[S3/C2] Sundo, Salubong at Sorpresa

17 0 0
                                    

Unang Bumaba at nagkahugis ang Katawan ni Capella. May grace itong tumapak sa lupa sa Harap ng aming bahay - imagine harap ng Bahay ko! - at nang makatapak na ang kanyang buong paa sa lupa, itinaas nito ang kanyang kamay nang ilang segundo, matapos noon ay brutal na inihampas sa lupa. Naglitawan matapos ng seremonyang iyon ang May isangdaang Kataong Army niya.

Huminga muna ito ng malalim bago sya magsalita "Ahhhhh... Alright, Alam nyo na ang Objective ng 'Realm Breach' na 'to. Retrieve, StrikeForce54. Lahat ng Haharang - Procyon man o Neutrals - ay May awtorisasyon kayong patayin. Pero wag kayong magpapakamatay dito ah, Isa lang ang buhay ng mga Tao sa Mundong ito, so Oras na Dumafa kayo, Wala nang Resurrection na naghihintay sa inyo" May napansin itong tumitig sa kanya at matapos ay Walang Emosyong idinagdag "Kailangan ko syang BUHAY. Marami syang bagay na mabibigyang linaw" Tatalikod na sana sya nang biglang Bumagsak ang isang ilaw na itim sa Harap ng Kanyang Sumusugod na Army;

"Tama na nga 'tong pamumuwersang to Capella!" Sabi ng pigura pagbasak nya mula sa langit. Binunot nya ang isang Maliit na Cube mula sa kanyang bulsa at inihagis ito, pagbagsak niyon ay naging Mataba at mahabang Espada ito na ibinaon nya sa lupa para makagawa ng isang malaking Alon ng Lupa. Higit sa 1/4 ng Army ni Capella ang Nagulat at tumumba sa ginawa ng nito. Pagalit syang nagpatuloy sa pagsasalita habang ginagawa ang Seremonya ng pagtatawag na ginawa kanina ni Capella "Matagal na nating alam na Napilitan lang si StrikeForce54 na Kumampi sa inyong Nasyon, at napakalaki mong istupida kung idadamay mo pa ang mga Mandirigma mo sa 'Vendetta' mong ito"

"Ah Talaga lang ah?!?!" Pang-aasar na tugon ni Capella, nawala nang lahat ang pagiging mahiyain nya kanina at naglabas na rin ng Cube na nilabas kanina ni Procyon. Pinalutang nya lang ito sa isang kamay at naging Dalawang Parang Gloves iyon. Sakto namang ang pagdating ng pwersa ni Procyon, Gumawa sya ng Limang kapareha nya at gumawa ng Bilog sa Lupon ng ilang Mandirigma ng Procyon. Tinaniman ni Capella ng Bola ang Sahig at pinasabog, pwersa naman ni Procyon ang nagsitaob.

Lahat ng iyon ay aking nasaksihan at narinig habang tumatakbo kami ni Regine. Nabalot ako ng kakaibang lamig. Ilang dipa lang ang layo namin sa bakanteng lote na iyon na ginawang 'Mini Battlefield' ng dalawang Army. Ang lahat ay halos magpatayan na sa dami ng kanilang mga mahika at teknik na ibinabato, habang sila Capella at Procyon ay nagwa-one-on-one sa Di kalayuan. Ewan ko kung saan namin nakuha ang aming swerte, dahil lahat halos ng Teknik at mahikang nagliliparan sa lahat ng sulok ay di man lang kami magalusan.

Patuloy kami sa pagtakbo nang isang Ligaw na Sword Cannon Wave ang papalapit sa amin. Di na namin maiiwasan ang pagtama niyon. Niyakap ko ng Buong higpit at pagmamahal si Regine at itinalikod ko sya sa direksyon ng Cannon para ako lang ang matamaan. Alam kong wala akong laban sa aking Tunay na mundo kapag tumama sa kin un, pero ok lang basta buhay si Regine. Ang sakit siguro sa pakiramdam nang mamatay nang di man lang naipadadama sa mahal mo kung gaano mo sya kamahal...

Pumikit na lang ako para di ko maramdaman ang Sakit, pero biglang may humarang at sumalo ng Tira ng Buong-buo. Critical pa naman ang Tama. Kasi tumumba pa ang tinamaan at sumadsad palayo, buti na lang at di kami nasama sa impact ng Tirang iyon.

"Nak ng Kamote kayong dalawang Lovebirds kayo!!! Alis na!!! Dun kayo sa Gitna ng Umiikot na ulap magpunta" Nakita nyang may isang ligaw na Seismic Wave na papunta sa direksyon nya, nailagan naman nya iyon "Dali Safe kayo doon, DALI"

"Aba, abah! Isang Wizard, Masaya to!" Patawa-tawang sabi ni Capella sabay tira ng Extreme Dual Cannon kay Jennifer, tinamaan sya't nahilo.

"HOY CAPELLA! Ako ang kalaban mo loka!" Sigaw ni Procyon sabay Force Kick kay Capella. Agad silang bumalik sa labanan matapos noon.

Tumungo kami sa Gitna ng Umiikot na mga ulap. Tumingin ako sa ulap sa itaas. Hinigop ako noon. Maubunutan na sana ako ng Tinik sa lalamunan nang biglang...

Nawala ang kamay ni Regine sa aking pagkakahawak. Tinamaan sya ng isang Dual Cannon ni Capella. Duguan syang nakahiga sa lupa, wala nang kinang ang kanyang mga mata na dating punong puno ng Sigla...

"Hindi!!! REGINA" Sigaw ko habang pinipilit ko syang abutin pero tuluyan na kong kinain ng mahiwagang ulap. Rinig ng mga nagdu-duwelo ang aking pagsigaw at agad na sumunod.

Napapikit na lang ako sa sobrang hinagpis na nararamdaman ko. Wala akong nagawa, namatay sya sa harap ko mismo. Wala akong nagawa para ipagtanggol sya. Para saan pang mahal ko sya, kung wala akong magagawa...

Sa lalim ng aking kalungkutan, di ko na napansin na nakalapag na pala ako sa isang lugar. Malamig ang Hangin roon at Umuulan ng Niyebe.

"Hindi maari! nasa Bloody Ice ako" Sigaw ko sa walang katao-taong lugar na ito, na ang tanging meron lang ay mga maliliit na Cottage at isang Malaking Tindahan.

May lumabas na tao sa loob ng tindahang nasa Gitna. Inaantok pa iyon at nagpupungas ng mata ng nakita ako. Nang mangyari iyon ay parang binuhusan sya ng Tubig na nagyeyelo.

"StrikeForce, ikaw nga!" Ang nasambit ng Babae...

Bakit nya ko kilala?

*End of [S3/C2] Sundo, Salubong at Sorpresa*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon