[S4/C7] Simbolismo

29 0 0
                                    

*LiliannaVess' POV*


Natapos ko nang dalhin at ihimlay ang Bangkay ni xdandiely sa lugar na matagal na nyang pinangarap puntahan puntahan ang Lakeside. Sa isa sa mga libingan dito ko inilagak ang kanyang mga labi.


Naiyak pa ako nang aking sambitin ang aking mga huling salita sa aking namayapang kaibigan "Andaya mo dandy! sabi mo sabay tayong magha-hunt ng mga items dito! Pero iiwanan mo rin pala akong bruha ka! andaya daya mo!"


"Hindi sya madaya Madam Lilianna, hiningi lang ng kanyang napiling landas ang kanyang buhay, na sya namang buong puso nyang binigay para maisakatuparan ng Grupo ni Strike ang kanilang misyon ng walang nakakasagabal sa kanila na mabigat na pagpipilian pagdating ng tamang oras". Sabad ng isang tinig na parang narinig ko na noon.


Kilala ko ang tinig na aking narinig sa aking likuran, malamig ngunit puno ng simbolismo ang kanyang mga salita. Ito ang isa rin sa aking mga matagal nang kaibigan at lulubog at lilitaw lang sa Nevareth. At sa mga pagkakataon ng kanyang paglitaw, mas marami pa syang naiiwang tanong sa halip na magbigay linaw sa palaisipan na gumugulo sa akin.


"Ikaw nanaman Pangil, ganda ng pasok natin ah! Kung kelan naman emong-emo na ako dito, saka mo ko bibigyan ng palaisipan, for once diretsuhin mo nga ako!" Padabog na bulyaw ko sa kaibigan, may bahid pa rin ng galit at lungkot sa aking nanginginig na boses.


Napakamot ng ulo si Pulangpangil, susuklayin nya sana ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay, pero naalala nya halos lagpas beywang na ang haba noon - na kanyang pinasadya, ayon sa mga kwentong narinig ko sa aking mga kakilalang nakakausap ng Direkta ni Pulangpangil - kaya pinamulsa na lang nya uli ang kamay nya, saka lumapit sa lugar na pinaglibingan ko kay Diely bago muli nagsalita "Ang ibig ko lang sabihin Madam Lilianna, ay nais lang ng tadhana na ipakita kay Strike na sa kada maling pasya na kanyang gagawin ay magkakaroon ng napakabigat na kapalit. Ito -" sabay turo sa libingan ni Dandy "- ay isa lamang sa mga palatandaan na may mga pagkakamali na syang ginawa, na kumitil ng isang buhay."


Lalo akong napuno sa sinabing ito ni Pangil, isang sampal ang mabilis kong napakawalan na lumatay sa kanyang mukha, bago ko pa man napigilan ang aking sarili na gawin iyon. "So isang pagkakamali lang sya sa misyon ni Strike, ganon ba ang nais mong palabasin? Na pwedeng isa-isa tayong malagas sa kada maling hakbang na gagawin nya? Ganon lang ba kawalang halaga ang buhay natin sa mga Diyos ng Nevareth?" Hawak ko ang manggas ng damit nya at pilit ko syang binubuhat sa kabila ng lamang nya sa akin sa tangkad at bigat "GANON BA? SUMAGOT KA!"


Nadala na rin siguro ng pagkakataon, marahas nyang itinaboy ang kamay ko sa pagkakahawak ko sa kanyang damit. "Lilianna, tandaan mo ang sinabi ko, PINILI rin ni Dandy ang mamatay sa ngalan ng kanyang tungkulin. Maari mong pigilan na mangyari yon sa yo kung gugustuhin mo, at sigurado naman ako na hindi hahayaan na mangyari ni Strike yon, lalo na sa harap nya." Paalis na rin sya nang may maalala syang isang mahalagang bagay. "Di ko nga pala sinasadyang makabangga si Strike kanina at nalaglag ang isang kahon na may ganitong simbolo sa kanyang lock" iniabot nya ang isang kahon na may  larawan ng isang di maintindihan na hugis na may anim na kanto. Ang kakaiba sa guhit na ito, ang anim na kanto ay may nakaguhit na simbolo ng anim na Kasanayan sa Pakikidigma sa Nevareth. Ang mas kakaiba ay may simbolo rin ng di maipaliwanag na sandata sa gitna, kung saan nakalagay ang butas para sa susian nito, kaya hindi nakumpleto ang imahe, na kung susuriin ay parang isang malaking kalawit o pantabas ng damo na may tali sa bandang dulo. "Pakiabot na lang kay Strike"


Sinigawan ko na sya "Nasaan kaya sila, wala man lang bang clue?" Nagsimula nanamang bumalik ang nararamdaman kong galit kanina. Lalayasan nanaman ako ni Pulangpangil. Wala akong ideya sa simbolismo ng mga larawan na nasa kahon na hawak ko ngayon. Kung meron mang nakakaalam nito, ito ay ang nagbigay. Madami itong alam sa mga ganitong bagay. Mahusay syang ilustrador ng mga larawan maliban na rin sa pagiging magaling na Force Blader. Pero maaga itong nag-retiro sa pakikidigma batid ng pagkaransak sa kanyang mga ari-arian at lahat ng ipon nya.


"Pwedeng itapon mo, ipagtanong tanong mo sa mga kakilala mong mandirigma o itanong mo direkta kay Strike kung alam nya" Sigaw nya rin sa akin, Sabay turo sa direksyon papuntang Entrance ng Illusion Castle, kung saan may apat na katao na patakbong pumupunta doon, ang isa ay si Strike "Sya mauna na ako, kailangan kong kumita para mabuhay." Huling paalam nya at agad syang pumasok sa Warp Portal ng mga Capella pabalik sa Port Lux.


Hindi ako nakakasigurong alam nila ang ibig sabihin ng mga simbolismo sa larawang ito, pero ang sigurado, may binabalak nanaman ang grupong ito. At nakakaramdam ako ng di maganda sa kanilang balak gawin. Sinundan ko sila.


*End of [S4/C7] Simbolismo*

----------------------------

A/N: Wooooooooooo, after almost three years, naasikaso ko rin. :D Don't worry fellas, I'll be updating this one, most like this week. :) 

Salamat sa 1.1k Reads. :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon