[S2/C13] May Bukas pa?

18 0 0
                                    

~Regina's POV~

Dinala ako ni Bradice sa bahay nila. Pamilyar na ko sa bahay na ito dahil noon pa man ay matagal na ako bumibisita rito. Kadalasan ay nagkwekwentuhan kami tungkol sa mga nililigawan nya, kadalasan ay para humingi ng opinyon kung paano lulutasin ang problema nya sa tambak na babaeng napapaiyak nya ng di sinasadya, at mga paraan kung paano malusutana ng problema nya kay ganito-ganyan.

Pero iba ang sitwasyon ngayon. Sa mga session namin kasi dati, sya ang madalas huminggi ng payo sa akin, pero ngayon ay nabaligtad. Ako ang hihingi ng payo. Ngayon ay naiintindihan ko na kung gaano lang kadali ang magbigay ng payo, simple lang kasi ang magbigay ng solusyon sa isang problema na hindi mo naman nararanasan. Nahihiya nga ako kay Bradice ngayon. Para kasi akong sira at nawala ang tamang pagdedesisyon.

Tama pala talaga na maraming nawawala sa tamang diskarte sa buhay dahil sa pag-ibig. Tama pala ang sinabi sa akin ng isang kaibigan na "Love is like Heaven and Hell, in one". Oo masarap ang magmahal, pero masakit ang masaktan. Naiintindihan ko na ngayon si Chris kung bakit puno sya ng hinanakit. Kasi nabigo sya sa akin, ilang ulit rin.....

*Flashback: Second year, 3rd Grading, after Periodical Test*

Kasalukuyan akong kumakain ng Lunch sa Canteen ng iinut-inot na pumasok si Chris. Maayos na maayos ang get-up nya. Mu~g may sasabihin. Pero bago pa sya makalapit, pinigil ko na sya.

Regina: *seryoso* Ang kulit mo rin? Sabi nang basted ka na eh!

*Slight Fast Forward: Monday after the Periodical Test*

Regina: *Nakita si Chris na may dalang Pagkain para ata sa kanya* Ang kulit! Alis! Basted ka na sabi eh

*Fast Forward: Recognition of 2nd Years*

Nakasalubong ko si Chris sa likod ng Stage. May hawak itong Corsage, pero meron na namang nakadikit sa dibdib nya. Bago ko pa sya natanong ay nagsalita na sya.

Chris: *nahihiya pero puno ng determinasyon* Sa yo na yan. Sana kahit papano ay itabi mo yan. Kahit na di ko na mabilang kung ilang ulit mo na akong binasted, kapag nasa yo yan at itinago mo, nasa yo pa rin ang parte ng puso ko. Kasi sa malapit sa puso yan nilalagay. *narinig ang pagtawag ng kapatid para umuwi* O sya bye na.

Parang may kakaiba sa boses nya na di ko mapaliwanag. At kahit gusto ko nang ibato ang Corsage na Plastik na hawak ko, na may ornamentong pekeng rosas at konting Gumamela, di ko magawa. Parang naawa na rin ako sa kanya. Kaya kahit ilang pagtutol ang ginawa ng konsensya ko, itinago ko pa rin iyon sa bulsa ng bestida ko.......

*Flashback Ends*

Napailing na lang ako sa mga alalang iyon. Di ko na hinayaang magbalik pa ang lahat ng matagumpay na pag-basted ko kay chris. Lalong sumasakit ang puso ko. Sinilip ko ang wallet ko at nakita ko pa rin doon ang Corsage. Bulok na ang Sampaguita roon pero amoy ko pa rin ang nakaraan doon. Ipinasya kong itago na lang uli iyon. Baka kasi magamit ko pa sa mga susunod na pagtatangka ko, teka meron pa bang susunod? Ah di ko alam. At yon mismo ang dahilan kung bakit ako nandito sa Bahay ni Bradice. Para isangguni iyon. Talaga sanang kukulitin ko na sya ng may naalala ako;

Regina: Teka anu nga pala yung tungkol kay Sofia, ano yung sinasabi mong Mahal mo rin si Sofia?

Bradice: *napabuntong-hininga* Oo. Mahal ko nga sya. Sinubukan ko syang ipaglaban kay Chris noong nasa SM kami at nung sinamahan ko sya kina Chris. Pero walang epekto. Tinamaan talaga sya kay Chris. Pero alam kong di nya talaga mahal si Sofia. Mahal nya oo, pero bilang isang Very Close Friend lang.

Regina: *naguluhang napatingin kay Brad* Huh? Pero malinaw nyang sinabi sa akin na hindi nya ako mahal, na ang mahal nya ay si Sofia? Paano mo nasabing hindi iyon ang totoong nararamdaman ni Chris?

Bradice: *naging madilim ang nayo ng mukha* Dahil Kuya nya mismo ang nagsabi sa akin. Ang kuya nya na hinihingahan nya ng mga Problema at iba pa. Si Cezar Jr.

Parang pamilayar ang pangalang iyon. Ah oo, sya ang panganay na lalaki na kapatid ni Chris. Sya rin ang nagasikaso sa min noong libing ng Ama ni Chris. Kahit na hindi ko sya inabutan roon, alam kong may balak sanang sabihin sa akin ang kuya nya. Pero may tumawag rito at nang matapos ay agad akong pinaalis. Siguro ay si Chris. Pinakinggan ko na lang uli si Bradice;

Bradice: *nagpatuloy matapos ko syang sabihan na ituloy ang kanyang sasabihin* Nasabi nya sa akin na may isang bagay lang na kinatatakutan kaya parang ayaw ka pa nyang balikan. Teka ano nga ba un.......

*Flashback*

Mahaba na rin ang naipaliwanag ng Kuya ni Chris na si Cezar. Alam ko na rin na Mahal pa rin ni Chris si Regina. This means na walang haharang sa min ni Sofia kung sakali kundi si Chris lang. Pero dahil parang maliit na kapatid lang ang turing ni Chris kay Sofia, dapat lang na kumilos na ako. Subalit may isa pang problema, ano ang kinakatakot ni Chris ayon sa Kuya nya;

Cezar: *umupo sa silyang plastik at nagsalita* Natatakot sya na Hindi sya muli tanggapin ni Regine Dahil may kasintahan na sya. Which is Front lang naman ng ung@s kong kapatid para balikan sya ni Gina. Para syang sira noh? Style nya bulok. Sana man lang binago nya ng konti.

Bradice: *napatayo, puno ng determinasyon at akmang aalis na* Salamat po sa mga sinabi nyo ah.

Cezar: *hinawakan si Bradice sa Braso* Teka iho di pa tayo tapos!

Bradice: *nagtaka* Po? Ano pong ibig nyong sabihin?

Cezar: *sumeryoso at tinignan si Bradice sa mata, may badya ng takot sa mata ni Cezar* Mas kilala ko sya sa yo! Hindi dahil mahal pa nya si Regine ay paglalaruan lang sya nito kapag binalikan ni Chris ang Regine na yon! Nalamatan na ang Tiwala ni Chris sa babaeng iyon, sana malaman mo yan. At dahil doon ay mahihirapan na muli kayong kumbinsihin sya na ipakita ang TOTOONG laman ng puso nya. So mag-ingat kayo sa plano nyo ni Regine. Alam kong kokontakin mo sya matapos mong marinig to. Sana wag na nyang saktan ang Kapatid ko! Hindi na nya kakayanin pa ang isa pang Emomtional Blow. Sinabi yon ng doktor.

Alam kong totoo iyon. Ang Career ni Chris ay sobra na kung kumain ng Emotional Stress. Paano pa kaya ang bagay na to? Dapat kaming mag-ingat, pwede nyang ikamatay ang susunod na "Emotional Shock" kung sakali. Sinagot ko na lang ng isang maalog na "Opo" ang sinabing iyon ni Cezar, tapos ay umalis na ako......

*Flashback Ends*

Regina: *natakpan ang bibig sa gulat* Ano!

Bradice: *tumango* Oo, mahal ka pa rin nya. Heto ang ebidensya *inabot kay Regine ang isang bracelet na may maliit na picture frame* Buksan mo!

Regina: *binuksan ang Frame* Hindi!

Bradice: *di pinansin ang pagkagulat ni Regina* Oo Picture mo yan nung Graduation. Espesyal nyang ginawa, pero hindi na nya naibigay sa yo, sa halip ang Corsage na lang ang binigay nya sa yo. Di ko kasi natapos yang bracelet na pinagawa sa oras sa oras eh. Pero ayan na at tinago pa nya. So alam mo nang may bukas pa kayo!

Regina: *napayakap kay Bradice sa tuwa* Oo meron pa! Salamat! Salamat!

Bradice: *hinaplos ang buhok ni Regina* Sure Sure! Baka magalit si Chris eh. Buti wala sya rito.

Regina: *pinunasan ang luha na tumulo sa mata nya nang di nya napansin* Tara na!

At umalis na sila Regina at Bradice. Pinag-uusapan kung paano nila mababawi ang mga minamahal sa maling mga kapareha. Pero di nila alam ay meron na palang plano si Chris na ikagugulat namin.

*End of [S2/C13] May Bukas pa?*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon