginagawa" ko ah" Palatak ko sa kamay ko nang makita kong wala na sya. Hindi ko lubos maisip na napakabait pala nitong si Christian. Ni hindi sya naghinala sa intensyon kong makipag-kaibigan sa kanya. Minsan tuloy ay parang ayoko nang gawin ang "Trabaho" kong ito.

Hindi ko na sana balak pang gawin ang bagay na to kung di lang sa pustahan naming magkakaibigan;

*Flashback*

Nakikita ko na ang mga Barkada ko sa di kalayuan, nasa ilalim lang sila ng Puno sa labas ng Sunken Garden. Doon kami madalas magkamustahan. At sa oras na iyon ay mukhang ako na lang ang hinihintay nila. Patay ako nito!

Sofia: *kinawayan ko na sila* Sorry late ako ha kasi---

Lizzette: *inirapan ako* Kinuha mo pa ang Number ni Christine! Bruha ka pa-pasa naman ng Number nya *nag-tantrum ito*.

Sofia: *dinilaan ko sya, lalo pa itong nainis* Pasensya ka, Finders, Keepers! Hahahahaha

Lizzette: *tumigil ito sa pag iyak, pero tinignan ako ng masama* Sige ayaw mo ha, isusumbong kita kay Sir Galvez na pina-xerox mo ang Key to Corrections nya para sa exams nya for this Whole Semestral. Kala mo di kita nahuli ah! *pinakita sa akin ang Video nya sa phone habang pinapa-xerox ko ang nasabing papel*

Deborah: *pinigil si Lizzette sa pagbubunganga, may nagtitinginan na sa kanya* Lizzy tama na yan, may mas maganda akong naisip na paraan para makuha natin ang Number ni Christine sa kanya.

Lizzette: *tumingin kay Deborah* Ano?

Deborah: Ganito, pag naisama nya si Chris a.k.a Christine sa Concert ng My Chem sa October sa SM Fairview, bago ang Mid Terms ibibigay natin sa kanya ang kopya ng Video na yan para burahin na nya, plus kanya na ang Number ni Chris. Pag hindi nya naisama si Chris, well, ipapakita natin kay Sir Galvez ang Video na yan at kukunin natin sa kanya nag Number ni Chris at tatanggalin natin ang Number ni Chris sa Phonebook nya. Ano Sofie *nakangisi ito* Deal or No Deal?

Wow ayos sa dare ah! Parang lugi ako dito, pero hawak nila ang alas so;

Sofia: *tinignan ko sya ng mata-sa-mata* DEAL!

*End of Flashback*

Ewan ko nga kung talagang mga kaibigan ko bang talaga ang mga ungas na babaeng iyon pero dahil pumayag na ko at hawak pa rin nila ang Video na yon, kailangan kong sumunod sa ginawa naming pustahan. Bakit ba kasi pina-xerox ko pa ang Key to Corrections na yon eh! Napasok pa tuloy ako sa disgrasyang ito. Lolokohin ko pa tuloy ang Idol kong si Chris. Uulitin ko lang ang ginawa sa kanya ng Babaeng naging dahilan ng pagiging "Woman Hater" nya. Malamang di nya ako mapatawad sa gagawin ko pero, hindi na ako pwedeng umatras. It's Now or Never!

*End of [S2/C3] Sa Ngalan ng Katotohanan*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon