[S1/C11] The School's Surprises

36 1 0
                                    

After a few Reality Check, inihanda ko na ang sarili ko para sa "Itatanong" ni Bradice. Kapag ganito kasi ang tono niya at mga pagkakaayos niya ng mga salitang sinasabi niya, malamang ay may Koneksyon sa akin ang kung anumang bagay na "Itatanong" nya. Isa pa, dahil sa eskwelahan namin gagawin ang "Usapang" iyon, more or less ay may makaka-engkwentro akong mga dating kaklase, most of them ay mga mahilig mag-trip. Iilan lang naman ang totoong tao na mga estudyante sa nasabing eskwelahan.

As usaul di naman ganun kalayo ang nilakad ko, mga 1 kilometro lang naman na binuno ko lang sa loob ng dalawangpung minuto. Pagdating ko sa Kalyeng palusong, samu't-saring mga alaala nanaman ang bumagabag sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin, ayokong sumama ang timpla ng araw ko ng napakaaga dahil lamang sa mga bagay na hindi ko na mababago kailanman.

Pagpasok ko sa loob, wala pang mga estudyante masyado, pero may napansin ako sa bandang bakod. Ang mga walang kamatayan at padami nang padaming mga "Cutting Boys/Girls". Ewan ko sa mga batang ito kung bakit gustung-gusto nilang tumalon sa bakod para lamang gawin ang gusto nilang gawin sa labas na di nila magaawa sa loob ng paaralan. Marami akong kilalang mga "Cutting Boys/Girls" na ang sinasabi nilang dahilan ng kanilang ginagawa ay "Bagot na bagot na kami sa mga itinuturo nila na kung tutuusin ay di naman magagamit sa totoong buhay at mga pagsubok na kalakip nito". Meron pang isang nagsabi na "Mas gusto ko na tumakas sa eskwelahan keysa sayangin lamang ng mga Bullies ang oras ko sa pagsisipag ko sa pag-aaral".

Ano ang punto ng mga dahilang ito? hindi ba nila iniisip na hinaharap nila ang kanilang sinasayang? Maliban pa sa oras na nauubos nila sa labas na dapat sana'y para sa pag-aaral nila ginugugol. Kapg sila naman ay ibinagsak ng kanilang mga guro, mga magulang naman nila ang pahihirapan nila! Sakit ng lipunan ang mga taong ito!

Naulinigan ko pa ang usapan ng dalawa sa mga irresponsableng mga batang iyon na pawang mga 3rd Years lang;

Cutting Boy 1: *lingun-lingon* Saan naman tayo pupunta ngayon? *kinalabit ang isang kasama*

Cutting Boy 2: *hinampas sa balikat si Cutting Boy 1* pwede ba, wag kang maingay, at tungkol sa tanong mo, sa Computer Shop tayo didiretso! 

Cutting Boy 1: *tumango-tango* Ok! Tamang-tama matagala ko nang di nalalaro ung Char. ko sa CABAL na-------

Tinigil ko na ang pakikinig sa usapan nila. Isama ba naman ang CABAL sa mga plano nila sa labas?!?!? Ang paglalaro ay dapat nasa oras. Hindi dapat nakakasagabal sa pag-aaral.

Nasa puntong isusumbong ko na sana sila sa Gwardya nang may isang batang 1st Year tumakbo papunta sa Gwardya para isumbong ang mga "Cutting Boys" na nakita ko. Pagkatapos nun ay umaatikabong habulan ang naganap. Di ko na iyon pinanood, nasilip ko kasi sa orasan na 9:25 na nang umaga! Limang minuto na lang ay Recess na nila Bradice. Ayokong mahuli kasi baka "Hilahin" nanaman sya ng mga "Fans" nya.

Pumunta na ako sa harap ng Kwarto nila. Medyo natagalan ang huling guro nila sa pagpapaliwanag ng Lesson kaya medyo na Overtime sila. Agad akong nakita ni Bradice. Bumili sya ng makakin namin bago ako inaya sa ilalim ng puno kung saan ay kita ang buong Court ng eskwelahan. Di na sya nagpaliguy-ligoy at agad akong tinanong. Natunugan sigurong sandali lang ang Break nila;

Bradice: *kumain muna ng dala niyang Sandwich* So, anung pinagkakaabalahan mo ngayon?

Chris: *nakatingin sa kawalan* Hmmmm...... Wala lang, CABAL pa rin. As if namang merong iba diba?

Bradice: *ngumiti, tumingin sa akin* Ok, so pwede ka sa sabado ng mga 6:30 ng Gabi?

Chris: *nagulat* Huh?! Anung plano mo? Iimbitahin mo ako sa JS ganon? *namilog ang mga mata, senyales ng pagkainis*

Bradice: *kamot ulo* Kahit kailan talaga di kita mauutakan, pagdating sa mga aktibidades dito sa eskwelahan, paano mo nalalaman agad ang mga events dito, wala ka namang ginagawa kundi maglaro lang ng CABAL? *may tunog ng pagkagulat ang salita nya*

Chris: *tinapik-tapik ko sya sa balikat* Secret! Di ko sasabihin! Walang Clue! Whahahaha......*pero seryoso*

Bradice: *itinaas ang kamay, mock surrender ang loko* Ok fine! Pero kung Available ka, punta ka. May "Sorpresa" ako sa yo! *tumawa ng mapanukso*

Chris: *namutla sa pagkakarinig ng salitang "Sorpresa"* Anak ng---- Ayoko ng ganyan! Sorpresa nanaman! Ang huling Surpresa mo sa akin eh muntik ko nang ikaatake sa puso alama mo ba?

Ang tinutukoy ko ay ang Forum namin kung saan "Hinalukay" niya ang estado ng puso ko. Na nung oras na yon ay sobrang sakit pa rin.

Bradice: *defensive* Oh easy lang. Di naman ganun ka-drastic ang "Sorpresa" ko ngayon. Basta pumunta ka. Alam kong makakalimutan mo yang si *pabulong* Regina kahit sa gabi lang na yon. Promise!

Chris: *tumayo na, nakita ko na kasing papasok na ang susunod na titser nila Bradice* Fine! Sige nandyan na ang Teacher nyo. Pasok na!

Bradice: *nakita rin ang gurong papasok ng kwarto nila* Ok sige, bya na *binato sa akin ang Suman na di nya nagalaw habang sya'y papasok sa kanilang kwarto* Sa Sabado ha!

Umuwi na ako pagkatapos nun. Pero di ko malaman kung ano nanaman ang pumasok sa ulo ng Kaibigan kong ito at inimbitahan nanaman ako sa isang Event na malamang ay mao-OP ako. Una dahil sa JS na yon ay napakadaming mga magsyotang malamang ay pupunta lang para sa "Libreng Oras" nila bilang mag-syota at di bilang mag-kaklase. Ikalawa, Paano ko malilimutan si Regine dun kung sangkaterbang mga mag-syota ang naroroon, na madalas kong pinapantasya na sana ay kaming dalawa ang sabay na pupunta para mag-date! At Ikatlo, at ang pinakamabigat, Paano ako tatakas sa bahay namin sa araw na iyon, na malamang ay hanggang alas-dos ako nang madaling araw abutin sa labas, dahil sa tagal ng JS na yon. Ah bahala na! Iisipin ko na lang yon pag nandyan na! Sa ngayon, back to Homebase na muna ako.

Pagbalik ko sa Shop, mahimalang nandoon ang mga "Cutting Boys" na nahuli ko kanina! WoW naman! Ang Swerte ko naman, buti di nila ako namukhaan.

Binuksan ko ang CABAL Program and, Magic! Ako na uli si StrikeForce54!

Konting Chika-Chika sa mga ka Guild and off to Grinding Uli ako! Matagal ko nang nakuha ang Nation Quest ko.

Mga ilang minuto lang ang lumipas at may imbitasyon akong natanggap, M War Invitation daw!

Ayos pero tinanong ko muna ang mga ka-guild ko kung sumali na sila sa M War, di pa raw!

Tinanggap ko ang imbitasyon at napunta ako sa isang kastilyo.....

*End Of [S1/C11] The School's Surprises*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon