[S3/C17] Sa Loob ng Spada Brillante

29 0 0
                                    

~Yekaterina's POV~

*Stockroom of Auction House*

Hindi ko akalain na ganon ang pagmamahal, dahil hindi naman naman ako napalaki sa isang mundo na puno ng ganoong klase ng mga komplikadong emosyon, wala akong alam na ganito pala ang magiging epekto nito sa isang Nevarethian. Pero bigla kong naisip na hindi pala siya isang Nevarethian, isa syang Nilalang mula sa kabilang mundo, at ang mundong yon ang puno ng ganitong mga emosyon. Subalit hindi naman ako mangmang sa ganitong mga bagay, dahil marami na rin akong narinig na Kwento ng pagmamahalan, at halos lahat ng iyon ay narinig ko kay Manong Deigthon. Kesyo daw kaya nitong hamakin ang lahat para masunod ka lang, at Papasukin ang Radiant Hall ng Mag-isa para makasama ang taong mahal mo na bihag sa loob. Pero ng makita ko ang galit at determinasyon sa mata ni Strike habang papaalis dito, ay nalaman kong totoo nga, totoo nga ang tinatawag ni Manong Deigthon na "Mahika ng Pag-ibig". Pinasya kong sundan si Strike habang nakabantay ang kakambal ko sa Aking pwesto.

Pagdating ko sa Training Room, ay may nakalatag nang Isang Scroll sa Sahig, mukh@ng Battle plan ito ni Strike. Paglapit ko ay narinig ko ang kanyang sinasabi.

"... At ikaw naman Resty ay..." Habang tinuturo ang isang asul na bilog sa kanyang Scroll, at nang mapansin ako ay agad akong hinarap "Rina, nandyan ka na pala, Maliban doon sa sulat, wala na bang ibang pinadala si Capella?" Tanong nya sa akin.

Blanko ako sa tanong nya pero ng makapa ko ang bulsa ako ay meron akong nadamang mga Pins, at bigla kong naalala ang mga ito "Ah, oo, meron pa, ito" At iniabot ko ang mga Pin sa kanya, Isa itong button pin na may Tatak ng Insignia ng Capella Confederation sa Gitna "Yan ang Special Pin para makapasok kayo sa Spada Brillante, ang Battle Ground Lobby ni Capella" Ibinigay ko ang anim na Pin kay Strike at bago pa nya maisatinig ang kanyang tanong ay agad ko na iyong sinagot "Siguro ay inaasahan na ni Capella na magdadala ka ng 5 kasama para lusubin sya, kaya 6 ang pin na yan" Matapos kong sabihin yon ay hinarap ko si Sofia at Binawi ang kanyang God Weapon "Dahil ayon kay Sage Sirius ay isa kang Wizard, ang Weapon mo dapat ay ang Electra's Reasoning" At ibinigay ko sa kanya ang Dalawang Pares ng Orbs "Ang Magagawa nyan sa iyo ay palakasin ang Iyong Abilidad na pangmahika, at sa oras ng pangangailangan ay bigyan ka ng Tamang paghusga sa isang sitwasyon. Maliban dyan ay pinatatagal at pinalalakas nito ang epekto ng Signature Skill ng Wizard Class na 'Raise Spirit'".

"Salamat Rina ah, kung di dahil sa yo, siguro di na namin maililigtas pa ang mga kaibigan namin" Seryosong Sabi nya sa akin, sabay yakap.

"Sya, Sya. Bilisan nyo, baka may masama pang mangyari kay Regine. Basta gawin mo ang lahat para maisalba ang mundo namin sa pagkawasak" Sabi ko at ako'y kumawala sa pagkakayapos ni Strike. "Para makarating sa Spada Brillante, Idikit nyo yan sa inyong Kaliwang Parte ng inyong dibdib, hawakan at sabihin ng malinaw ang katagang 'Spada Brillante'"

Tumango ito, at tinignan ang mga kasamahan, "Oo, salamat. Tara na ba?" nang tumango ang mga kasamahan nya ay sabay-sabay nilang ginawa ang sinabi ko at sumigaw ng "Spada Brillante" at Sila'y nawala na.

"Maging Ligtas sana kayo" Sabi ko sa kawalan, at matapos noon ay pinatay ko na ang mga ilaw sa Training Room, umalis na ako

~???'s POV~

*Green Despair*

"Sila'y kumilos na Lawin" Sabi ng Tinig, kasalukuyan akong bumibili ng Potions kay Nodaka ng magsalita sya.

"So oras na rin para gawin ko ang 'Misyon' ko, tama?" Sagot ko sa tinig na iyon.

"Oo" Kumpirma ng Tinig na ako lang ang nakakarinig

"Eh di, tara na. Spada Brillante!!!"

At Lumabas ako sa isang pamilyar na lugar.

~Chris's POV~

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon