[S2/C14] Pusong Nagkamali

17 0 0
                                    

~Chris's POV~

Sinama ko si Sofia sa Bahay ko sa Commonwelth. Kanina ko pa rin sya sinasipat kung mayroon syang gustong sabihin. Oo palagay ko marami, kasi kanina pa sya tulala. May ilang pagkakataon pa ngang sumusulayap sya sa akin at ibubuka ang bibig nya para magsalita, pero umuurong rin sya sa balak nyang iyon. Malamang ay naghihintay ng tamang pagkakataon para ilahad ang lahat ng kanyang sasabihin.Pagdating ko sa bahay ay agad ko na syang pinapasok. Agad syang tumalima at naghintay... naghintay... naghintay...

Nang hindi na ako makatagal ay tinanong ko na sya...

~Sofia's POV~

Chris: *Nakayuko at malamig ang tinig* Mahal mo pa ba ako?

Samu't Saring tanong ang naglabasan sa utak ko pagkatapos kong marinig ang tanong nyang iyon. Mahal ko pa ba sya? Alam ko ang sagot sa tanong na to. Oo, mahal ko pa rin sya, Sa katunayan nga noong nakita kong hinalikan nya si Regina kanina ay gusto kong Sabunutan ang Buhok ng loka at ni Chris sa sobrang selos na naramdaman ko pagkakita ko sa ginawa nila.

Mahal pa kaya nya si Regina? Sana hindi na, Si Chris lang ang minahal ko ng ganito. At kung hindi naman pala nya ako totoong mahal... hindi ko alam... sya lang ang nakapagbigay sa akin ng ganitong kasiyahan...

*Flashback*

Nasa Luneta kami ni Chris. Di ko alam kung bakit sa lahat ng Lugar sa Pilipinas ay dito nya ako dinala. Ang sabi nya lang ay... "Dahil maganda naman ang tanawin roon, parang wala ka sa syudad" at "Hindi pa rin ako nakakapunta rito" So wierd para sa isang tulad ni Chris na isang Sikat na Nobelista eh hindi pa napapadaan sa monumento ni Rizal. Pero kahit ganun sya ka-korni ok lang, ang importante ay kasama ko sya.

Teka nasaan nga pala ang asungot na yun? Tumingin tingin ako sa kanan at kaliwa, di ko sya natanaw. Titingin na sana sa likod ko nang biglang...

Chris: *biglang tapik sa likod ko* Boo!

Sofia: *napatalon sa gulat* Holy--- Walang ganyanan Chris! Aatakehin ako sa puso sa giangawa mo eh!

Chris: *nakangiti ng maloko* Ahhh ganun ba? *Binatukan ako* Habol! Hahahahahaha......

Sofia: *kunwaring galit* Aba't! Halika nga rito!

Naghabulan kami na parang mga bata, parang mga batang walang iniintindi kundi ang maglaro... ang magsaya...

*Flashback Ends*

Ang saya ng mga alaalang iyon, pero ngayon parang magsisimula na ang unos sa Relasyon namin, madilim ang aming hinaharap. Parang iyon ang gustong ipahiwatig ng malamig na pagtatanong ni Chris kung "Mahal ko pa sya". At bago ko pa sya nausisa ay nahalata na nya ang pagkatulala ko. Nagpatuloy na sya sa paglilitanya;

Chris: *tumayo at tumabi sa akin* Look, alam kong nakita mo ang nangyari sa amin ni Regina kanina. And, I must Admit, gusto ko ang nangyari, di ko yon pinagsisisihan. I'm not Sorry for that. *hinawakan nya ang palad ko* Sana lang maintindihan mo ako.

Para akong Binayo ng Maso sa puso. Hindi nya pinagsisisihan ang halik na yon... ibig sabihin...

Chris: *Tumitig sa mata ko, walang emosyon iyon* Maybe what i meant to say is, May pagtingin pa rin ako sa kanya. Pero kung ano man yon, di ko pa rin masabi. Kaya hahanapin ko kung saan at anu ba talaga ang nararamdaman ko sa 'yo, sa kanya, at sa maraming bagay pa. Palagay ko kailangan ko munang lumayo rito, sa atin. 

Doon ako nahindik. Kaya pala may mga damit na naka-empake roon. Malamang ay inihanda na nya iyon bago pa man kami pumunta rito. Ang katotohanang aalis sya ay masakit para sa kin. Kung parang hinampas ako ng Maso kanina, ngayon para akong Sinaksak sa puso. Kung aalis sya sana hindi na nya yon sinabi. Pero mas maganda nga naman yon. hindi naman nya ako sinaktan nang dahil sa iniigatan nya ang puso ko sa pamamagitan ng kung anu-anong kasinungalingan. Binunyag nya lang ang totoo para hindi na ako lubusan pang masaktan. Sana lang lahat ng lalaki ganito, walang bolahan, kung ano ang totoo yon ang sasabihin, para walang lumuha sa huli kapag nalaman ang tinatagong lihim na wala na pala ang pagmamahal at naglolokohan na lang kayo.

Sofia: *pilit na pinipigil ang iyak* A---at least nagpakatotoo ka. Hindi ka na nagpaliguy-ligoy pa. Salamat sa pagpapaligaya sa buhay ko kahit sandali.

And without further delay, umalis na ko. Para hindi makita ni Chris kung gaano ako nasaktan, mas maganda na ito kaysa umasa ako diba?...

~Chris's POV~

Naintindihan nya ako. Hindi pa rin ako makapaniwala. Akala ko ay hindi nya ako mapapatawad, dahil sa tagal ng panahon ay hindi ko pa rin pala nalilimutan si Regina. Pero sisiguraduhin ko muna na talagang mahal ko pa talaga sya bago ako manligaw uli. Dahil kung, at kung lang naman ay mahal ko pa sya, ipaglalaban ko na iyon.

Dinala ko na ang mga bagahe ko at agad tumawag ng Taxi. Agad kong sinabi ang destinasyon ko, ang Paliparan.

~Bradice's POV~

Pasakay na kami ng Jeep ni Regine papuntang Commonwelth nang makatanggap kami ng Tawag, Kay sofia ang numerong rumehistro sa Screen. Kinakabahan at Nagdadalawang-isip kong sinagot iyon. Baka kasi may nangyari.

Sofia: *putol-putol ang tinig sa pagitan ng mga hikbing pigil* Si Chris, aalis sya ng Bansa. Di ko alam ang destinasyon nya.

Isang balita iyon na nagpatigil sa paghinga namin ni Regina.

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon