[S2/C10] Multo ng Nakaraan

22 0 0
                                    

Ewan ko pero talagang may kakaibang takot akong nararamdaman sa ginagawa ko ngayon. Para kasing mali, parang hindi tama. Oo masaya nga ako, pero dahil naman sa maling dahilan. Dahil nanloloko ako ng tao, sinasayang ko ang isang pag-ibig na ibinigay sa akin.

Bakit ko nga pala pinalalampas ang pagkakataong ito na lubusang lumigaya? Takot pa siguro akong buksan uli ang puso ko. Takot na masaktan uli, hindi ko nais na maulit pa ang kahibangan ko sa isang babae. Kahit na maraming nagsasabing "Puppy Love" or "Infatuation" ko lang ang pag-ibig ko noon kay Regina, Mas kilala ko ang Sarili ko. Minahal ko sya. Seryoso yon.

Pero bakit habang kahawak ko ng Kamay si Sofia ang malambot at makinis na kamay ni Regine ang naalala ko. Bakit sa kada pagkakataon na naglalapit ang aming mga labi, sya ang nakikita ko sa aking gunita sa oras na ipikit ko na ang aking mga mata para tanggapin ang labi na ang nagma-may-ari ay si Sofia. At sa tuwing ako'y mananaginip si "Jynx" pa rin ang lumilitaw na bida sa mga pantasya ko.

Ewan pero siguro ay hindi naman masama ang mag-illusyon diba? Or ayoko lang harapin ang katotohanan. Na hanggang ngayon, na GF ko na si Sofia, ay si Regina pa rin ang Mahal ko. Natigil ang pag-iisip ko nang kalabitin ako ng Sofie. Nahala na kasi nya na kanina pa ako tulala. Agad ko naman syang sinagot, ngunit isang tipid na tango lang ang nagawa ko bilang pagkumpirmang maayos lang ako.

Kaya nya pala ako tinawag. Kasi may nakaupo na pala sa mesa namin. Si Bradice! At ang mas nakakahindik ng Balahibo, kasaman nya si Regine! Magkatabi at mu~g, close na close.

Sa sobrang gulat ko sa nasaksihan, ay hindi ko inasahan ang mga sumunod na Langyayari;

Chris: *nang-iinis na tono* So kayo na pala?

Bradice: *nagulat at napatayo* A-a-aanong Kami? Anong meron sa amin ni Gine?

Sofia: *naguguluhan* Chris?

Chris: *parang di narinig si Sofia at nagsalita uli* Oh don't play tricks with me, Brad. Angtagal na kitang kilala para hindi malaman ang mga Pinaggagagawa mo. Mag-on na kayo ni Regine. *Tinignan ko silang dalawa nang puno ng galit at hinanakit* Tell me then, Sinet-Up nyo ba ako sa SM noon? Dahil kung oo hindi ko kayo mapapatawad!

Parang isang bomba ang sumabog nang ibato ko ang katanungang iyon. Si Sofia ay napa-takip ng bibig. Si Bradice ay Blangko ang expresyon pero nakakuyom ang kamao. Si Regine ay naluluha na pero nauna itong magsalita. Mukhang maagang nakabawi at hinamon akong makipag-titigan. Mata sa mata. Emosyon sa Emosyon. Galit sa Galit. Poot sa Poot. Lahat na ata ng Damdamin ay nais naming linawin. Hindi na rin namin napansin na marami nang tao ang nakatingin sa amin.

Regina: Hindi isang Set-Up ni Bradice ang dahilan kung bakit ako napunta sa SM noong araw na iyon. Nagkataon lang na may bibilhin ako roon nang mapansin ko kayo *tinignan si Sofia* sa Concert Venue ng MCR. Nakita ko rin si Bradice. Napansin kong nagmamadali sya sa pagte-text. Nahulaan kong ikaw ang tine-text nya dahil angsama ng tingin nya sa yo. Matapos noon alam mo naman siguro ang nanyari. So ano masaya ka na?

Natural na mabigla ako sa sagot nya. Pero wala pa rin syang masabi ukol sa dahilan kung bakit sila magkasama ni Bradice. Pero muli syang nagpatuloy sa lintanya nya. Grabe na rin sya kung maka-iyak.

Regina: *garalgal na ang boses dahil sa tuluyang pagtagas ng mga luha nya* At kung ang dahilan kung bakit kami magkasama ni Bradice ngayon. Isa lang ang maisasagot ko sa yo. Friendly Date lang ito. Ngayon kung ayaw mong maniwala, aalis na ako *lumabas na sya sa restaurant na iyon*

Ang aking ikinagulat, Sinundan ko sya. Nagpasingtabi na lang ako kay Sofia. Kailangan ko nang harapin ang Babaeng ito ngayon. Para matapos na ang lahat sa amin si "Jynx" dapat ko na syang kausapin. Siguro naman ay papayag na syang mag-usap kami. Bahala na.

~Sofia's POV~

Hindi ko alam na ganoon pala kalaim ang sugat na naiwan ng Rejection ni Regina kay Chris. Na hanggang ngayon, Para pa rin syang bomba kapag nakaharap kay Regina. Ang balak ko sana ay pagharapin sila para mag-usap ng maayos, di maglabasan ng sama ng loob, na sa katangahan ko'y nalimutan kong imposibleng mawala kay Chris, pero ang nasaksihan ko kanina ay isang ebidensya na May hinanakita pa rin si Chris rito, at imposibleng mapagharap ko sila at magkausap sila ng tao sa tao, tao sa halimaw pwede pa. Pinaupo na lang ako ni Bradice. Nagpaalam na susunod. Wak na raw akong makialam pa. Mas makakabuti raw iyon. Pero alam ko na may dapat pa akong malaman kay Chris. Maraming marami pa.

*End of [S2/C10] Multo ng Nakaraan*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon