[S3/FC(Part 2)] Malamig na Pighati (Bloody Frozen Clue)

32 0 3
                                    

Minadali ni Strike ang paghakbang, kaka-dash pa lang nya ay nagfa-fade na sya agad. Labinglimang segundo lang, nasa kwarto na kami ng unang Boss, si Death Monarch Akenaph. Masyadong malamig ang bati nito sa akin "Ikaw pala ang susunod na kaluluwang aking magiging alipin" sabay bunot nya ng kanyang Baston na nakatarak sa sahig, pero bago pa man nya iyon maihampas sa akin ay agad ko na syang binati ng isang Sword Quake "Hindi yon mangyayari halimaw!". Ngunit hindi ko pa rin kontrolado ang lakas ng Sword Quake at sa kasamaang palad hindi iyon tumama sa halimaw, ang mas masama pa, dahil sa pwersang di ko kontrolado, napahiga ako sa sahig pagkatapos kong ibato ang atakeng iyon.

"Ha ha ha!!! Iyan lang ba ang kaya mo miserableng nilalang, ang tumira ng isang atake na hindi mo pa naman lubusang nako-kontrol?" Pang-aasar ng halimaw.

Tumayo ako sa pagkakasubsob at ginamit ang BM 2, ngunit matapos ang Seremonyas para paganahin iyon, ay muling nagdilim ang aking paningin...

~Fast Forward: Few minutes later~

Bumalik ako sa huwisyo, na nasa Kwarto na ako ng Ghost Archers. At si Strike ang kasalukuyang nagsasagawa ng mga atake sa mga Halimaw. Nang maulinigang may malay na aking Espiritu ay agad nya akong tinanong "Kaya mo na ba?" Ilang segundo muna ang pinalipas ko bago ako sumagot "Siguro, nakakausap mo na ako eh". Pinatay nya muna ang ikalawang Ghost Archer Bago sya sumagot uli, "Mabuti naman, para kang nagwawalang aso kanina eh, Sinubukan kong kunin ang kontrol kanina sa pagharap kay Akenaph, pero hindi ko kaya, balot ka nanaman ng madilim na Aura na katulad noong nangyari sa yo doon sa Spada Brillante" Itinuloy nya ang pagkausap sa akin habang papunta kami sa kwarto ng Ghost Swordsman "Anyways, para bigyan ka ng ideya kung ano ang mga ginawa mo sa BM 2 State na yon, Pinatay mo si Akenaph sa loob lang ng 30 Seconds, Inubos mo ang Mobs na lumitaw sa gitna sa loob ng 30 Seconds, nag-Aura, dumiretso sa Kwarto ng Ghost Fighters, umatake ng Random Mobs at inubos ang halimaw doon in 30 seconds, at ganun din ang ginawa mo sa Kwarto ng Ghost Archers." Kaharap na namin ang Ghost Swordsman ng matapos sya sa pagpapaliwanag.

"Naman, inatake nanaman pala ako ng sapak ng BM 2 ko ano?" Pagtatapos ko sa usapan "Oo, kaya mag-pokus na tayo dito. And just to Remind you, meron na lang tayong limang minuto at tatlumpung segundong natitira sa Timer natin" Walang kagatol-gatol na paalala nya. "Maliwanag" sagot ko.

Di ko inaasahan na sobrang lambot ng Ghost Swordsman ngayon, sa loob ng 30 segundo ay bumagsak na sila at lumabas na si Cajoler Nazabrum. Pagtapak ko sa mismong harapan nya ay agad nya akong nakilala. "At dumating na rin sa wakas ang Tagapagmana ng Dilim. ang Mandirigma ng Galit, na syang aking magiging sandigan para maisakatuparan ko ang aking mga balak sa labas ng Lugar na ito" Tumawa ito ng ubod ng lalim "Sigurado ka Manong?" Ginamit ko ang BM 2 sa ikalawang pagkakataon at sa kabutihang palad, di ako nawalan ng kamalayan sa paligid matapos kong mapagana iyon. "Handa kang lumaban, iho, sige pagbibigyan kita. Death Circle!!!" At may lumataw na Ceremonial Circle sa ilalim nya, na naglabas ng pagkaitim-itim na atake. Nasalag ko iyon at gumanti ng sunud-sunod na halibas ng Aking Karit.

"Napahanga mo ako, bata. Sa loob lamang ng 30 segundo ay nasaktan mo ako ng grabe. Ngayon, kung gusto mo pang makalabas, habulin mo ako" Nawala sya sa kanyang kinalalagyan, at sa di kalayuan ay dinig ko ang kanyang malamig na halakhak. "Dito!!!" Sigaw ni Strike na ang tinutukoy ay ang Gawing Kanan "Tara!!!"

Pinasok namin ang kwarto sa kanan, at nandoon nga sya. "Mabilis ka bata, ngayon tikman mo to, Icicle Wave!!!" At tipak ng yelo mula sa ilalim ang tumama sa akin, mahapdi ang tama noon, siguro ay isang Critical attack. "Di na masama manong, pero Di sapat yan para mapatumba ako" walang awa ko syang inulan ng atake mula sa aking sandata. Matapos muli ang tatlumpung segundo ay lumipat uli sya ng puwesto, ngunit sa pagkakataong iyon, ang buhay nya ay mababa na sa 1/4 "Tapos na to" Sabi ni Strike, Sa kwarto ni Akenaph, dali!!!" At nandoon nga si Cajoler, na binati ako "Magaling Bata! Tapusin mo na ang buhay ko at nang manahin mo ang aking adhikain" Tumawa muli ito ng malalim. "Ngayon na. Huahahahaha!!!" Labinglimang segundo na lang ang itatagal ng aking BM 2, pero sumige pa rin ako, nawala iyon gabuhok na lang ang Buhay nya. Tinapos ko sya gamit ang Sword Quake. Ang kanyang katawan ay nawala na parang hangin at bumagsak ang isang Bato sa sahig, sa lugar kung saan sya nakatayo kanina "Kunin mo Chris, susi yan para makalabas dito. Whahahahaha!!!" Kinuha ko ang bato at napansin ko kaagad ang pagliwanag ng Bato sa Ginta ng Dungeon. Walang kakaibang nangyari maliban sa nagkaroon ng sobrang lakas na pagyanig sa Dungeon matapos kong hawakan ang Bato.

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon