~Chris POV~
Matapos ang malakas na Hiyawan ng mga manonood, agad kong nalaman ang bagay na aking nagawa ilang sandali pa lang ang nakakalipas. I've Kissed Sofia! At hindi lang iyon isang simpleng Halik, isa iyong masuyong halik. Si Sofia sa Kabilang banda, ay parang nakawala sa pagkakaalipin sa Ehipto ang hilatsa ng mukha. Malamang ay gulat pa rin sa nangyari si Sofie.
Ako naman ay hinahanap ang dahilan ng mga nagawa ko. Kinapa ko ang damdamin ko, wala. Blangko ito sa mgaLangyayari. Hindi nya maipaliwanag kung paano ko nagawa iyon. Lahat ng anggulo ay inalisa ko nang mabuti. Nang sa isang iglap ng alaala, May bumulagang isang ideya sa utak ko na sya "raw" dahilan ng nagawa ko.
Dahil daw iyon sa Galit at Selos. Nagtataka nga ako kung bakit yon ang nahugot kong pangunahing dahilan sa mga nagawa ko kay Sofie eh. Ngunit nang sinukat ko ang posibilidad na tama iyon ay Halos pasok ang lahat ng mga aksyon na ginawa ko sa lugar na ito.
Una, Galit. Siguro natutunan ko na syang kamuhian matapos ng insidente ng JS Prom. Matapos nya akong ipahiya, ano pa ba ang kasunod na maari kong madama para sa kanya. Marahil ay hindi nagkaroon ng puwang ang Galit sa puso ko noon, dahil sa mga sumunod ng mga Langyayari sa JS na yun. Ngunit ang realidad na na hinahanap nya ako ngayon at nasundan pa rito ay Hindi ko maiwasang maiirita. Ano pa ba ang Gusto nya matapos nyang sirain ang Buhay ko. At ngayong nakabangon na ako sa pagkabigo ko sa kanya saka sya lilitaw. Bakit? Ano ang rason ng kanyang paghabol sa akin? Ipapamukha nya kung gaano ako ka "Husay Humalik" with matching sampal uli, just like the last time?
Ikalawa, Selos: Oo! Nagsaeselos pa rin ako sa "Unidentifeid Boyfriend" Nya na tumalo sa akin sa Duel noon. Kung tutuusin, nais ko pang paluhurin sa harap ko ang Wizard ni Regine na si "CrypticRage" kasama ang Lintik nyang Piloto na BF nya rin. At nang magkita kami ang unang impulse ko ay Batiin sya at the same time, Sampalin sya. Ngunit taliwas naman sa ideolohiya ko ang manakit na isang babae, may kasalanan man sya sa akin o wala.
At ang dalawang damdamin ang lumukob sa akin para gawin ang bagay na wala man lang akong alam kung paano simulan o tapusin. Ang isang makapigil hinigang Halik. Bwiset naman! Bakit pa kasi sa dami ng lugar dito pa bumigay ang depensa ko sa natural na karisma ng Sofie at Emosyong biglang dumaloy sa aking sistema. Wala na akong nagawa para pigilin ko pa iyon.
Sa haba ata ng Nilakbay ng isip ko ay hindi ko na napansin na naubos na pala ang "Audience" namin. At si tadhana ay hindi pa ata tapos sa paggawa ng mga "Sorpresa" para sa akin ngayon. Ang latest addition sa mga "Sorpresa" nya ay isang Sampal. Sampal na mula kay Sofie. Isang sampal na gumising sa aking Depensa at isang babala na dapat ko nang ibalik ang Maskara na natanggal sa nagawa ko kay Sofia. May kasama pang mga Luha nya ang kamay na ipinangsampal nya sa aking kaliwang pisngi. Nakita rin ni Bradice ang Ginawa ni Sofia. Sa Sobrang pagkagulat ay wala itong nagawa nang lumapat ang Kamay ni Sofia sa Mukha ko;
Sofia: *hindi na napigil ang luha* Bakit mo nagawa yon? Hindi mo ba naisip na nagmukha akong katawa tawa kanina dahil ikaw ang First Kiss ko?
Lightning Strikes! Twice! Kay pala pareho kaming nangangapa sa ginawa namin kanina.............
Sofia: *malakas na pagalit, hindi na nya ininda ang dami ng tao sa mall* Bakit niloko mo ako? Akala ko mabait ka, Oportunista ka pala eh. *tumalikod sya*
Chris: *pinigil ko sya sa pamamagitan ng pagkapit sa braso nya, matapat akong nagsalita* Look, Alam kong mali ang ginawa ko sa yo, pero wag mo sana akong husgahan dahil doon. Hindi ako masamang tao or isang oportunista. *nag-iwas ng tingin at sa mahinang tinig nagpatuloy* Sinunod ko lang ang sinabi ng puso ko. I'm Sorry kung nasaktan kita. At Please wag mo nang hayaang tuluyang sumara ang puso ko sa pag-ibig. *tinignan kong muli sya sa mata at binitiwan na ang braso nya* Marami na akong nagawang mali sa Buhay ko, sana wag mo na akong bigyan ng dahilan para dagdagan ko pa iyon
Matapos noon ay Umalis na rin ako. Wala na talagang magmamahal sa akin. Kahit ang mga panaghoy ni Bradice para bumalik ako ay Hindi ko na pinansin. Kailangan kong mapag-isa.........
~Sofia's POV~
Tumigil ang pagtulo ng mga luha ko sa mga huling kataga na nabaggit nya. "Marami na akong nagawang mali sa Buhay ko, sana wag mo na akong bigyan ng Dahilan para dagdagan pa iyon" Ayon sa kanya. Parang sulyap na iyon sa masalimuot nyang nakaraan. Paano sya nakadama ng ganoong sakit kung pati sya ay Wala pang karanasan sa Pisikal na aspeto ng Pag-ibig......
Bradice: *sinamahan si Sofia na tignan ang paalis na pigura ni Chris* Gusto mo bang malaman ang Dahilan kung bakit sya nagkaganoon?
Ang tanong na iyon ay parang Susi sa isang Misteryosong kahon. Isang lihim ang mabubunyag kapag pinili nyang buksan iyon. Pero may posibilidad na kamuhian sya ni Chris kapag nalaman nya iyon. Ngunit ang kasama ko ay ang Bestfriend ni Chris noong nasa High School pa lamang ito. Masyadong nakakatakam ang inaalok nyang "Katotohanan" sa pagkatao ni Chris. Dapat ko nang sunggaban ang pagkakataong ito.
Sofia: *pinunasan ang natitirang bahid ng luha sa mata nya* O-o-oo.
Bradice: *hinawakan ang kamay ni Sofia* Kung ganon ay Sumama ka sa akin
At dinala nya ako sa Sakayan ng Jeep papunta sa Lugar ng pinagsimulan ni Chris, ang Signboard ng Jeep ay sinasaad ang Ruta nyang patungong "Francisco-Tungko-Gumaok". Sisimulan ko nang alamin ang nakalipas ni Chris para makilala sya ng Lubos.
*End of [S2/C6] Pagkakamaling Hindi na Pwedeng Ituwid*
BINABASA MO ANG
Buhay ng CABALista: A Journey of Love and Hatred
FanfictionThe Original Story from CABAL Online PH Forums, Two worlds collide in this Fan Fiction, based on the Massive Multiplayer Online Role-Playing Game (MMORPG), CABAL Online. Witness and unravel how Chris discovered the world that was known as Nevareth...