[S4/C3] Impostor

8 0 0
                                    

*Chris's POV*
~Tempesta Rosa: Battle Archives Room~


"Dito tayo" pagkatapos ilagay ni Procyon ang Tamang Code para mabuksan ang kwarto kung saan sya huminto ay pinapasok nya kami "Huwag kayong mag-alala, walang nakatagong patibong dyan Strike, Tanging mga Datos lamang ng mga 'Misyong Pandigma' at ang 'Containment Unit' ni suzuka07 ang naririto" Paniniguro nya sa amin, dahil wala naman kaming pagpipilian kundi ang sumunod ay pumasok na kami sa kwartong iyon, kahit na labag iyon sa aming nais.


Malawak ang Kwartong iyon, hindi ko rin lubos maisip na ganito ito kalaki, puno ito ng mga Damit pandigma ng Procyon Confederation, ang ilan ay malilinis at bago pa ang ilan ay mga halatang bugbog na sa sira at nakatambak na lang sa ilang Steel Chests. Marami ring mga Monitor sa Kwartong ito na nakaharap sa isang mesa, na puno ng mga papel at mga kung anu-anong aparato. Umupo si Procyon sa upuan na nakaharap sa mesa at saka muling nagsalita "Umupo kayo, nais kong matiwasay tayong mag-usap".


"Saan?" Blangko kong tanong sa aking kausap.


"Oo nga pala, nalimutan ko" Humarap syang saglit sa mesa kung saan noon ko lang napansin na may Hologram Keyboard pala at may tinitipa si Procyon, matapos noon ay may lumitaw na mga upuan malapit sa aming kinatatayuan. "Hala sige umupo na kayo." Magalang nyang pag-anyaya sa amin.


Masama na ang kutob ko sa mga nangyayari, kilala ng lahat sa Nevareth si Procyon bilang isang Leader na walang pinipiling oras o lugar para isagawa ang kanyang mga plano, at hindi rin sya mahilig sa mahabang diskusyon o usapan na gaya ng nangyayari ngayon. Hindi rin sya nagpapaunlak ng bisita sa kanilang Airship. Ngunit sa takot ko na may mangyaring masama sa aming grupo at pati kay Bradice, nanatili akong tahimik na nagmamasid, dahil ang aking mga kasama ay wala pang napapansing kakaiba. Para walang makahalata sa aking mga napapansin, ako na ang unang nagbato ng katanungan "Nasaan na ang kasama ko, sya lang ang dahilan ng pagpunta namin dito, hindi ako maaring magsayang ng oras sa balwarte mo Proc para lang ipagkaloob ang aking sarili sa yo" Deretsahan kong saad, mata sa mata sa aking kausap.


Sa tono kong iyon, ay napatayo sya, at lumapit sa akin "Huwag kang mag-alala, Emisaryo, ayoko ring sayangin ang oras ko sa pakikipag-usap sa inyo" Kinapa nya ang kanyang Bulsa at nilabas ang isang Swipe Card "Eto ang Swipe Card Key, para mabuksan ang 'Containment Unit' ni suzuka07" Matapos noon ay umupo siyang muli sa kanyang silya at kumuha ng ilang pirasong papel na nakatambak sa mesa nya bago magpatuloy sa pag-uusisa sa amin "Pero bago ko ibigay sa inyo ito, ay may ilan akong maiikling katanungan na sana ay sagutin nyo nang malinaw, nang pare-parehong di masayang ang mga oras natin".


"Sige lang, basta kaya namin at alam namin ang sagot sa mga itatanong mo manong!" Sambit ni Resty.


Natawa si Procyon sa tonong parang nagpipigil ng galit "Matabil ang dila mo iho, kung aking nanaisin ay nakuryente ka na sa kinauupuan mo, pero sige, palalagpasin ko ang mga komento mo" Tumingin saglit sa papel nyang hawak si Procyon at dagliang nag-angat ng tingin sa amin "Ayon dito sa datos na hawak ko, galing ang grupo ninyo sa 'Isang Mundong gaya ng sa amin, ngunit ang Lakas ng 'Force' ay hindi ninyo magamit, tama ba ito?"


"Oo, tama ka Procyon" Sagot ko


Tumango sya na parang nag-iisip "Magaling, magaling, ikalawang katanungan, Paano kayo nakarating dito sa aming mundo?"


"Yan ang hindi ko masasagot Proc, dahil pati ako ay nalilito pa rin sa bilis ng mga kaganapan sa buhay ko nitong mga nagdaang buwan"


"Ganon ba? Huling Katanungan, Handa na ba kayong malibing ng Buhay sa lugar na ito?"


"Hindi Procyon, dahil Alam na namin na yan ang Plano mo simula't simula pa lang" Pumitik ako gamit ang aking kanang kamay, at awtomatikong tumango si Resty.


"Kung gayon....." Sinubukan nyang tumayo, pero hindi nya magawa dahil nakatali na ang mga paa nya sa lupa na parang may naapakan syang Super Glue "Anong..... Paanong....?!?!?".


"Slow hands ka Proc, Slow Mind din" Tumingin kay Resty na kanina pa pala naka-1st Battle Mode ng Force Blader "Nice one tol, paki-Mana Freeze na rin, nang hindi na makapalag pa ang isang to".


Kumindat sya nang nakakaloko, sabay banat ng "Sabi mo eh, Enhanced Mana Freeze! Greater Excretion!"


"Kung hindi mo naitatanong, Libre ang Mailing System pag walang item na nilalagay, Ginamit ko ang oras ng paglilitanya mo para makagawa ng Written Command sa mga kasama ko dahil sa simula't simula pa lang ramdam ko nang hindi ikaw ang tunay na Procyon, masyado kang na-atat na i-frame up kami dito impostor!" Pinalibutan namin ang walang labang Pekeng Procyon para wala na syang mapuntahan pagkatapos ng oras ng paggiging epektibo ng mga sumpa mula kay Resty. "Shadow Shield nga Waren" At nag-SS nga ito "Yan, safe na tayo, oras na para malaman kung sino to, Hindi ka aamin kung sino....." Kami naman ang natigilan ng biglang mawala ang balatkayo ng Impostor "Bangis!"


"He he he, huli na ang lahat, kung inaakala nyo na ako ang napakagat nyo sa pain ninyo, nagkakamali kayo, oh ayan na ang susi, Pero tandaan nyo, ang Lahat ng Bagay ay may kapalit. HAHAHAHA!!!!"


Sinuntok ko sya sa tiyan, malakas, napa-buga sya ng dugo "Anung ibig mong sabihin, ANO!!!"


"Ang Mata ng Agila ay sasara matapos itong kunin ng Aking Pinuno, ugh....." At nawalan na ng malay ang impostor ni Procyon. Mula sa bulsa ng kanyang Damit pandigma ay nahulog ang isang Kakatwang Bato "Pare, may nalaglag sa kanya!" Dinampot iyon ni Waren, na syang unang nakapansin sa liwanag na nanggagaling sa batong iyon. "Pare di ko mabasa kung anong nakasulat, pwede pakibasa to? Di ko talaga ma-gets eh" nakasulat sa bato ang X: 49, Y: 224 Green Despair na Coordinates.


"Ang ibig nyang sabihin....." ay isang Frontier Stone ang hawak ni Bangis at may naka-encode na ditong coordinates. "Bilisan nyo, Resty, Patulugin at Itali nyo yan, para di makawala at makahingi ng Resbak, Kailangan nating pumunta sa Coordinates na nasa Batong nakita ni Waren! Ngayon na mismo" Utos ko sa mga kasamahan ko.


Paglabas na paglabas ng mga kataga na iyon sa aking labi, ay biglang may tumunog na alarma, kasabay ng mga maiingay na yabag ng mga mandirigmang papalapit sa aming kinaroroonan "Ang tanong ay paano?" Puno ng pag-aalala na tanong ni Sofia.


"Simple, Pupunta tayo sa Lobby ng Airship na ito saka gagamitin ang Frontier Stone na nakuha natin, ang malaking sakit ng ulo ay ang mga Kampon ni Procyon na susugod papunta dito, dapat natin silang matakasan".


Lumabas na kami ng silid na iyon at paglingon ko sa kanan ay isang Batalyon ng mga Procyon Fighters ang papalapit sa amin. "TAKBO!!!!" Tumungo kami sa kabilang direksyon, di alintana kung saan kami dadalhin ng aming mga paa, ang mahalaga ay mailigaw namin ang mga kalaban na ito at makarating kami sa Airship Lobby bago nila kami mapalibutan.


*End of [S4/C3] Impostor*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon