[S4/C4] Di Inaasahang Tulong

5 0 0
                                    

~Chris's POV~


Sa kada hakbang na aking tinatahak palayo sa batalyon ni Procyon na parang naka-Holy Water of Traveler lahat, ay lalo akong tinatablan ng kaba, lalo na't napapagod na ako - at halatang pati na rin ang mga kasama ko - sa mahabang takbuhin na aming ginagawa. At ang pinagtataka ko, parang wala nang katupusan ang pasilyong aming tinatahak. Pansin ko kasing parang paikut-ikot lang kami sa pasilyong ito. Nang bilang pagliko namin sa isang pasilyo para iligaw ang grupo na humabol sa amin ay may humarang na Dalawang Procyon Officers sa aming dadaanan.


"Hanggang Dito na lang ang inyong pakikipaglaro sa amin ng habulan" Sabi ng babaeng Force Archer Officer, na tulad ng mga humahabol sa amin ay nakasuot ng Procyon War Uniform "At bakit mo naman yan nasabi?" Ilalabas ko na sana ang akin Armas ng sumenyas sya na hindi sya isang kaaway. Sinenyasan nya ang Lalaking Blader Officer na lumapit sa akin at ako naman ay lumapit sa kanya "Kung susunod kayo sa gagawin ko, hindi kayo mapapahamak at malamang mailigtas nyo pa ang kaibigan nyo" matapos nyang ibulong ang mga salitang iyon ay sinakal ako ng Blader Officer.


Hilong hilo ako sa mga nangyayari, pero kesa mapahamak, pinili ko na lang na paniwalaan ang sinabi ng FA Officer. Nasa ganoong eksena kami nang maabutan kami ng batalyong humahabol sa amin. Nakataas ang sandata ng aking mga kasama ngunit ako na mismo ang pumigil sa kanilang gamitin ang mga iyon "Huwag, Dalawang Procyon Officer at isang batalyon ng Procyon Soldiers na tong naka-korner sa tin, kung gusto nyong maagang mawala guys, nasa inyo na yan, pero ako gusto ko pang mabuhay!" Sabi ko na medyo nabibilaukan pa.


"Mahusay na pagpili ginoo" Anas ng FA na nakatutok ang palaso sa aking mga kasama "Ngayon mga Kasama" na ang tinutukoy ay ang isang batalyon ng Procyon na nasa likod namin, handang-handa na kami'y paslangin "Maari na kayong bumalik sa inyong mga posisyon, salamat sa pagtugon sa aming panawagan"


"Wala pong anuman Officer eni666" Sagot ng tumatayong komandante ng mga mandirigmang Procyon na tumutugis sa amin. Ang mga ito ay agad na umalis matapos ng makailang batian at pagbatok sa min.


Nang makasigurong wala na ang mga mandirigmang Procyon ay Agad kaming pinawalan ng Dalawang Officer "Sa palagay ko ay ligtas na kayo sa tiyak na kapahamakan" Tinago na rin ng dalawa ang kanilang mga sandata. "Pero pag nanatili pa tayo sa pasilyong ito malamang may makahalata sa ginawa kong ito kaya pumasok muna kayo sa kwartong iyon" ang tinutukoy nya ay ang kwarto sa likod ng Lalakeng Officer na kanina pa nakatahimik at di umiimik, bagkus ay umalis lang sa harap ng pinto na tinutukoy ng Babaeng Officer na tinatawag nilang Eni666 "Pasok na!" Pasigaw nyang sabi.


Sumunod na lang kami at pumasok sa silid na kanyang tinuro. Pagsara ng pinto ay saka ko na lang sya inalok na makipagkamay "Maraming salamat." At inabot nya ang aking palad. "Hindi problema yon, alam ko namang gusto nyo lamang iligtas ang kaibigan nyong ito" tinuro nya Containment Chamber na sa kalagitnaan ng kaguluhan ay nalimutan naming kunin at pakawalan ang laman na si Bradice "Anak ng Patis! Naiwan pala natin si Bradice dun!"


"Paano naman natin sya makukuha dun? Eh nagmamadali kang umalis dun sa kwarto pagtunog ng alarma, alang namang magpaiwan kami dun at maging Potapeteng nakorner diba?" Sagot pabalang ni Resty.


Napatango na lang ako at sinabing "Sabagay" hinarap ko uli ang aming mga tagapagligtas "Bago kami makalimot at tumalikod na lang basta" nang mapansin kong ni wala man lang ginagawa ang mga kasama ko at nagtsi-tsismisan lang sa tabi ay agad kong tinawag ang kanilang atensyon "Baka gusto nyong gamitin to" binato ko ang Key Card kay Resty "para pakawalan si Bradice noh?" binalikan ko ang dalawang Procyon Officer nang makita kong ginagawa na nila ang iniutos ko sa kanila "Anu pong mga Pangalan nyo at bakit nyo po kami niligtas? May malalim po bang dahilan?"


Ang masayang ngiti ng babaeng Officer ay nawala at napalitan ng isang ekpresyong blangko at walang emosyon "Ang Pangalan ko ay hindi na mahalaga, pero maari nyo akong tawagin bilang 'Ate Eni' at ang Officer na kanina pa tahimik ay ang Fiance ko na si switchild, maari nyo na lang syang tawaging 'Kuya Swit'"


Matapos nito ay humakbang sya papunta sa pinto, ng nasa pintuan na sya ay humarap syang muli sa akin at tumikhim bago sumagot "Dahil alam kong nasa inyo ang pag-asa para matigil na ang walang kwentang digmaan na ito. Kayo ang natitirang ilaw sa mundong ito na nababalot na ng Dilim." Umalis na sya sa tapat ng pinto nang makitang napakawalan na si Bradice at ina-asistihan nang tumayo ng mga kasama ko.


Nang lalabas na kami sa Pintuan ay hinawakan ako ni Eni sa aking Braso sabay sabing "Eto na ang una't huling beses na tutulungan ka namin sa balak mong iligtas ang Nevareth. Hindi ko isusugal ang Buhay ko para lang sa inyong adhikain."


Tinignan ko sya ng Mata sa mata at sinabing "Makakaasa ka ate Eni" matapos non ay lumabas na kami ng silid na iyon matapos kunin ang mapa ng Tempesta Rosa na pasimpleng inabot ni Eni habang papalabas kami ng silid na iyon.


~Capella's POV~
*Green Despair: Abandoned Observatory Post*


"Paano ba to? Ayaw nya talagang Bumigay?" Tawag nya sa Wizard na kasama nya. Kanina ko pa pinahihirapan ang Force Archer na to, Battle Mode, Combo, Debuffs, pero ayaw talagang bumigay at magsalita tungkol sa mga kasama nya.


"Tsk! Akala ko magiging madali tong ginagawa natin, Hindi rin pala!" Nakakuyom na ang kamao ng Wizard na kasama ko.


"So Tuluyan ko na to?" Naka-ngising turan nya sa Wizard.


"Isa na lang, kapag di pa rin nagsalita, Putres, Pinapaubaya ko na sya sa yo, nak ng nakakapagod na ring mag-SP para makapag-BM ka ng walang patid pangto-torture dyan!" Reklamo ng WI na nakabantay sa pinto para makita ang kung sino mang maliligaw na magtangkang pumasok sa kinaroroonan nila.


Gumamit uli ako ng Force Enchanter Battle mode bago ko uli lapitan ang Force Archer na parte ng Grupo ng 'Emisaryo' "Huling Beses ko nang uulitin, Paano nyo nakuha ang kapangyarihan nyo?"


Gamit ang hiningang pilit na pinanatili ang isang lihim, sumagot sya ng "Mamamatay muna ako bago ko isiwalat ang lihim ng aming lakas!"


"Kung gayon iha, magpaalam ka na sa Nevareth at sa mundong iyong pinaggalingan!" At isang Blade Shooter ang kanyang pinawalan, na nag-alis ng natitira pang buhay sa Force Archer na kanilang kinukunan ng impormasyon.


*End of [S4/C4] Di Inaasahang Tulong*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon