~Sage Sirius's POV~
~Nevarethian's World: 4th Door Hideout*
Bumagsak sa Sahig si Strike, na hindi ko naman ikinagulat. Masyado na syang namumutla, malamang ang espiritu nya na galing sa 'Kabilang Mundo' ay pagod at nasha-shock pa rin sa mga drastikong pagbabago sa panahon dito sa Nevareth. At isa pa, may aura akong nararamdaman sa kanya. Isang madilim na aura. Hindi ko iyon gusto.
Hinawakan ko ang kanyang noo, para malaman kung mayroon syang lagnat o kung mainit ang kanyang katawan, subalit hindi init ang nadama ko, kundi takot. Dahil saglit pa lang na dumantay ang kamay ko sa kanyang noo, ay samu't-saring mga masasamang alaala na agad ang biglang bumalik sa aking gunita, mga alaalang nais ko nang ibaon sa limot. Ito ay ang mga alaala noong Pagtaksilan kami ni Sage Rigel, ang mga pagkabigo ko noon na pigilan ang paglaganap ng Prometheus at iba pang mas nakakatakot pang mga bagay.
Matapos ng ilang sandali, ibinalik ko ang aking sarili sa tamang disposisyon at hinarap ko uli ang mga kasama ni Strike.
"Rina, iha, dalhin mo muna si Strike doon sa Silid ko" itinuro ko ang kwarto sa dulo ng pasilyo "Bigyan mo sya ng gamot para masanay ang katawan nya sa pabago-bagong klima dito sa ating Mundo, malamang di pa sanay yan. Magdala ka na rin dito ng ilang botelya noon, para mapainom ko rin sila, mahirap na at baka pati sila abutin ang sinapit ni Strike" Mahaba kong utos kay Rina, na parang gulat na gulat sa mga Kaganapang tumambad sa kanyang harapan.
"O---opo, sandali lang po" Agad itong tumalima pagkatapos makabawi sa pagkakatulala. "Anak ng...!!! Ang Bigat naman nito!!!" Isinapo ko ang kamay ko sa aking kumunot na noo "Aba'y natural, nakasuot pa sya ng baluti eh, subukan mong hubaran mo muna sya ng kanyang baluting pandigma bago mo sya dalhin sa kwarto ano?" naiirita ko pang sabi. "Pasensya na po Sir Sirius" agad nyang hingi ng Dispensa "Sya iwan mo na muna kami, at marami akong dapat sabihin sa mga ito" itinuro ko ang mga kasama ni Strike.
Pagkatapos ng ilang sandali, ay nadala na ni Rina si Strike sa Kwarto ko, at nang sumara na ang pinto noon ay agad kong hinarap ang apat pang kasama ni Strike.
Tumikhim ako para makuha ang kanilang atensyon, dahil sila'y sobrang abala sa pakikipagusap sa isa't-isa "Ngayong nakuha ko na ang atensyon nyo, nais kong sabihin sa inyo na mapanganib para sa mga tulad ninyo ang Mundo namin, lalo na't wala pa kayong experyensya sa pakikidigma - na natural ay di nyo maiiwasang kayo'y maging bahagi na." Matapos nilang maging sobrang seryoso, ay una kong tinitigan ang Wizard nilang kasama "Iha ikaw ba si Regina?"
~Jennifer's POV~
Anong Klaseng tanong ito? Bakit nya ako tinatanong ng ganitong klaseng Bagay? "B---bakit mo po naitanong yan Sir Sirius?" Ngumiti ang Matandang Sage at nagpatuloy "Dahil kung hindi mo pa alam - at may hinala akong hindi pa - Ikaw ang Kalahati ni Regina sa Mundong ito."
Hindi, Paanong nangyari yon? Tanong ko sa sarili ko, pero bago ko pa man maibulalas ang tanong na yan sa kanya ay parang nabasa na nya ang aking isip at nagpatuloy "Dahil noon pa man, ay gusto nang alamin ni Regina kung sino ba talaga si Chris - na mas kilala sa Strike sa mundo nating ito - at dahil dyan, hindi nya namalayang sumunod na pala ang parte ng kanyang Kaluluwa sa mundong ito. Ikaw ang naging kinalabasan ng Kanyang maalab na paghahahanap ng kasagutan Jennifer or mas kilala sa tawag na 'CrypticRage' dito sa ating mundo. Yan din ang paliwanag kung bakit mo nais protektahan si Strike noon pa man, at kung bakit ka nya tinulungan noon sa Forgotten Ruins noon noong pinapaslang mo ang Reddish Cauda noon, naalala mo pa ba?" nang tumango-tango ako ay nagpatuloy na sya sa kanyang pagpapaliwanag "at kaya ka nagse-selos sa tuwing nababanggit nya ang pangalan ni Regina, ay dahil, syempre, ayaw mong sa kanya siya mapunta. Pero ang katotohanan, ay iisa lang kayo."
Dumilim ang anyo ni Sage Sirius ng sya'y nagpatuloy "Kaya dapat mo talagang tulugan sila na iligtas si Regina, dahil pag siya ang nawala, kasama kang mapaparam Jennifer" Banta nya sa akin "Kung gusto mong maging mas matatag amg iyong eksestensya Jennifer, ay dapat makipag-Soul Fusion ka rin kay Regina"
So Ganoon pala ang sistema, patay ako pag namatay sya at dapat makipag-soul fusion ako sa babaeng iyonpara maipagtanggol ko pa si Chris ng mas matagal sabi ko sa sarili ko, tinanong ko sya "Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito sa akin Sir Sirius?" Makahulugang ngiti ang kanyang pinakawalan bago sya sumagot "Para di ka maligaw ng landas sa pagtatanggol sa kanya"
Ngayon ay maliwanag na ang lahat, nakangiti akong nagtanong muli "Maari ko po bang samahan si Chris habang sya'y nagpapagaling?"
"Sige Iha" sabi nya, itinuon na nya ang atensyon sa tatlo pang Kasama ko.
~Sage Sirius's POV~
*4th Door Hideout*
Ngayong malinaw na kay Jennifer ang lahat, oras na para linawin na ang misyon ng 3 ito sa kanila
*End of [S3/C12] Panganib*
BINABASA MO ANG
Buhay ng CABALista: A Journey of Love and Hatred
FanfictionThe Original Story from CABAL Online PH Forums, Two worlds collide in this Fan Fiction, based on the Massive Multiplayer Online Role-Playing Game (MMORPG), CABAL Online. Witness and unravel how Chris discovered the world that was known as Nevareth...