[S2/C15] Paglisan

14 0 0
                                    

~Regina's POV~

Nanlamig ako sa narinig ko sa awditibo ng Cellphone ni Bradice, na alam ko pati sya ay nasindak sa tindi ng balita. Si Chris, aalis ng Bansa, bakit? Magtatanong na sana ako nang senyasan nya ako na tumahimik muna. Hindi pa pala nya bibababa ang tawag;

Bradice: *pinilit na magsalita ang sarili* Te-teka nasaan ka ngayon? Hindi mo sya sinundan?

Sofia: *may malakas na hiyaw na umalulong sa telepono* Nasa Bahay ni Chris sa Commonwelth. Hihintayin ko kayo rito, kailangan nating mag-usap *naputol na ang tawag*

Bradice: *tinignan ang screen ng Cellphone, ngunit tapos na raw ang tawag* Sofia? Sofia! *mahinang napamura* Wala na, on the way na raw si Chris sa Airport.

Regine: *halos wala nang lakas na naglakad-lakad, parang nag-iisip* An-anong ibig sabihin nito?

Bradice: *blangkong ekspresyon* Ewan ko, *biglang napa-ngiwi* Pero sa pagkakakilala ko kay Chris, Tatakbuhan nya nanaman ang problema nya na hindi nya maresolbahan. Ugali na nya yon. Pero sa pagdaan ng panahon, sa hindi nya pag-aayos ng mga problema nya, nagkakaroon pa ng mga mas malalaki pa na nagmumula sa mga problemang tinakasan nya. *mabigat na napa-iling* Basta ang dapat nating gawin ngayon ay pigilan sya, sa kung anumang plano nya. *tinitigan ako ng madilim* Bago mahuli ang lahat.

"Bago mahuli ang lahat*. Tumatak iyon sa isipan ko. Dahil minsan na akong nahuli sa paggawa ng isang solusyon sa problema. Hindi ko nagustuhan ang resulta niyon. Naalala ko ang Huling Sulat ni Chris sa akin halos 3 na taon na ang nakakalipas.

" Sana mapatawad mo ako... Ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito... paalam" Yan ang mga pariralang naiisip ko sa tuwing naalala ko ang sulat. Sana hindi ang paghaharap namin sa School Kanina ang maging huli naming pagkikta, may masama akong kutob. Parang may hindi tama. 

Sumakay na lang kami sa Ni Bradice sa isang Taxi na maswerteng napadaan. Naghati na lang kami sa pangongontrata sa Driver noon...

~Sofia's POV~

Habang hinihintay ko sila Bradice na Dumating ay nag-inspeksyon muna ako sa bakante nang silid sa bahay. Nag-iwan sya ng isang Spare key para daw in case na matapos na ako sa "Pagmumuni-muni" ko, maisara ko man lang daw ang bahay nya nang di ito manakawan.

Ang Tanong lang, may mananakaw pa kaya rito? Eh ni alikabok ay wala nang natira sa lugar na ito. Ang mga Basic Furnitures na lang ang naiwan, Sofa, Center Table, Cabinets, at iba pa. Pero ang nakatawag ng aking pansin ay ang Flower Vase na nakapatong sa Side Table malapit sa Bintana. May nakalamukos na papel roon. Pinulot ko iyon at binukalat, baka di lang nya napansin habang naglilinis. Ang nabasa ko ay nagpakinang ng aking mga mata. Saktong matapos kong basahin ang laman ng Sulat ay may kumatok sa pinto. Malamang sila Bradice na iyon, at hindi ako nagkamali;

Bradice: *walang expresyon* Nasaan si Chris.

Sofia: *nanginginig ang mga kamay* Heto may nakita akong papel na nakakalat lang rito. Yan ang magtuturo sa atin kung saang paliparan Sasakay si Chris *iniabot kay Bradice ang papel*

Bradice: *Binasa iyon at namangha* Hah! Di talaga sya masinop! Tara na!

Regina: *sumingit sa usapan* Teka sandali, Bradice, Isasama natin si Sofia?

Bradice: *kalmadong hinarap si Regina* Oo, Wala na tayong Oras, Ayon dito sa Dokumentong Hawak natin, 8:45PM ang Alis ng Flight ni Chris Papuntang Timbuktu. *di makapaniwalang winasiwas ang papel sa lahat* Goodness! Anong Mala-third World na Lugar ang balak nyang Puntahan? Safari Rainforest?

Regina: *napatango na lang at sinilip ang kanyang Wrsit Watch* Di ko rin alam pero ang malinaw ay 7:50 na nang Gabi. *nalungkot* Aabot kaya tayo?

Sofia: *biglang kumislap ang mga mata* Oo! Trust me Gine, May alam akog Shortcut, *kinalabit si manong Driver ng Taxi at binulungan ng instructions* Ok ba manong *tumango ang Driver* O sya, kung susuwertehin tayo, 15 Minutes Early tayong dadarating sa Airport.

Alam kong mali na tulungan si Regine para sa misyon na gusto nyang gawin. Ang Ipakita kay Chris na Mahal nyang talaga ang Minamahal ko rin. Pero eto na lang ang natitirang baraha ko para makita pang muli si Chris. Kahit na masakit na mapunta sya sa iba titiisin ko. Ganyan ko kamahal si Chris...

~Chris's POV~

Nandito na ako sa NAIA. At alas-otso medya na! Dapat na akong magmadali kung hindi, talagang hindi ko na alam kung kakayanin pa ng Katinuan kong manatiling nasa ayos. Sa dami ng nangyari, Sa mga ginawa ko, nagawa ko, at iba pa, para na rin to sa lahat. Para sa kin at para kay Bradice, para hindi na sya mamoblema nang dahil sa akin. Para kay Sofia, para hindi na sya masaktan nang dahil sa mali nyang inibig - walang iba kundi ako - . At para kay... Regina... para... Hindi ko rin alam kung para saan at para ano ang paglayo ko sa kanya. Tino-torture ko lang ang sarili ko. Mahala naman namin ang isa't-isa, bakit di ko na lang hayaan na maging kami? 

Wala sa isip ko na napatingin ako sa Babaan ng Taxi. Isang di kapani-paniwalang kaganapan ang nakita ko. Sila Bradice, Sofia, at Regina, Magkakasama! Hindi ako makagalaw, dala ng matinding pagkagulat...

Ngunit sa isang pitik ng Segundo, bumalik ang napakaraming alaala sa akin...

*End of [S2/C15] Paglisan*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon