Pagsakay namin ni Bradice ay Agad syang nagbayad ng aming pamasahe. Matapos noon ay naging matahimik na ang Aming paglalakbay. Si Bradice ay nakatingin sa kawalan. Sa ganito katahimik na sitwasyon ay hindi ko maiwasan na bumalik sa aking nakaraan. Isa lang naman kasi akong simpleng Dalaga na nagsasakripisyo ng pagod at pera para makapag-aral. Pero isang tagpo sa buhay ko ang bumago sa lahat ng Nakasanayan ko sa buhay. Ang mga magulang ko ay Tumama sa Lotto ng Mahigit sa 300 Milyong Piso. Pero dahil doon ay lalong naging komplikado ang buhay ko.
Dumami ang kaaway at kaibigan ng mga magulang ko, lahat ay hinahangad ang Milyones ng aming pamilya. Sa Parte ko naman, alam kong may itsura ako, pero noon ay hindi ako nililigawan ng kahit sinong lalaki. Pero ngayon ay Sangrekwang mga Binata ang Umaakyat ng ligaw sa amin. Isa lang ang nakikita kong dahilan. Ang kayamanan na mapapasakanila kapag napangasawa nila ako.
Nasa Probinsya pa lang kami noon. Kaya nagpasya ang mga magulang ko na lumipat kami ng Maynila. Akala ko noon ay mapapayapa na kami ng Pamilya ko, hindi pa rin pala. PAgkalipat na pagkalipat pa lang namin ay minalas agad kami. Isang linggo lang matapos kaming lumipat noong abril ay na-Hit and Run daw si Papa ng isang Bus habang pauwi sya galing sa isang bangko para mag-withdraw ng pera panggastos namin. Agad na naisara ang kaso na isinampa namin laban sa may-ari ng Bus Line na nakasagasa kay papa. Agad akong naghinala sa Motibo ng Pagpapasara ng Kaso. May nakapagsabi sa amin ni mama na Sinuhulan daw ng Bus Line ang mga Pulis na may hawak ng Kaso para i-dismiss iyon. Ang masama pa raw ay ang Pera ng Papa ang Ginamit para masuhulan ang mga pulis. Malamang na nakuha iyon ng Driver ng Bus pagkatapos ng Aksidente.
Matapos ng kaganapang iyon ay sumunod na namatay si Mama dahil naman sa atake sa Puso dahil sa Galit ng Malaman ang Bagay na iyon. Naging matahimik ang libing pero naging madugo ang labanan para sa Perang naiwan ng mga Magulang ko. Pinag-aagawan iyon ng Mga kamag-anakan nila Papa at Mama. Sa huli ay napagdesisyonan ko na lang na Magtago sa UP. Dala ang lahat ng Pera na kinuha ko sa Bangko. Yun din ang Araw na makatagpo ko si Chris. Ang malungkot na anyo ni Chris an gad nyang pinasaya nang makita ako. Mabuti na lang at hindi nya agad nahalata ang dala ko sa Bag ko noon. Pero nabasa ko sa mata nya na hindi sya isang masamang tao. Isa lamang syang Biktima ng Mapait na kapalaran. At sa dami ng nangyari ay nadito ako ngayon kasama ang matalik nyang kaibigan para malaman ko ang dahilan ng pagiging malungkot nya at kung bakit nya nasabing; "Marami na syang nagawang pagkakamali sa Buhay nya"
At para malaman ko kung bakit ganoon kalalim ang epekto sa akin ng Halik nya sa akin. Marami na rin akong nabasang Pocketbooks na akala ko noon ay babae ay may gawa dahil ang Pen Name ng Writer noon ay "Christine Soriano" ngunit sa isang Press Conference ay nalaman kong sya rin pala ang sumulat. Ang naramdaman ko ay ang eksaktong sinasabi sa mga pahina ng mga Pocketbooks na Isinulat nya. Tumigil ang Oras sa pagtakbo. At hindi ko na mapigil ang Puso ko sa sarap na lumukob sa akin sa paglapat ng labi nya sa labi ko. Kahit na unang halik ko iyon, at masasabi kong wala pa akong karanasan, Hindi ko maikakaila na kakaibang ang nadama ko sa halik nya. Hindi ko talaga iyon maipaliwanag..........
Isang sigaw mula sa kawalan ang gumsing sa aking pagninilay-nilay. Pinara ni Bradice ang Jeep. Bumaba kami at sa pagbaba nya ay para syang natuklaw ng ahas. Itinuro nya ang isang Bahay na Gawa sa Hallow Blocks na may itim na kurtina sa Harap. Nanlamig ako;
Bradice: *Umiiling-iling* Hindi ito maari! Paanong nangyaring.........
Sofia: *inaalog si Bradice habang naguguluhan ang itsura* Bakit ano ang mayroon sa bahay na iyon?
Bradice: *tinitigan si Sofia habang may madilim ang expresyon ng mukha* Sigurado ka bang gusto mong malaman kung bakit nagkaganoon si Chris? *tumingin uli sa bahay*
Sofia: *kabado ang tinig* O---oo. Nandito na ako, hindi na ako pwedeng umatras.
Bradice: *napabuntong hininga at hinawakan uli ang kamay ko* Mabuti, dahil maski ako ay malamang magugulat sa maabutan natin sa ating destinasyon.
Naguluhan ako sa Sinabing iyon ni Bradice. Habang tumatawid kami sa Kalsadang iyon ay may napansin akong lumabas sa Bahay na itinuro ni Bradice. Si Christian iyon! Agad syang sumakay sa isang Jeep na dumaan. Hindi ata kami napansin. Gusto ko sana syang habulin pero huli na, umibis na palayo ang Jeep. Hindi ko rin nakita ang Signboard noon. Kung gayon, Ang ibig sabihin niyon ay.........
Bradice: *naramdaman ang panlalamig at panginginig nng kamay ko* Oo, ito ang bahay ni Christian. Ang hindi ko maintindihan ay kung paano nagkaroon ng Patay dito. *pinagbuksan kami ng Gate ng isang kapatid ni Chris ayon sa itsura nya* Tara pasok tayo.
At hindi nga ako nagkamali. Isang Taong nakahimlay sa isang kabaong ang nasa loob. At bago ko pa mahulaan kung sino ang nakalibing ay agad na nagsalita si Bradice;
Bradice: *Umalpas ang isang luhang pinipigil ni Bradice na tumulo* Yan ang tatay ni Chris. At yan *may himig ng Galit sa pagkakasabi ni Bradice sa salitang "Yan"* ang isa sa pinakamalaking dahilan kung bakit sya malungkot. Dahil ni hindi sya minahal ng Ama nya bilang anak.
Sofia: *nakatulala sa bangkay ng "Ama" ni Chris* An-anung.....? Paa-paanong?
Bradice: *Napuno nang kakaibang dilim ang anyo ng Mukha* Dahil hindi nya maintindihan si Chris. Dahil iniwan sya ng Kanyang asawa para sa pansalriling kaligayahan nito, naging bitter at palasigaw ang Ama ni Chris. Hindi nya iniitindi ang dahilan kung bakit nahulog si Chris sa pagkagumon sa Computer Games. Isang matalinong Bata si Chris. Ngunit mali sya ng Inibig. Inibig nya si Regine *umupo sya sa isang silya bago magsalita uli* Kung naalala mo, sya ang humabol sa inyo ni Chris sa SM kanina, ngunit kung bakit nya iyon ginawa ay hindi ko alam kung bakit. Si Regine ay Naniniwala sa Kaugalian ng kanyang mga magulang at lahat ng Desisyon nya sa Buhay ay Pinakikialaman ng mga magulang nya. Sobrang mahal ni Chris si Regine. Nang hindi nito tanggapin ang Pagmamahal ng Kaibigan ko *tumataas nanaman ang tono* Nawala sa tamang landas si Chris. Hindi nya minahal ang Sarili nya. Hanggang ngayon na makita ka nya. Pero ang Tanong ay kung mahal mo Sya. Dahil sa ipinapapakita ni Chris ay alam kong mahal ka nya. Hindi pa lang nya iyon naamin sa sarili nya. Ikaw ang magiging dahilan para lumigaya sya uli.
Hindi ako makapaniwala sa Narinig ko. Malaki pala talaga ang Galit nya sa Tatay nya. At hindi man lang sya binigyan ng pagkakataon ng Mahal nya para patunayan kung gaano sya Kamahal ni Chris. Ngayon alam ko na.................
Ngunit isang Rebelasyon pa pala ang nakaambang sumambulat. At agad iyong isinalaysay ni Bradice;
Bradice: Masuyo akong tinitigan* Pero alam mo ba kung ano ang Masakit?
Sofia: *namumutla* A-an-ano?
Bradice: *Hinwakan ang palad ko* Na Mahal pala kita at hindi ko magawang ibigay ka kay Chris.
Hindi ko mahagilap ang Boses ko, hindi ko alam ang isasagot ko............
*End of [S2/C7] Pagtuklas*
BINABASA MO ANG
Buhay ng CABALista: A Journey of Love and Hatred
FanfictionThe Original Story from CABAL Online PH Forums, Two worlds collide in this Fan Fiction, based on the Massive Multiplayer Online Role-Playing Game (MMORPG), CABAL Online. Witness and unravel how Chris discovered the world that was known as Nevareth...