May isang pamilyar na boses na dumagundong mula sa kawalan, isang tinig na nagpaalala sa akin ng Dahilan kung bakit ako nandirito sa lugar na ito. Tumikhim uli si Bradice nang hindi pa rin ako matinag sa ginagawa kong eksena. Wala ni anomang kulay sa mukha nya, kahit dugo ay parang nawala sa kanyang sistema. Gusto ko sana syang asarin, kantiwan na hindi lang sya ang kayang makagawa ng ginagawa ng isang ordinaryong tao - ang makipaghalikan - pero nang maaninag ko na kung sino ang kanyang kasama - at iyon malamang ang "Sorpresa" nya sa akin - ako naman ang nawalan ng kulay, natulala at parang sinampal ng makaisang milyong ulit.
Hindi! Hindi ito maari!!! Bakit ngayon pa?!?! Kung kailan nakagawa ako ng isang kataksilan sa pagmamahal ko sa kanya? Bakit ba hindi ko ito nakitang paparating? Kung kailan pa ako binigyan ng pagkakataon ng Diyos para maranasan ang isang bagay na kahit kailan ay hindi ko maaring magawa sa kanya at saka naman nya ako nakita sa ganoong gawain? Hindi ba talaga ako pwedeng lumigaya kahit na sandaling panahon lang???
Napakarami pang tanong na bumubulabog sa akin nang bigla akong Sinugod ni Regine. Napupuno ng galit ang mata nya at parang naging pamilyar sa akin ang nasabing tagpo, hindi ko lang maalala kung saan.......
At wala ni isang bakas ng pagsisisi, isang sampal ang kanyang iginawad sa Kanang pisngi ko, at sa lakas ng sampal na iyon ay napahiga ako sa sahig at umatras ng ilang metro. Sapat na iyon para lumikha ng ingay na nakakuha ng atensyon ng lahat ng Tao sa JS. Agad nya akong pinaulanan ng masasakit na salita;
Regina: *galit na galit na hinawakan ang parteng leeg ng damit ko* Ang kapal ng mukha mo! Pinapunta pa ako ni Bradice dito para lang maipakita nya sa akin ang "Sorpresang" inihanda mo sa akin, pero ano tong nasaksihan ko, kung gaano ka kabangis humalik! *napahagulgol ang pobreng Senior sa narinig, nakatakip ang mukha* Iyon ba ang "Sorpresang" sinasabi nya? Ito ba ang sinasabi nyang "Pagmamahal" na inialay mo sa akin ng mahigit limang taon *umiyak na sya sa parteng iyon ng sinasabi nya* Ganyan mo ba ako kamahal? Ipinamamalas mo ba yang abilidad mo na yan sa lahat ng babaeng nakakatagpo mo sa mga okasyong gaya nito?
Chris: *tulirung-tuliro pa rin, dala na rin ng alak na nainom at sampal na inabot* Hin-hindi totoo yan..... hindi ko pa nararanasan kung paano mahalikan, hindi ko alam kung bakit nawala ang lahat ng matino kong pagpapasya! Itanong mo pa sa kanya! *itinuro ko ang Babaeng Senior na hanggang ngayon ay umiiyak pa rin, mu~g hindi pa ito handang magsalita*
Regina: *Sinampal uli ako sa pisngi, mas malakas kaysa sa naunang sampal* Sinungaling! Sa Pangit mong yan, imposibleng babae ang maunang humalik sa yo. Malamang mas gugustuhin pa nyang humalik sa palaka *lalong lumakas ang iyak ng pobreng Senior* Wag mo na akong lokohin! Hindi mo talaga ako minahal, paghanga lang yang nararamdaman mo para sa akin! Itigil mo na yang kalokohan mo!!!
Chris: *Tinignan ko ang kanyang nangngangalit na mga mata, sinalubong ko ang galit nito* Bigyan mo ako ng isang Dahilan. Inuulit ko, isang matino at mabigat na sagot kung bakit dapat kong kalimutan ang nadarama ko sa yo? *umiiyak na rin pala ako di ko napansin*
Regina: *tumayo sya, tinalikuran ako at malamig na nagsalita* Dahil Hindi kita Mahal. At Kailanman hinding-hindi kita mamahalin, kahit ikaw na lang ang natitirang tao sa mundo! *tumakbo na sya paalis*
Tigalgal si Bradice sa narinig, at walang sabi-sabi, ni hindi lumingon sa nakahandusay at luhaan kong katawan, sinundan nya si Regine.
Matapos ng mga tagpong iyon - isama pa ang pagod, pagkabigla, pagkalasing at iba pa - Dumilim ang mundo ko, at parang nahuhulog ako sa isang malalim at madilim na hukay. Isang lugar para sa mga sawi sa pag-ibig.....
----------------------------------
Pagbalik ng aking malay ay nakita ko na lang ang sarili kong nasa ospital at may kung anu-anong mga bagay ang nakasaksak sa mga ugat ko. Gaano kalala kayang mga sugat - isama pa ang tinanggap kong salita kay Regine na nagmarka sa puso ko at di ko alam kung gaano katagal bago mawala ang mga iyon - ang inabot ko at nahimlay pa ako sa kamang ito ng ospital na ito? Pero malalaman ko iyon pagdating ng doktor o nurse, kailang ko munang malaman kung ilang araw na akong nandito. Agad akong humanap ng Kalendaryo at Relo. Sa liit ng kayang igala ng aking mga paningin, buti at nakita ko ang mga bagay na hinahanap ko. Isang digital na Relo ang nakita kong nasa side table at nakaharap sa akin. Feb. 17, 2009: 4:30 PM ang nakalagay roon. Grabe, tatlong araw akong walang malay??? Sino ang sumagot sa gastos ko dito sa ospital??? Ang laki ng utang ko sa kung sinoman ang sumalo sa gastusin ko sa pananatili ko rito malamang.
BINABASA MO ANG
Buhay ng CABALista: A Journey of Love and Hatred
FanfictionThe Original Story from CABAL Online PH Forums, Two worlds collide in this Fan Fiction, based on the Massive Multiplayer Online Role-Playing Game (MMORPG), CABAL Online. Witness and unravel how Chris discovered the world that was known as Nevareth...