~Chris's POV~
*Green Despair: In front of the 'Abandoned Observatory Post'*
Ipinasya kong ako na lamang ang mag-isang pumunta sa lugar na ito dahil kinakailangan ni Bradice ang agarang atensyong medikal, kaya umalis na ako sa Party na na-maximum Capacity na ng mailigtas namin si Bradice, sila na rin ang inutusan kong i-PM ang pangalang binigay ni Rina sa amin at nang magamitan na sila ng Summon of Heroes upang tugunan ang pangangailangan ni Bradice.
Kakaibang pakiramdam ang aking nadarama, ang Observatory Post na ito ay minsan na rin naming ginamit nila Yuan para gawing himpilan ng "Six Guardian Stars", pero ngayon, sa itsura pa lang ng lugar mula sa labas ay halatang may nangyaring madugong labanan sa loob ng noo'y matiwasay at abandonadong lugar na ito, butas ang pawid na bubong ng kubo, may mga bagong laglag na mga Dahon ng Saging sa paligid at ang pinto na kung noon ay nalambitin na lamang sa kanyang frame ay nakabagsak na ngayon sa loob ng kubo.
Ilang hakbang pa ay agad kong nasilayan ang dahilan ng pagkawasak sa paligid, isang Force Archer ang nakahandusay sa lapag ng Kubo, at yakap yakap ng isang Wizard. Paglapit ko sa nagluluksang babae ay agad kong napagtantong di lang ordinaryong pagkamatay ang ibinigay sa kaawa-awang mandirigmang ito, ang Walang buhay na katawan ng Force Archer ay halatang-halata na tumanggap ng walang humpay na pasakit bago sya nalagutan ng hininga. Ang maamo nyang mukha ay puno ng namamagang mga pasa na malamang ay galing sa paulit-ulit na Mahikang ibinato sa kanya ng kung sinomang gumawa sa kanya nito, may ibang pasa pa sa parte ng kanyang katawan na halatang bagong gawa lamang, dahil may bakas pa ng yelo at ang iba ay meron pang sariwang sunog na laman. Ang Osmium Battlesuit nya ay gula-gulanit din. Ngunit bago ko pa makita ang kabuuan ng pinsalang natamo ng Force Archer na ito, ay tinalukbungan na sya ng isang malaking dahon ng saging ng kanina'y nagdadalamhati na Wizard kanina. Parang sa pagkakita ko sa kanya ay may isang parte ng puso ko na biglang nawala sa akin.At ang pakiramdam pala na iyon ay dahil sa malapit sa puso ko ang Force Archer na iyon, na nalaman ko na si xdandiely pala, base sa Battle Style Registration Card na inabot sa akin ng Wizard? na umasikaso sa Force Archer na iyon.
"Alam kong malapit sya sa yo kaya nang matanggap ko ang Distress mail mula sa kanya, agad akong nagpunta rito, sa kasamaang palad, nababalutan ng kakaibang 'Sage Magic Barrier' ang Lugar na ito nang datnan ko, kaya di rin ako nakapasok. Sinubukan kong butasin ang Barrier pero lahat ng atake ko ay bumalik lang sa kin, nawalan ako ng malay sa labas at paggising ko wala na ang Barrier, at pagpasok ko ang walang buhay na lang nyang katawan ang naiwan" Mahabang explanasyon ng extrangherong Wizard?
"Maraming salamat sa pag-asikaso sa kanyang Bangkay, ngunit maari ko bang matanong kung sino ka binibini?" Umiral pa rin sa kin ang aking pagiging magalang kahit gusto ko nang bastusin ang kaharap dahil sa aking nararamdamang galit.
"Ako si LilliannaVess, Isang Wizard na malapit na kaibigan ni Diely." Nilahad nya ang kanyang kamay, na syang aking inabot, at nawala ang aking pagtataka, hawak nya ang isa sa mga kristal na ang kapares ay nasa kamay pa ng Archer na nakahandusay sa sahig.
Kahit na gumagaralgal ang aking tinig ay muli uli akong nagtanong "Maari ko bang malaman kung sino ang pumaslang sa kanya?"
Agad na dahan-dahang umiling ang Babaeng nagngangalang Lillianna at sumagot "Hindi ko rin kilala ang mga taong gumawa sa kanya ng ganitong karumal-dumal na gawain pero ang sigurado, pinahirapan sya ng ganito dahil may gusto silang malaman mula sa kanya"
"At ano iyon sa palagay mo?"
"Ang Sulat na to ang magsasabi sa yo, Ginoong Emisaryo" Sabay abot ng isang misteryosong sulat na Alam kong galing sa isa sa mga Sages.
At paano nya nalaman ang...... "Oo nga pala" Balik tawag ni Lilianna, "Ipinaabot rin nga pala ni diely ito sa yo, kabilin-bilinan nyang ibigay ko sa yo to pag nagkita na tayong muli" Inihagis nya ang isang Pendant, na may locket sa gitna, "Sya ako'y aalis na, marami pa akong aasikasuhin" at sya'y umalis na dala ang Bangkay ni diely, ngunit di ko muna binigyan ng pansin ang huling inabot nya, bagkus ang una kong binasa ay ang sulat na una nyang inabot.
Pagbati mula sa pinagsanib na Pwersa ng Capella at Procyon Confederation,
Sa oras na mabasa mo ang liham na ito, nakita mo na ang idinulot ng inyong patuloy na pagtuligsa aming "Mapayapang Pakikipag-usap" ang bangkay ng isa sa inyong Grupo. Ang patuloy na pagsuway sa aming mga imbitasyon ay maari pang magdulot ng karagdagang kawalan sa inyo at sa inyong mga malapit na mga kaibigan. Hindi ito isang biro, kundi paalala. Oras na balewalain mo ang aming sabay na paalala, pagsisisihan mo ito ng malabis. Sa iyong pagtanggi sa aming mga naunang alok na pakikipagusap, at hindi pagbibigay ng sagot sa aming mga katanungan, iyan ang naging Resulta.
Ngayon kung nais mo na hindi na madagdagan pa ang mga magbubuwis ng buhay para sa inyong grupo at adhikain, eto ngayon ang aming huling paanayaya para isang "Mapayapang pakikipag-usap" Sa Ganap na ika-anim ng hapon dalawang linggo matapos mong mabasa ang sulat na ito sa Gabi paglubog na ikatlong Buwan sa Kalangitan ng Bloody Ice, magtungo ka sa Lakeside Coordinates X: 134, Y: 126, at doon natin pag-uusapan ang mga bagay na nais naming makuha mula sa yo.
Gumagalang
Procyon and CapellaMatapos kong basahin ito, alam kong magiging mas madugo ang mga susunod naming paghaharap ng dalawang Sages na ito. Kailangan ko silang mapigilan, sa tulong ng aking mga kaibigan. Kailangang matapos na ang pagdanak ng dugo para lamang sa kanilang sakim na pakinabang.
*End of [S4/C5] Resolusyon: Ang Pagsara ng Mata*
BINABASA MO ANG
Buhay ng CABALista: A Journey of Love and Hatred
FanfictionThe Original Story from CABAL Online PH Forums, Two worlds collide in this Fan Fiction, based on the Massive Multiplayer Online Role-Playing Game (MMORPG), CABAL Online. Witness and unravel how Chris discovered the world that was known as Nevareth...