[S3/C14] Ang Resulta

14 0 0
                                    

"Ngayon, sino sa inyo ang maaring mauna?" Tanong ko sa tatlong Emisaryo sa Harap ko.

"Ako Siruis Sage!" Halos pasigaw nang pagbo-boluntaryo ni Resty.

"Sige iho, mauna ka na. Alam mo na siguro ang gagawin, kailangan mong magamit ang debuff ability ng Force Bladers na 'Execration'." Sabi ni Sirius Sage, at Binunot ang kanyang Baston, na sa unang tingin ay isa lamang ordinaryong Baston, pero yun pala ay isang Lycanus Katana "Sa akin" Sabay tutok ng Katana kay Resty. "Kapag Di mo ako napigilan sa pagkilos, gagamitin ko ang Attack Skill na 'Force Assault' sa iyo, maliwanag?" Aking mahabang sabi

"Opo Sir Sirius!" Agad nyang sabi.

"Sa Bilang na tatlo, dapat ay naitira mo na iyon, dahil kung hindi, aatake ako" Sabi ni Sirius Sage, naging matalas ang mga titig nito kay Resty. "At kung inaakala mong isa na akong walang Silbing matanda, nagkakamali ka ng akala, dahil mayroon pa rin akong lakas para mga ganitong aktibidad"

"Maliwanag po" anas ni Resty, na biglang pinasukan ng Kaba ang boses, na kanina'y punung-puno ng kompyansa.

"Isa, dalawa, TATLO!!!"

At naging Mabilis ang kanyang mga kamay, inihampas nya ang kanyang kamay sa sahig at lumikha ito ng gumagapang na anino, na kumapit sa aking anino at ipinako ako sa aking kinatatayuan.

Sinubukan kong iangat ang paa ko sa sahig, pero parang may humahatak na kamay sa paa ko para di ko magawa ang pag-alis sa aking pwesto "Magaling, Resty. Tandaan mo, ang 'Execration' Debuff Skill, ay isang importanteng mahika ng Force Blader, para di makawala ang kanyang kalaban. Naiintindihan mo ba?" At ako'y kumalma nang muli, ibinalik ko ang ngiti sa aking mga labi.

"Syempre po, Sir Sirius, maliwanag po iyon" sabi nya.

Tumingin ako sa dalawang natitirang Emisaryo "Ngayon, sino naman ang gustong sumunod?"

Parang di pa kaya ng babae na sumalang sa pagsubok, pero itinaas na nya ang kanyang kamay. Tatawagin ko na sana sya, nang biglang sumabad ang Emisaryo ng Force Shielder, na si Waren "Ako na lang po muna ang isunod nyo, di pa po sya handa"

Tumango ako at pinalapit sya "Sige iho, pagbibigyan ko ang iyong kahilingan. Sya, sang ayon sa librong ibinigay ko sa iyo, ang Spell na iyong dapat maipakita sa akin ay ang 'Shadow Shield'" Sabi ko. "Pagkatapos ng bilang na tatlo, ako'y susugod gamit ang abilidad ng Force Shielder na 'Shield Grenade' kay Resty, dapat ay masalo iyon ng 'Shadow Shield' na ginamit mo at maprotektahan si Resty. Maliwanag ba Waren?"

"Maliwanag po Sirius Sage" Tumatangong Sang ayon nya, pagkatapos noon ay ginamit na nya ang Abilidad na 'Shadow Shield' sa kanila ni Resty.

Nagulat na nagtanong si Resty "Teka, bakit ako ang titirahin nyo Sir?"

"Dahil pag lumusot yon, ay Parusa ko na yon sa kawalan mo ng galang kani-kanina lang" Ngumiti ako ng nakakaloko sa kanya. "Ok, isa, dalawa, TATLO!!!"

Inipon ko ang Pwersa ko sa aking Pananggalang, na aking kinuha mula sa loob aking Balabal, at itinira iyon kay Resty, pero Umilaw lang ang isang bilog na anino sa paligid ni Resty, at ni hindi sya nasaktan.

Napahinga sya ng maluwag "WOoooooooooooooo!!! Ang Galing mo Pre!!!" At nakipag-apir sya kay Resty.

"Mahusay Waren, ang abilidad na 'Shadow Shield' ay kaya kayong iligtas kahit na nasa bingit na kayo ng pagkatalo, gamitin mo ito sa tamang pagkakataon." Sabi ko.

"Opo Sir Sirius" Sabi ni Resty, habang nakikipagbiruan kay Resty at pinakakalma si Sofia.

"Ngayon ang naiiwan na lang ay si Sofia" Sabi ko sa nakaupong babae "Ang Spell na ibinigay ko sa iyo ay ang 'Curse Remove' Skill. Dapat ay maalis nyan ang Execration na kanina pa nakadikit sa akin" Sinubukan kong alisin ang paa ko sa sahig, subalit, mukhang talagang may kahalong galit ang Execration na itinira ni Resty sa akin at napakatagal bago ito mawala. "Handa ka na ba, iha?"

"O--opo S--sir" nanginginig nyang Sang ayon.

"Isa, Dalawa, TATLO!!!"

At, imbes na mawala ang Execration na nakakabit sa akin, ay nagkaroon ako ng buff na 'Hardness' isang Trademark Skill ng Wizard Class.

"Ah, ito pala ang ibig sabihin ng Nakasulat na 'Ang Mata ng Lawin ay wala sa Paligid ng Emissaryo, kundi nasa malayo, at tahimik na nagmamatyag'" Hinimas ko ang aking Balbas sa alalahaning iyon.

Na sya namang ipinagtaka ng tatlo.

*End of [S3/C14] Ang Resulta*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon