Sabado, Pebrero 14, 2009.
Oras: 09:30.
Lugar: Bahay.
Okasyon na pupuntahan: JS Prom @ 18:30
Bwiset! Bakit ba parang Military Mission Format ang pagkakalagay ko sa Utak ko ng "Mental Note" na ito??? Sa bagay, isang malaking "War Zone" ang pupuntahan ko, kung usaping pang-puso ang pag-uusapan. Binulabog din ako ng sangkaterbang panaginip na parang isang koleksyon ng mga pangit na nangyari sa buong buhay ko. At dahil subok na ang mga "Premonisyong Panaginip" ko, inatake nanaman ako ng kaba. Lahat kasi ng mga alaala sa panaginip kong iyon ay tungkol sa "Love Life" kong sawi at dispalinghado. May pangit nanaman bang mangyayari sa matagal nang sinumpang buhay pag-ibig ko at maisasama sa koleksyon ko ng mapapait na alaala ng buhay ko? Di ko alam, di naman ako Psychic. Pero isa lang ang sigurado, may mangyayaring isang malaking kaganapan ngayong gabi, at kung anoman ang resulta niyon, ay dapat akong maging handa, maganda man ang idudulot nito sa akin o hindi
And speaking of paghahanda, nakalimutan ko pa pala na ayusin ang isusuot ko para sa pupuntahan ko mamaya. Pinalantsa ko na ang pinaka-"Formal Attire" na meron ako, isang itim na kupas na pantalon, isang Checkered na Polong pinaglumaan na ng panahon, pares ng medyas at itim na sapatos, na syang pinakamaganda sa Attire ko, kasi medyo bago pa iyon, mga anim na buwang gulang pa lamang kasi ang nasabing pares ng sapatos at medyas.
At dahil hindi ako madalas mag-ayos ng sarili kahit may okasyon o lakad, inasar na naman ako ng mga kapatid kong, dahil araw ng sabado, ay walang pasok at walang mapag-tripan.
Matiwasay ko namang nalagpasan ang umaga ng araw na ito, walang matinding away, sermon o anupaman. Ganon din ang hapon, na "Same Routine" lang, as usual ang naganap, maliban sa ilang mahilig mam-PK sa CABAL na puro naman mga low levels at madali kong napabagsak. Akala ata nila ay "Low Level" din ako dahil "Reinforced Set" lang ang suot ko, di nila alam ay "Quest Grind" lang ang ginagawa ko kaya ganun kahinang set ang suot ko.
Alas-singko pasado na ng hapon nang ipinasya kong umuwi at magpahinga ng konti. Medyo maaga pa naman at inihanda ko na ang aking hapunan, kasi alam kong "Entry Pass" lang ang kayang ibigay ni Bradice, at hindi ang lahat ng pangangangilangan ko sa gabing ito. Isa pa, mapapalaban ang Kaibigan kong ito, dahil ayon sa mga Sources ko, ay may ibig daw syang "Sorpresahin" - maliban sa akin - sa araw na ito. Kahit na hindi nabangit sa akin ng Source kong iyon ang pangalan ng tao - or mas eksaktong deskripsyon ay isang "Babae" - ay may ideya na ako kung sino sya.
Umalis na ako, patungo sa lugar ng aktibidad, ang eskwelahan. At iniisip ko kung anong klaseng pagpapaganda ang gagawin ng mga guro sa Venue ng JS, ang Old Chapel ng paaralang iyon, na kulang na lang ata ng isang bulate sa kisame, at tuluyan nang babagsak iyon.
Nagulat at napanganga pa ako sa nasaksihan kong ayos ng "Inaamag" na Old Chapel. Bagong pintura ang buong lugar, inayos ang mga crack sa sahig, pinalitan ng kisame, at pinalamutian ang bawat sulok ng kulay na Pink at Pulang puso na may Kupido pa at kung anu-anong pang burloloy. Lalo tuloy akong nagngitngit sa namasdan ko, mu~g sa mga estudyante galing ang 60-80% ng ginastos sa pagsasaayos ng nasabing lugar, meaning talagang ginusto nilang matuloy ang aktibidad. Nabalitaan ko kasi na ipinag-utos ng Principal na hindi matutuloy ang JS kapag hindi naisayos nag Old Chapel bago ang araw na ito, kahit ang lahat ay bayad na sa Ticket at pagkain.
At sa kung anong malas ay napaaga pa ako, huling-huli ko tuloy ang mga "Maagang" mga estudyante - o mas bagay na sabihing "Magsyotang Sweet na Sweet" - sa kanilang mga maiinit na pagpapakita ng pagmamahal sa isa't-isa. May mga magkayakap na nagpa-praktis ng sayaw para mamaya, may mga nakaupo sa sulok, nagpapalitan ng "14344" sa kanilang mga katabi, at ang pinakamalala, mga Labing ng mga magsing-irog na naka-Super Glue ata at hindi mo pwede at kayang paghiwalayin kahit na ngayon na gumuho ang sangkalupaan. P0taness!!!!!! Parang Gusto ko tuloy mag-BM2 sabay hampas sa ulo ng mga kulokoy na mga batang iyon, at ang mga naghahalikan ay babatuhin ko ng Karit!!!! ang problema, hindi ito CABAL, kundi manipestasyon ng katotohananang maraming tao ang nakakita na taong handang magmahal sa kanila, kung anoman at kung sinoman sila. Hindi ko katulad na hindi pa alam ang rason kung bakit ako nandirito, o kung ano ang "Sorpresa" na inihanda sa akin ni ng taong nagpapunta sa akin sa lugar at okasyon na kung tutuusin ay malaking aksaya lamang sa oras ko! Masyado nang masakit sa kalooban ko ang mga tagpong aking nasasaksihan.
BINABASA MO ANG
Buhay ng CABALista: A Journey of Love and Hatred
Fiksi PenggemarThe Original Story from CABAL Online PH Forums, Two worlds collide in this Fan Fiction, based on the Massive Multiplayer Online Role-Playing Game (MMORPG), CABAL Online. Witness and unravel how Chris discovered the world that was known as Nevareth...