"Malayo...?" Anas ni Sofia.
"Tahimik na...?" Ang dagdag ni Resty.
"Nagmamasid...?" Tapos ni Waren.
"Ha, ha, ha!!! Oo ngayong nasabi ko na sa inyo ang parte ng 'Propesiya ng Emmisaryo mula sa Kabilang Mundo', nakahanda ba kayong makinig sa isang Matanda pa sa akin na Kwento dito sa aming mundo? Na baka magbigay linaw sa dahilan kung bakit kayo nandito?" May makahulugang ngiti sa Aking labing tanong ko sa tatlo.
"Opo" Sabay sabay nilang tugon pero bumuka uli ang labi ni Resty. "Pero gusto po naming simulan nyo ang kwento sa kung Sino yung 'Mata ng Lawin' na tinukoy nyo kanina? At Bakit di si Sofia iyon?" Seryoso nyang usisa.
"Sige, fair deal iho, dahil nakapasa ka sa aking pagsusulit. Unahin ko munang sagutin ang ikalawang parte ng Tanong mo, dahil iyon ang mas halata ang sagot. Dahil si Sofia ay dapat na maging isang Wizard sa mundong ito, hindi isang Force Archer, at nasabi na ng Parte ng Propesiya na sinabi ko, hindi nyo sya kasama, Sya'y 'Nasa Malayo, at tahimik na nagmamasid'. Tumingin muna ako sa kawalan ng medyo matagal bago uli magpatuloy, "Ngayon kung sino sya'y di rin ako masyadong sigurado, dahil mailap ang ating 'Mata ng Lawin' Pero ang teorya ng mga manuskrito ng kasaysayan ay ganito..."
~???'s POV~
*Nevarethian's World: Near the Neutral Warp Portal of Porta Inferno*
"Anak ng Kamote! Anong ginagawa ko dito sa Porta Inferno? Diba isang Online Game lang ang CABAL? Bakit ako na mismo ang nandito" Tanong ko sa kawalan. Ang tanging Abot ng mata ko ay kulay orange na kalangitan at puno iyon ng itim na ulap na tumatakip sa kakaonti na ngang liwanag na dumadantay sa lupaing ito. Ito ang Porta Inferno, ang Highest Level Map sa CABAL Online. Sa Bandang harapan, ay nakikita ko ang mga halimaw na dati ay sa monitor lang ng PC ko nakikita. Ang aso na may tatlong ulo na ang Pangalan ay Kerberos, isang itim na kabayong may pakpak na ang tawag ay Fallen Steed. Ang mas nakakatawa pa, nasa loob ako ng Katawaan ng aking karakter na isang Force Archer.
"Ang weird! Isa na akong Force Archer. Teka nga masubukan ang mga Skills ng Aking FA. GRAVITY DISTORTION" Sinubukan kong itira ang Grand Master Skill ng Force Archer, ang Gravity Distortion. Gumawa ng isang Maliit na palaso ng Dilim ang mahikang ibinuga ng suot kong pares ng Mithril Crystal [2] + 9 with 10% Critical Damage Increase on each Slots. Ilang segundo lang ang lumipas, ay lumitaw mula sa itim na Palaso na iyon ang isang Higanteng Bola na parang Black Hole, matapos ang ilang segundo ng paghigop nito ng hangin ay bigla iyong pumutok. Dahilan upang mahilo sandali at pagkatapos ay ma-alerto ang mga halimaw na malapit.
"Ay loka, Ang ganda ng Tira ko, sa ganda tinamaan ang mga mobs ng di sinasadya! Paano ko naman papatayin ang mga to, eh binasa ko lang at ginawa ang nakasaad doon sa Skill Book na nandito sa Belt ko?" Tanong ko uli sa kawalan, habang papalapit sa akin ang mga halimaw. "Huwag kang mag-alala, 'Mata ng Lawin' sapagkat tutulungan kita na madaling matutunan ang mga Bagay na iyan" sabi ng isang mahiwagang tinig na katulad na katulad ng kanyang boses
"Sino ka?" Bulyaw ko sa tinig na nagsalita "Hindi importante sa ngayon kung sino ako, ang importante ngayon ay madepensahan mo ang sarili mo mula sa mga Kerberos na yan!" Balik bulyaw ng boses at tinukoy ang mga papalapit na Aso. "O sige, paano?" "Ganito lang!"
Matapos ang ilang minutong pakikipaglaban sa mga halimaw na iyon sa pamamagitan ng pagsunod sa itinuturo ng mahiwagang boses, tumumba at naging alikabok na lang ang mga aso. Kinausap ako ng Tinig "Ngayon, pagkatapos ng maikling 'Tutorial' na yan, dapat na tayong Kumilos 'Lawin' Dahil di magtatagal ay magigising na si StrikeForce54 mula sa kanyang pagkakatulog, at kapag nangyari yon, simula na ng 'Totoong Laban' Natin"
"Teka Teka lang ah, Break muna, pwedeng magtanong muna ako. Sa Dinami-dami ng Mapa sa CABAL, bakit dito ako unang bumagsak, at sino ka?" Usisa ko sa tinig na kumakausap sa akin.
"Sa unang tanong mo, ang sagot ay simple lang. Maghahanap tayo ng Transcender Skill Scrolls para sa mga Kasamahan ni Strike, mga baguhan sila sa Mundo natin. Ang ikalawa ay hindi ganoon ka-importanteng sagutin ko pa" Sumimangot ako sa sagot na ito ng boses, pero ng maramdaman nya ang bugnot ko ay dinagdagan nya ang sinabi nya "Oh sya ng matuwa ka, eto ang sagot ko, isipin mo na lang na ako ang 'Kalahati' mo na nakatira dito sa Mundong ito. Maliwanag?"
"Ok Fair Enough. So kung babangon na pala si Strike sa kanyang pagkakatulog, eh di dapat bilisan na nating maghanap ano?" Nang sumang-ayon ang boses, ay dinagdagan ko ang aking sinabi "Tara sa Incubus at Succubus Spot tayo!" At lumakad na ako
~Chris's POV~
*Dream World*
"Anong Ginagawa ko dito sa Lobby?" Iginala ko ang paningin ko, nandito ako sa Lobby ng Capella Confederation. Sa di kalayuan ay Nakita ko si Regine, nakakulong sa isang Experimental Tube. Sinubukan kong lumapit pero may isang nakatalikod na Babaeng Force Blader ang humarang sa Tube kung nasaan nakakulong si Regine.
"Sinasabi ko na nga ba, darating ka rin StrikeForce54." Sabi nito.
*End of [S3/C15] Nawawalang Piraso*
BINABASA MO ANG
Buhay ng CABALista: A Journey of Love and Hatred
FanfictionThe Original Story from CABAL Online PH Forums, Two worlds collide in this Fan Fiction, based on the Massive Multiplayer Online Role-Playing Game (MMORPG), CABAL Online. Witness and unravel how Chris discovered the world that was known as Nevareth...