[S2/C12] Sugat ng Kahapon

17 0 0
                                    

Regina: I'm sorry.

Chris: Pasensya na.

Sabay pa kaming nagsalita. Pareho pang nanghihingi ng kapatawaran. Di ko rin alam kung anung pagpapatawad ang hinihingi nya, dahil kung tutuusin ay ang dami nyang kasalanan sa akin, sobrang dami di ko alam kung paano sya patatawarin sa isa man lang sa mga iyon. Dahil........ Ah basta alam ko kung anu ang ihihingi ko ng "Sorry" sa kanya, at yun ay ang paninisi ko sa kanya na set-up ang nangyari sa SM noon. Yun lang......... yun nga lang ba?

Chris: *patay-malisya* Bakit ka humihingi ng Sorry? Wala ka namang Kasalanan sa akin ah.

Regina: *blangkong expresyon pero nangangatog ang boses* Wa-wala ba?

Chris: *tumalikod at may diin na nagpatuloy* Wala! Maliban sa hindi mo pagtitiwala sa kin at sa pagmamahal na iniaalok ko noon. Sa maling paghusga mo sa mga nangyari noong JS Prom. At sa marami pang dahilan kung bakit ako naging ganito ka-miserable ngayon.

Alam kong mali nanaman ang ginagawa ko. Pero oras na para mailabas ko lahat ng sama ko ng loob. Sama ng loob na patuloy na nagiging dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagiging lubusang masaya. Dahil hanggang ngayon ay nakakulong pa rin ako sa isang lihim na silid na ako ang gumawa. Ginagamot nang pilit ang sugat ng kahapon nang mag-isa. Na ang dapat pala ay hinihingi ko ang tulong ng iba. At harapin ang nagbigay ng sugat na iyon, kapag kaya mo na. Pero ang malaking tanong rito ay kung kaya ko na ba talaga. Ngunit ngayon pa ba ako matatakot, kung kailan nasa harapan ko na ang pagkakataong masarahan ang lahat ng mga sakit na aking nararamdaman, sa pamamagitan ng pagharap ko sa kanya. Heto na rin naman ako eh, itutuloy ko na ang nasimulan. Haharapin ko na sya.

Regina: Oo alam kong ako ang dahilan kung bakit ka nagkaganyan. Pero sana ay---

Chris: *Pumihit paharap para salubungin at mata ni Regine* Ano? Pakinggan ang mga paliwanag mo?

Doon ko lang napansin na naluluha na pala sya. Pilit nyang pinipigil pero umaagos pa rin. Nakatayo pa rin sya sa may bandang pintuan, pero ngayon ay nakasara na iyon. Noon ko lang napansin na Naayos na pala ang lugar at ang mga pinto at bintana ay nakasara nang lahat, sa siwang lang ng mga iyon tumatagos ang liwanag ng araw.

Regina: Bakit hindi? Tuluyan mo na bang isinara ang puso mo sa akin? Hindi mo na ako kayang mahalin muli? Or at least man lang ay mapatawad mo ang mga nagawa kong mga kasalanan sa yo?

Nagulat ako sa tanong nya, bagay na hindi ko inaasahan ang narinig ko mula sa babaeng ito na naging dahilan para iwasan ko ang mga mata nya. Mahal raw nya ko? Kailan pa?

Chris: Bakit kailangan mo pang malaman ang sagot ko sa mga tanong mong iyan? Matagal ko nang alam na hindi mo ako nanaising mahalin, kahit na ako na lang ang natitirang tao sa mundo! Diba ikaw rin mismo ang nagsabi dati sa akin?

Regina: Oo ako nga ang nagsabi sa yo nyan. Pero malinaw naman ang Sinabi ko ah. Mahal kita. Hindi na ba pwede?

Chris: *palabas ng pinto* Hindi na! Dahil may mahal na akong iba. Huli na para mahalin mo ako. Tapos na tayo *hawak na ang bukasan ng pinto nang biglang humarap uli* at Kung tungkol sa mga kasalanan mo sa kin, We're now Squared. Wag ka na lang magpapakita pa uli sa kin, least sa Date pa namin ng GF ko. Mahiya ka naman.

Talagang balak ko nang umalis. Dahil di ko alam kung hanggang kailan ko pa maitatago ang katotohanan sa babaeng ito. Palabas na ako ng pinto ng narinig kong tinawag nya ang pangalan ko, ayoko sanang humarap pero may kakaibang lamig ang hangin na umihip at di ko napigilang mapalingon sa kabilang direksyon. At eksaktong pagharap ko........ A Storm of Emotions Suddenly Popped in my heart. Ginawaran nya ako ng isang Maikling halik, halik na muntikan ko nang ikamatay sa sarap. Gaano ko katagal pinapangarap na matikman ang labing iyon. Bakit napakabilis matapos noon.........

Regina: *umupo sa isa sa mga upuan* Yan na lang ang magagawa ko para ipakita na mahal kita talaga, at dahil huli na ang lahat para may masimulan pa tayo *inunan ang mga braso na inilagay nya sa Armchair, humihikbi* Yan na rin ang huli. Paalam.

Paglabas ko sa kawrtong iyon ay parang nakakita ako ng isang kaganapang matagal nang tapos. Si Bradice, may kasama nanaman, na isang babae, Si Sofia. Nakita nya kaya ang nangyari. Nevertheless, sinama ko na lang siya paalis. Hindi naman sya tumutol. Marami akong dapat gawin para sa kanya, marami akong pagkukulang kay Sofia. Dapat na akong bumawi sa kanya............

~Regina's POV~

Nagawa ko na ang lahat para maipaalam kay Chris na mahal ko sya. Pero mu~g wala na talagang pag-asa na mapatawad pa nya ko, least mahalin pang muli tulad ng pagmamahal nya sa akin noon. Kung kaya ko lang ibalik ang nakaraan, noong sobra pa ang atensyon na ibinibigay nya sa akin, mga panahon na napaka-vocal nya sa feelings nya sa kin. Wala na yon. Ang nandito na lang ay isang Christian na Kinalimutan na may isang Regine sa Mundo na minsan nyang minahal. Dahil ako ang dahilan kung bakit sya nagdusa noon. Isang kamay ang humaplos sa ulo, kala ko si Chris iyon. Nag-angat ako ng tingin, si Bradice pala. Ano kaya ang kailangan nya?

Bradice: *kalmado* Gusto mo ba talagang patawarin ka ni Chris?

Regina: *pinunasan ang luha* O-oo

Bradice: *ngumiti* Good. Dahil kilala ko si Chris, at mahal ko si Sofia kaya dapat lang na matutunan na ni Chris na ipaglaban kung ano ang nararamdaman nya, yung totoo.

Naguluhan ako sa sinabi ni Bradice. Pero alam kong may ibig syang ipahiwatig tungkol kay Chris. At dahil roon ay pumayag akong samahan sya para sa isang hapunan, para pag-usapan ang ilang bagay-bagay, na kung anuman ay dapat ay makatulong para malaman ni Chris na para kami sa isa't-isa.

*End of [S2/C12] Sugat ng Kahapon*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon