[S1/C8] WarGodZ: Ang Mababait, mga Pasaway, at ang mga Mahilig mang-Trip

50 1 0
                                    

Nainis ako syempre, kala ko totoo eh. Pero may kasunod pala yon.

*Flashback*

Katazuki: Joke, Joke, Joke! Ikaw naman masyado kang nerbyoso. Ang ibig kong sabihin ay dapat loyal ka. Di kita ipi-PK! Isa pa madali akong i-report kung gagawin ko yun.

StrikeForce54: *parang nabunutan ng tinik* Whew! Ikaw naman walang ganyanan.

Simula noon eh naging aktibo na ako sa Guild ko. Pero may problema pa rin. Kahit saan naman yata ay meron nun.

Pagkatapos kong magpakilala ay may nalaman akong isang bagay na muntik nang maging dahilan ng pag-alis ko kaagad sa Guild na to. 50% ng Kanilang active Players ay mga babae. At di lang Babes on the Game, mga Certified, Hot, Beautiful, Eye-Popping, Real Females sila! Wadapak! Nasa Friendster ang Ebidensya.

Parang gusto kong pumatay! Ang Main reason nga kung baket ako nagca-CABAL ay dahil sa gusto kong kalimutan ang babaeng dahilan ng pagkadurog ng puso ko, pero ano ito, Joke ng tadhana? Nakakainis!!!! Di ako nababagay sa Guild na to! Mga Elite of the Elites ang mga nandito, mga Asset ng Lipunan ng mundo ng CABAL. Ako di hamak na isang Panget na nilalang na nagtatago sa kapogian ng Character ko sa mundo ng CABAL.

Pero di ko maintindihan, baket nandito pa rin ako. Ay alam ko na kasi mga mababait at kalog sila makipag-usap. Parang walang problema sa mundong ginagalawan nila. Samantalang ako pagtalikod ko sa PC, kaharap ko agad ang mga problemang nagkapatong-patong na at hindi ko na mahanapan ng solusyon. Kung Pwede lang mag "Permanent Invisibility" sa mundong ito, sana ginawa ko na. Pero dahil wala, sa CABAL na lang ako nagtatago.

At Dahil nga mga kalog at mababait ang mga taong nasa Guild na to, pagpasok ng Character ko ay sinalubong agad ako ng Guild Chat ng mga topic na di ko mahukay kung saan galing. Kamustahan ang topic na binuksan ko ngayon;

StrikeForce54: *via GC* Elow po sa inyu *with matching smilies*

gara201: Elow din! *via GC din, mukhang good mood*

Yan si gara201, ang pinaka active naming member, na sa tingin ko eh 4-6 hours na lang kung matulog para lang mag-CABAL. Sa kaadikan niya, nalagpasan na nya ang level ng Main Character ng GM namin. di naman sya pala type sa Chat, Hmmmmmm bakit kaya? Malamang ay busy sa Farming kaya di na nakakakuha ng oras para tignan ang Chat Box niya.

123ran: Aba! ang apprentice ni Kata nandito na! Di ba kayo sabay ni Kata maglaro? *nang-iinis*

StrikeForce54: Oi 123, ayus sa tanong ah, diba kayo ang close ni Kata bakit ako ang tinatanong mo dyan? *kunwaring naasar*

Eto naman si 123ran, ang Playboy of the Guild. Baket kamo? Kasi naman everytime na maglalaro sya, ang mga Girls ang una niyang pinapansin. Talagang kinakamusta niya ako kasi anglaki ng Respeto ko kay Katazuki at akala niya sa kin ay "Apprentice" ako ni Katazuki. In The Game sila talaga ni Katazuki ang Close. Mahilg syang mag trip sa GC.

xXlerma15Xx: Hello 123ran! 

123ran: Hello Beautiful! Kamusta laro mo ngayong araw?

xXlerma15Xx: Ok lang po kumain ka na po ba?

Yan si xXlerma15Xx ang isa sa mga "Mid Level Muse" namin sa WarGodZ. Sya ang isa sa mga pinakamadalas batiin ni 123ran tuwing sya'y Onilne sa Guild. Masayahin ang babaeng ito na Hindi madalas sa GC pero di naman tahimik, lalo na kung may interesting topic. Close Sila ng aming GM.

Atikihc: Hi Guys, Dami natin ngayon ah! *tumingi sa Active Members ng mga oras na yon, lagpas 10*

StrikeForce54: Oo nga po eh, hapon po kasi.

At Yan ang aming Hot, Beautiful, And Sexy Guild Master Atikihc. Actually hindi yan ang Main Character niya, Kundi Secondary lang niya. Pero believe me or not, in no less than 3 weeks ay nilagpasan niyan ang level ng Character ko na 56 na pinundar ko ng mahigit 4 na buwan. Sa loob kasi ng isang linggo, 2 beses ata syang mag 24 hours, which is di ko maipaliwanag kung paano niya ginagawa, and still maganda pa rin ang ateng ito. Para sa kanya, marami na ang 10+ kasi pag naglalaro sya 5-9 na tao lang ang madalas niyang abutang buhay.

devourment: Oi Strike Adik ah!

StrikeForce54: Hindi ah! Mas adik ka pa nga sa kin.

Si devourment ay isa lamang ordinayong member, pero isa sa mga makulit sa Chat Box. Sanay siguro ito sa YM kaya sanay sa Chatting. Pero mabait ito, may sapi nga lang kung minsan at mahilig din sa trip

allias143: Sino sasama sa RS???

StrikeForce54: Kamote pare, di pa ko pwede dyan.

Si allias143 ang malamang naglalaro lang para pumasok sa RS o Ruina Station. Yan kasi ang isa sa pinakamagandang spot para magpa-level.

echizen09: Hello guys!

StrikeForce54: Hey you echi, musta ang "Project" mo?

echizen09: Ok lang di pa nga lang tapos.

Si echizen09 ay ang pinaka devoted sa grupo. Dahil sa dedikasyon nya sa Guild ay gumagawa si ng "Project" na pag natapos ay parte kaming lahat na nasa Guild. Mabait sya wag lang pagtri-tripan.

On the same moment, ay nagtanong ang isa sa amin kung ano daw ang Nation namin dahil pipili na sya, di sya makapili dahil hinihintay nya ang sagot namin

Ano nga ba???.....................

*End of [S1/C8] WarGodZ: Ang Mababait, mga Pasaway, at ang mga Mahilig mang-Trip*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon