[S3/C18] Ang Itim na Astral Lancer

20 0 0
                                    

Natapos ang Duration ng Field of Execration, at agad kong inabot ang nakahandusay na katawan ni Regina, pero sa laking pagkagulat ko, umilaw ang katawan nya at bigla na lang nawala. Napatitig ako sa Mukha ni Capella at nakita ko ang Ngiting sumilay sa kanyang labi.

"Chris, kumalma ka lang, Tandaan mong nasa teritoryo tayo ni Capella" Banta sa akin ni Strike, "Oo alam ko, pero..... pero namatay sya, totoo na ito, wala na sya, nang dahil sa akin, dahil di ko sya nagawang protektahan....." Malungkot at puno ng hinanakit kong balik sa kanya, "Chris....." tawag sa akin ni Strike pero may naramdaman ako na isang napakitim na aura na nagmumula sa kaibuturan ng aking puso. Gustong kumawala.....

Ipaghihiganti natin sya Chris, StrikeForce54, ako ang bahala.....

"Anung....."

~???'s POV~

Nakatago ako sa likod ng isang Higanteng Column. At mula rito, kitang kita ko na bumabangon ang isang Nakakatakot at nakakahindik na Aura mula kay Strike. Mula sa pagkakaupo nya nang hawakan ang nawalang Bangkay ni Regina, ay itinarak nya ang kanyang God Weapon sa Sahig, at iyon ay muling naging Astral Lance, pero may lumalabas mula sa dulo roon, Dugo.

"Hindi! Lawin, Gumawa ka ng paraan!!!" Sabi sa akin ng Boses na puno ng pag-aalala at pagkagimbal.

"Anong paraan? Hanggang dito ramdam ko ang itim na kapangyarihan na nagmumula sa kanya, nakakatakot lumapit!" Nanginginig kong balik sa Boses

"Kung Hindi mo kaya ngayon, mamaya mo gawin, kapag nakakita ka ng tamang pagkakataon" Bulyaw sa akin ng tinig

"Oo" Kahit na puno ng kaba, inihanda ko ang Aking Pana, handa sa anomang magaganap.

~Capella's POV~

"Ca... pel... la..." Tawag sa akin ni Strike sa garalgal na paraan. Pag-angat nya ng kanyang karit, ay may lumalabas na dugo mula roon "Magbabayad ka..." Humanda na sya na umatake, Sumigaw sya ng pagkalakas-lakas, at natumba ang mga kasamahan nya, nawalan ng malay lahat, pati na rin ang mga nakakarekober ko nang hukbo ay nakatulog muli sa lakas ng impact na nagawa ng sigaw nya. Nararamdaman kong mawawala na ang aking Battle Mode State, kaya inilabas ko ang aking Battle Aura, para mapanatili ng ilang pang sandali ang Aking Battle Mode. Pagtingin ko sa aking harapan, ay nawala na si Strike. Narinig ko mula sa di kalayuan ang tunog ng Kanyang Astral Lance na papalapit sa akin. Ibinato nya pala iyon, na ilagan ko ito. Pero naramdaman kong nasa likod ko na pala siya.

"Huli... Ka!!!" Bumalik ang Kanyang Astral Lance sa kanyang kamay at buong pwersang Inihampas sa aking likod. Sa lakas ng Tama ng Lance, ay dumausdos ako sa sahig, at sumadsad ng ilang metro mula sa lugar kung saan ako tinamaan ni Strike. Ngunit hindi pa tapos ang aking Problema, dahil sa di ko malamang kadahilanan, ay parang Wizard kung kumilos si Strike sa Battle Mode 2 State nya ngayon. Kada dash nya, ay nawawala sya sa aking paningin, at nang sa wakas ay magpakita sya, ay walang habas nya akong pinalo ng kanyang karit, na doble ang bilis kung ikukumpara sa ordinaryong paraan ng paggamit ng atake sa normal na Battle Mode 2 State ng isang Warrior.

"Tama na!!!" nakahiga pa rin ako sa sahig pero pero sige pa rin sya sa paglusob, at mu~g di titigil hanggang di ako nakikitang walang buhay, ramdam ko ang laki at tindi ng sakit ng sugat na ginagawa ng mga atake nya, at unti-unti ay lumalabo ang aking paningin. Pero mula sa malayo, ay may isang Puting Arrow na tumama sa Katawan ni Strike at biglang na-disperse ang Kanyang Battle Mode State. Dahil parang hindi nya makontrol ang lakas noon, ay walang malay syang napahiga sa sahig.

Tumayo ako, kahit na hirap na hirap na at parang di na kaya ng katawan ko, pero nang magawa ko nang bumangon ay ibinuhos ko ang Buong lakas ko sa aking Sandata, At Inihanda ang aking Huling Atake, na kaya pa ng katawan ko, ang Force Impact.

"Tapos ka na StrikeForce54!!!!!" Habang napupunta ang lahat ng lakas ko sa Aking Sandata.

Nang Itatarak ko na ang Espadang iyon kay Strike ay may lumabas muling puting pana mula sa kawalan, at sa dibdib ko naman iyon tumama.

*End of [S3/C18] Ang Itim na Astral Lancer*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon