*???'s POV*
"Bull's Eye!" sabi ko matapos tumama ang aking Holy Arrow ka Capella. Sapul sya sa gitna ng kanyang dibdib, dahilan upang tuluyan syang mawalan ng Malay. Sugatan ang kanyang mga kasamahan nang dahil lamang sa Kakaibang pagsigaw ni Strike Kanina sa kanyang kakaibang Battle Mode 2 State. Nag-iwan ng marka sa mga Pader ang dalang latay ng hangin kasama ng kanyang tinig na nilabas nya sa kanyang paggamit ng Fury Shout kanina. Ngunit kakaiba ang Fury Shout na iyon, dahil imbes na mapalakas nito ang pisikal at mahikal na lakas ng atake nila, nakagawa ito ng malaking pinsala sa lahat, kalaban man o kakampi. Kung hindi ako nakatago sa Column kanina ay siguradong kritikal din ang aking lagay. Agad ko silang nilapitan, at hinawakan ang kanilang Capella Pin at awtomatiko akong nasali sa kanilang Party. Agad akong gumamit ng Mass Heal at sila'y nagkamalay lahat, di nga lang buo ang kanilang lakas. Habang sila'y bumabangon ay hinanap ko si Strike, at nang akin itong masulyapan, ay papalapit na pala kay Capella, Wala na ang kakaibang Battle Mode 2 nya pero, ang paghawak nya sa Callisto's Fury ay isang kamay lang, habang papalapit sya kay Capella ay pumapatak ang luha nya sa sahig. Di nya alintana ang bigat ng kanyang tangan na Espada, kahit na halatang nanghihina na sya. Agad ko syang sinundan.
Nang ako'y makalapit ay narinig ko ang kanyang pagbulong "Capella, bakit? Bakit ganoon ang paghahangad mo sa kap@ngyarihan na handa mong isakripisyo ang lahat?" Ilang hakbang na lang ang kanyang layo mula kay Capella nang hawakan ko ang kanyang kamay para sya ay pigilan.
"Chris.....?" Anas ko sa kanya na puno ng pagsusumamo na wag nang ituloy kung anuman ang kanyang binabalak ang aking tinig, na sana'y kanyang napansin. Ngunit masyado akong umaasa, humarap sya sa akin, at biglang sumigaw "Ito, Ito na lang ang naiwan nyang alaala para sa akin. Wala na sya, WALA NA!!! Nang dahil sa babaeng ito" itinuro nya ang wala pa ring malay na si Capella na nakahiga pa rin sa sahig "Nasira na ang pangarap namin, ngayon paano ako Matatahimik, anong gagawin ko?" Hinawakan nya ako sa kwelyo ng aking baluting Mithril Pero inalis ko iyon at ginawaran ko sya ng isang sampal sa kanyang kanang pisngi.
*Chris's POV*
Natigalgal ako sa epekto ng kanyang sampal na di naman kalakasan, bago pa man ako makabawi, ay nagsalita na sya gamit ang isang Pagkalamig-lamig at seryosong tinig "Isa lang ang sigurado, hindi gugustuhin ni Regine na ikaw ay maging isang mamamatay-tao, tara na" Pero di ko kaya, hanggang di ako nakakapaghiganti sa babaeng ito ay hindi ako mananahimik. Hinawakan ko ang Espadang Bigay ni Callisto at buong lakas na tinangkang itarak ito kay Capella pero, nalagyan ako ng Execration Skill at di ako makalapit sa kanya. Nagising na pala ang mga Kawal na tinawag ni Capella at pag-angat ko ng aking mata ay nakita kong pinalibutan na nila kami.
"Curse Remove!!!" Sigaw ng Archer na nagligtas sa amin, hinawakan nya ang kamay ko at sinabing "Maniwala ka lang sa akin, ipikit mo ang iyong mga mata, kung gusto mo pang mabuhay."
Na syang aking ginawa.
*Yekaterina's POV*
~Bloody Ice: Auction House's Stockroom*
"Ang tagal naman nila" Naiinip na ako at palakad-lakad na ako sa pasilyo dala ng aking pagkainip, nang sa wakas ay may nakakasilaw na liwanag na lumitaw mula sa aking harapan, at lumabas na sila StrikeForce54 at ang kanyang mga kasama, ayon sa aking plano, ay dinala sya ng "Matang Lawin" sa Eksatong lugar kung saan ko inihanda ang Dark Aura Purifier. Nakita kong lahat ang naganap sa pamamagitan ng Eye Patch ng "Matang Lawin" at totoo pala ang binigay na babala ni Sirius Sage ukol kay Chris, na ang galit nya ang Trigger para kumawala ang "Dark Energies" nya.
Nang Matapakan nya ang Circle, ay agad syang napasigaw sa Sakit sa lakas ng Pwersa na dumaloy sa kanya. Nawalan agad sya ng Malay. Pinagpahinga ko ang iba sa Baba at nilapitan ko ang Archer
"Maraming Salamat, sa pagligtas sa kanya" Anas ko
"Walang anuman yon Rina, Responsibilidad ko naman yan eh" Matapos noon ay lumabas na rin ng Shop ang misteryosong babae.
Napatingin na lang ako sa Note na pasimple nyang iniabot sa akin, nakalagay sa sobreng kinalalagyan noon ang mga katagang 'Kay Strike lang ipabasa'.
Ang Pangalan nya ay Ashe ayon sa sulat.
*End of [S3/C19] Pagsagip sa Pagdurusa*
BINABASA MO ANG
Buhay ng CABALista: A Journey of Love and Hatred
FanficThe Original Story from CABAL Online PH Forums, Two worlds collide in this Fan Fiction, based on the Massive Multiplayer Online Role-Playing Game (MMORPG), CABAL Online. Witness and unravel how Chris discovered the world that was known as Nevareth...