[S1/FC] Ang Hinaharap na Walang Direksyon

34 0 0
                                    

A/N: FC means Final Chapter :)

-----------------------------------

Kinabukasan ay Natapos na ang mga obserbasyon ng mga Doktor sa kalagayan ko. Maari na raw akong umuwi, pero dapat daw na inumin ko ang mga niresetang gamot sa loob ng isang linggo at ituloy ang pahinga ko. Iwasan ko daw ang mga matataba at malalansang pagkain at iba pang bilin. Matapos nito ay Sinalubong ako ng dalawang tao sa Pintuan ng Ospital. Nahihirapan akong kilalanin kung sino ang mga iyon dahil sa liwanag sa labas na hindi pa makasanayan ng mata kong sensitibo pa raw, ayon pa rin sa mga doktor. Maabagal din ang aking mga hakbang sa pag-aalalang baka ako'y mabinat, Mahirap na at baka kalalabas ko lang eh mapasok uli ako sa Ospital na ito.

Nang sa wakas ay nakilatis ko na ang dalawang nasa pinto, di ko inakalang mga Miyembro ng "FOURum Four" ang sasalubong sa akin, at lahat pala sila ay Present, may tago effects lang ang isa. Agad nila akong tinulungan;

Bradice: *pumuwesto sa kanan ko at inilagay ang braso ko sa balikat nya* Wow, pare di ko akalain na ganito ka kabigat, wag mo namang ibigay lahat ng bigat mo sa amin, baka kami naman ang ma-Confine dyan! *pagak na tawa*

Waren: *Sa kaliwa naman pumuwesto, ginaya nito ang ginawa ni Bradice* Oo nga naman, ayoko pang gastusan ako ng malaki ni Bradice, baka singilin pa ko nyan! *sumegunda ng tawa*

Resty: *pumuwesto sa likod ko, sinimplehan ng batok ang dalawa* Ano ba kayo, sabi ng Doktor bawal daw ang isa pang Emotional Shock kay Chris, baka raw matuluyan to. *ginulo pa nya ang buhok ko*

Chris: *nalito sa nagaganap* Teka, ang sweet nyo naman, bakit nga pala kayo ang sumalubong sa akin?

Nag-iwas ng tingin ang lahat sa akin, may masama pa atang "Sorpresa" sa bahay, pero ano pa nga ba ang dapat kong asahan? Heroes Welcome? Eh tumakas nga lang ako para makapunta sa JS tapos sa Ospital pa ako bumagsak! Tiyak mga 1 hanggang 2 oras na Sermunan ito. Binasag ko ang katahimikan;

Chris: *nalukot ang masayang mukha ko* Ah, I get it, isang umaatikabong "Sermon to the Beyond Godlike" level ang nag-aabang sa akin sa house at kaya kayo ang mga Sumundo sa akin ay para sumaya naman muna ako ng konti tama ba?

Waren: *iwas pa rin ang mata* ah, eh kuwan, ganito kasi yon-----

Bradice: *pinigil ang pagsagot ni Waren, mu~g alam nito na dudulas ang dila ng "Pari" ng grupo* Ako na Waren, bawal ang biglaang Bad News dito sa Kaibigan natin to. *huminto sya sa isang Bench sa ilalim ng puno at umupo, sumunod kaming lahat* Ok half true ang hula mo, pero hindi mo ngayon makukuha ang "Escape Reward" mo kahit papaano naman daw ay ayaw nilang maging kargo pa ng konsyensya nila kung bakit ka mamatay *Lihim at pabulong na nagmura at alam ko kung sino ang Target nun* Anyways binalak ng tatay mo na bayaran ang ginastos ko *ipinakita sa akin ang Hospita Bill, at di ako nagulat na 5 digits ang suma total noon* sa pagpapagamot sa yo - kahit na kalahati - pero di ko na tinaggap, alam kong gagamitin lang nila yun na bala para mdagdagan ang Panlalait nila sa yo. Wag kang mag-alala di naman nila alam ang "Totoong Dahilan" pagkakaospital mo, so safe ka pa rin. So uwi na ba tayo, Chris? *pinakiramdaman nya ako kung nainis ako sa balita*

Chris: *blanko ang tinig at ekspresyon* Sige, tutal nasa labas na ako ng Ospital, wala nang atrasan to. Salamat nga pala sa lahat ah *tinignan ko silang lahat* Lalo na sa yo Brad, paano kaya kita pasasalamatan?

Bradice: *ngumiti ng nakakaloko* Simple lang, Ikuwento mo sa amin habang pauwi tayo kung paano mo nahalikan ang Chickas na yon. Pare astig yon? Haba pa naman ng Biyahe, Rush Hour *tumingin ito sa relo nya 6:00 na ng Gabi*

Chris: *itinaas ang kamay, mock surrender* Fine! May magagawa pa ba ako? *pero tumatawa na sinabayan ng ng lahat*

Pinagbigyan ko sila habang sakay kami ng Jeep pauwi, pero wala sa kwentuhan namin ang isip ko. Nasa ibang dimensyon iyon. Inaanalisa kung saan ako magsisimula? Saan nga ba? Marami akong dapat ayusin kung may balak akong pumasok ng Kolehiyo sa Pasukan sa Hunyo. Isinantabi ko muna ang alalahanin na iyon, may oras pa ako para maging masaya, bago ko tahakin ang bukas na wala rin namang saysay. Huling araw na ito ng Kaligayahan ko, pero may bigla akong naalala na nakalimutan kong ibilin kay Bradice kahapon, itinanong ko iyon;

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon