[S3/C8] Pagsubok sa Lakas ng Emisaryo

14 0 0
                                    

~Chris's POV~

*Undead Ground In Front of Entrance to the "Exillian Volcano"*

"Anong ibig mong sabihin Strike?" Tanong ko sa tinig sa loob ko. Dahil alam ko namang sya lang ang pwedeng kumausap sa akin sa Patay na lugar na ito.

"Tumingin ka kasi sa Harap mo! Wag mong paglakbayin ang utak mo ng matagal." Babala nya. Pero huli na dahil naririnig ko na ang tinig ng mga Death Guards. At base sa lakas ng Hiyaw nila batid kong malapit lang sila. Hindi nga ako nagkamali. Isang pulutong nila ang nakapalibot sa amin. Sa dami nila, hindi ko na makita ang daan. Walang isang segundong nakalipas, sinugod nila ako. Agad kong isinalag ang aking malaking espada. Ikinagulat ko pa ng akin iyong nabuhat at naisalag sa aking sarili ng ganoon kadali.

(Note: Dahil sa "Soul Fusion" Ang naging katawan ni Chris sa Mundo ng Nevareth ay ang Katawan ni StrikeForce54. Napunta rin sa kanya ang lakas ni Strike. Pero ang ka-arogantehan ni StrikeForce ay napasakanya rin. Ang Kaluluwa nila ay Hindi pa rin ganap na nagsasanib. Kaya dalawa ang Personalidad ngayon ni Chris)

"'Wag ka nang magulat. Sundin mo na lang ang isip mo. Hindi tayo mapapahamak kung gagamitin mo ang Experyensya na nakuha ko sa pakikipaglaban!" Hiyaw ni Strike. Matapos niyon, hinayaan ko na lang na magpasya si Strike kung paano lalabanan ang mga Halimaw na pumaligid sa amin.

Halos lahat ng Abilidad ng mga Warriors ay pinakawalan nya. Isa kada isa, nagsisistumbahan ang mga halimaw. Pero sa kada isang tutumba, tatlo ang pumapalit. Kahit ang pagre-rebuffs ay hindi nya magawa.

"S***! Talaga naman! Hindi ba talaga mauubos tong mga to?" Tanong ni Strike sa kawalan. Ang mga bagong labas na mga halimaw ay hawak ang kanilang mga maso, unti-unting lumalapit. Handa na silang Sumugod. "Palagay ko hindi ko na maiiwasang Gamitin pa to." Seryoso nyang wika. "Second Battle Mode, Lancer!" Pinaikot nya ang Espada na parang isang Tyako, matapos noon ay itinusok nya iyon sa lupa. Pagbunot nya noon mula sa pagkakatarak sa lupa, iyon ay naging isang Karit.

Matapos noon ay nagdilim ang buong paligid ko...

~Jennifer's POV~

*UG, Near the Entrance of the "Exillian Volcano"*

Halos nalibot ko na ang buong Undead Ground at ilang ulit ko nang nabalikan ang Entrance ng Exilian Volcano. Wala namang kakaiba. Maliban sa nakikita ko ngayon. Isang Warrior ang nakikipaglaban sa Isang Pulutong ng Death Guards sa Entrance ng Exilian Volcano. Pero sa sitwasyong nakikita ko. Parang talagang lugi ang Warrior. Dahil sa walang habas na Respawn ng DG dito, at mawawala na rin ang Kanyang Second BM. Dahil di ko pa naman makita si Strike, ay ipinasya kong tulungan ang Warrior na iyon.

Lamang ay hindi lang pala sya isang Ordinaryong Mandirigma ng Nevareth...

Sya pala si Strike.

*End of [S3/C8] Pagsubok sa Lakas ng Emisaryo*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon