[S2/C11] Komprontasyon

20 0 0
                                    

~Sofia's POV~

Hinanap ko kung saan nagpunta ang tatlo, agad ko namang nakita ang dalawa. Sumakay sila Chris sa isang Taxi na dumaan sa Taxi Stop na kanilang kinaroroonan. Napansin ko na sibilisado na sila sa harap ng madla, pero ramdam ko pa rin ang tensyon na bumabalot sa kanilang paligid. Ang sunod ko namang hinanap ay si Bradice, Sumakay rin ito sa isang Taxi, nakita ko sa mga galaw nya na gusto nyang pasundan sa Driver ang Sinakyan nila Chris, at hindi nga ako nagkamali, isang 500 Peso Bill ang inabot ni Bradice sa Driver, kinontrata na nya iyon.

Makalawang ulit muna akong nag-isip bago ako kumilos. Pero maiksi lamang ang oras para ikonsidera ang susunod na hakbang. At dahil nandito na ako, at mahal ko si Chris, hindi ko hahayaan na saktan uli sya ng babaeng iyon, emosyonal man iyon o piskal. Pinara ko ang isang Tricycle at agad na inabutan ng 300. Susundan ko sila

~Chris's POV~

Nakaplano na ang mga isusumbat ko sa kanya, pero ayaw lumabas ng mga kataga mula sa labi ko. Napakatagal kong hinitay ang sandaling ito subalit ngayong nandito na wala naman akong magawa kundi ang titigan sya at mamangha sa laki ng ipinagbago nya. Noon na isang mahiyaing dalaga ay isa na ngayong Babaeng Handang ipagtanggol ang kanyang katwiran na alam nyang tama, kaya na nyang lumaban ng sabayan, at isang bagay na kanina ko pa pinagtatakahan, pinag-aaksayahan nya ako ng panahon para lamang makausap ng ganito. Bakit? Anong dahilan? Masyadong mabilis ang mga Langyayari para maipaliwanag, at sana may paliwanag pa para sa mga ito.

Nang mag-angat ako ng paningin, isang pamilyar na ruta ang binabagtas ng Taxi na "Inarkila" ni Regine. Iyon ang Daan tungo sa High School Kung saan nangyari ang masasakit na Langyayari sa buhay ko. At habang paakyat sa Matarik na rampa ang Taxi ay di ko napigilang magtanong;

Chris: Bakit dito mo pa naisip na mag-usap tayo?

Regina: *nakatingin sa kawalan* Dahil dito mo ko sinimulang mahalin, at dito mo rin ako sinimulang kamuhian.

Chris: *nagulat* Hi-hindi!Kailanman hindi kita kinamuhian, maaring---

Regina: *pinutol ang sasabihin ko sa pamamagitan ng pagharang ng isang daliri nya sa labi ko* Hindi mo nga ako kinamuhian, pero nakokonsensya pa rin ako sa mga nagawa ko. Sana magustuhan mo itong Sorpresa ko.

Sorpresa? Teka parang Alergic na ko sa Word na to ah. Ano pa bang sorpresa ang kailangan kong makita? Bago ko sya uli mausisa, huminto ang ang Taxi sa Entrance ng Paaralan. Odd, parang may kakaiba sa eskwelahan ngayon. Puno iyon ng Sigawan, hiyawan at tawanan. Marahil ay may aktibidad. Bago ko pa maanalisa kung anong Langyayari yon, hinawakan na nya ang kamay ko. Pagkalapit ng aming mga palad ay parang wala nang bukas, isang mala-anghel na musika ang tumugtog sa aking isipan at di ko mawari kung saan iyon nagmumula. Ang alam ko lang, hawak nya ngayon ang kamay ko. Sana hindi na matapos tong tagpong ito.

Pero maraming ironiya ang tadhana, dahil kung kailan mo nararamdaman ang isang masidhing kaligayan, hindi naman iyon nagtatagal. Dahil sa pagpasok namin sa kwarto kung saan kami naging mag-kamag-aral noon ay agad nya akong binitawan. May nais itong linawin. Ako rin naman ay ganon, pero sino sa amin ang unang magsasalita?

*End of [S2/C11] Komprontasyon*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon