Actually parang di naman sya kastilyo, para lang siyang isang malaking Kampo ng Militar. Maganda ang disenyo at halatang pinagkagastusan (Malamang kung sino man ang gumastos para rito, malamang ay todo kayod uli, kasi nasaid ang laman ng kanyang "Bank Account").
Mga ilang segundo lang ang lumipas, nagdatingan na lahat ng iba pang sasali sa M War. Lahat sila ay naka kulay Violet na damit, katulad ng sa akin, na ngayon ko lang napansin. May isang malaking timer sa bawat pader ng Headquarters, umaandar ito paatras.
Nang ibinalik ko ang aking atensyon sa mga tao, lahat halos sila ay naka grupo na, may mga naghahamunan ng PvP, nagdedebate ng mga estratehiya, at may mga nagpapa-cute lang :dry: . Maghahanap na sana ako ng ka-Party nang may biglang kumalabit sa likod ko;
Echizen09: Oi Strike, anug ginagawa mo dito???
StrikeForce54: *nagulat, napatalon* Waaaaaaaaa!!!! Wag mo naman ako gulatin! Aatakehin ako sa puso sa ginagawa mo Echi eh! *sumeryoso sa nakitang hilatsa ng mukha ni Echi*
Echizen09: *tumawa ng pigil sa reaksyon ko* Ok sorry, nakalimutan kong magugulatin ka nga pala, teka sandali wag mong sabihing sasali ka sa M War?
Strikeforce54: *nagtaka* Huh? Anung masama sa pagsali sa M War?
Echizen09: Walang masama, ang tanong kasi dito, alam mo ba kung ano tong pinasok mo?
StrikeForce54: :ice: *natigilan* Ei..... Medyo hindi nga, ang alam ko lang dito ay yung pinaliwanag sa amin nung Meeting natin noon. Teka anu nga ba gagawin dito???
Echizen09: Ok, hayaan mo akong magpaliwanag kung ano ang mangyayari dito ngayon. Ang lugar na ito ay ang Headquarters ng Capella, mas kilala sa tawag na "Spada Brillante" dito ang Lobby, o waiting area ng Capellans na sasali sa M War, ang makakalaban mo - o mas bagay na sabihin kong "Ninyo" - *sabay tingin sa lahat ng mga taong naroroon* ay mga players din, mula naman sa Headquarters ng Procyon, o mas kilala sa tawag na "Tempesta Rosa". Sa madaling salita, labanan ito ng mga Players mula sa Capella at Procyon.
StrikeForce54: *naguguluhan pa rin* Teka, teka, Alam kong lalabanan namin ang pwersa ng Procyon, pero ano eksaktong misyon namin dito, at paano malalaman kung sino ang makakapasok at sino ang hindi, ang alam ko kasi ay 30 lang ang pwedeng makasali sa M War na to ayon sa-----
Echizen09: *pinutol ang anumang sasabihin ko pa* Buti naman at alam mong kokonti lang ang makakapasok sa mismong labanan. Nakikita mo ba sa itaas ng Screen mo sa bandang kanan yung Parang tally board ng Capella at Procyon, yung may parang fraction???
StrikeForce54: Oo, sa Capella ay 30/107 pero sa Procyon ay 30/97 lang. Ano ang ibig sabihin nun???
Echizen: Yung mas malaking numero ay yung mismong tao sa HQ ng bawat side, sa Capella ay 107 samantalang sa Procyon ay 97 lang. Pero napansin mo ba na pareho lang ang maliit na Numero sa parehong side?
StrikeForce54: Oo, bakit?
Echizen09: Kasi yan lang ang bilang ng TALAGANG papasok sa loob ng lugar ng labanan, tig-tatlumpu sa bawat panig. So pantay lang ang bilang ng makakapasok. Ngayon, napansin mo rin ba yung itm na bar sa ilalim ng bilangan ng Tao??? Yan ang estado mo ngayon dito sa loob ng HQ, sabihin mo ano ang nakalagay, Able to Enter o Waiting List?
StrikeForce54: Ei teka ha *sumilip sa bilangan na sinabi ng Echizen* "Able to Enter" daw.
Echizen09: *napalunok* Sigurado ka??? Kasi ako Waiting List, 55. Ibig sabihin 55 kailangan kong hintayin na lumabas sa Lobby bago ako makapasok sa Mismong War, ikaw "Able to Enter"? Naku, pare kasama ka sa papasok mamaya. *tumingin sa Giant Timer* Aw, 4 minutes na lang pala, sige, alis na ako dito, malalaman mo na lang lahat ng kailangan mong malaman pag nasa loob ka na ng Gerahan. Tip lang, merong bilihan ng pots at Locker dito, siguraduhin mong may baon kang pots at pinakamalalakas ang mga Suot mo. At wag mong kalimutang makipag-Party, mas lalaki ang "Survival Rate" mo kapag may Party ka. Sige alis na ako *logs out, tapos logs in uli, sa ibang channel naman*
Yari! Pumasok lang kasi ako dito kasi Curious lang ako kung ano ang Itsura ng "Spada Brillante". Ngayong nakita ko na ang itsura nito pwede na ako umalis, pero dahil "Able to Enter" ako, no choice na kundi sumabak at mamatay. Wala namang masama dahil "First Time" ko lang naman dito. Sa tindi ng pagmuni-muni ko di ko namanalayan, 1 minute na lang pala. Agad akong naghanap ng Party. Swerte naman at bago matapos ang "Waiting Time" ay nakahanap ako ng Party. Nakakahiya nga lang ako kasi ang lowest level na member nung party na yun, sa level kong 61 sobra ang pagkahiya ko sa mga kasama ko na karamihan ay 80+ na.
Sa loob ng 15 segundo nagawa ko pang mag Full Buffs. Nang natapos ang Countdown Timer, ay na Warp lahat ang "Mapalad" na 30 representante ng Capella sa lugar ng digmaan.
Paglabas ko sa Headquarters ng Capella, akala ko sa isang mala-epikong lugar ako mapupunta, yung mala-DotA ang itsura. Pero nagkamali ako, sa isang pamilyar na kagubatan ako bumagsak!
StrikeForce54: *nainis* Teka! Chaos Arena lang to ah! Ano to lokohan, talaga bang Procyon ang lalaban natin dito o sangkaterbang mobs lang???
Party Leader: *lumabas sa likod ko* Oo, wag kang mag-alala, Procyon ang lalabanan natin dito hindi mobs, bilisan mo dapat ay na Formation na tayo sa Gate *nag dash-dash ito*
Pagdating ko sa gate, natigilan ako sa nakita ko. 30 Procyon na naka-itim ang nakaabang sa kabilang panig ng Arena. Napansin ng PL namin ang reaksyon ko sa aking nakita;
Party Leader: *tumingin sa deireksyon ko* Ok ka lang dyan, Susugod na tayo sa oras na BM2 ang Warrior na yun *itinuro ang Warrior na nasa harapan, naka-Full buffs na ito*
StrikeForce54: O-ok *tagilid ang ngiting sagot ko*
Pagkatapos gamitin ng Warrior ang kanyang BM2 agad nang sumugod ang mga kasama ko, Lahat sila naka-BM2 na rin. Sa kabilang panig naman, kokonti lamang sa mga Procyon ang Sumugod, mga naka-BM2 rin. Nag-iwan sila ng Reserba, at yun ang mga nakatayo lang sa Gate sa kabilang panig, nagsasayaw pa nga!
Sinamantala ko na Hindi ako inaatake at pinapansin ng mga taga-Procyon. Pumasok ako sa likuran nila, sa mga lugar ng mga Reserba. Ginamit ko agad ang BM2 ko at Battle Aura ng magkasunod. Dahil wala pa ring pumapansin sa akin, nag-dash na ako palapit sa mga nagsasayaw na Reserba ng Procyon. Hinampas ko ng Karit ang isa, 7 hits lang (4 ang Crit.). Tinuluyan ko pa ang isa, 9 Hits naman (2 ang Crit.). May nakapansin na sa ginagawa kong Raid, kasama sya sa Reserba. Babalaan nya sana ang mga nasa labanan ng akin syang hampasin ng Karit, Down! Pagtayo nya, nagalit ata, nilabanan ako, Full Debuffs! Gagamitan na nya ako ng "Mana freeze" + "Excretion" debuff combo nang saktong nag-Cooldown ang Pambato ko sa Karit ko. Ibinato ko iyon bago niya ako ma-debuff, Swerte, Critical! 1/5 natira sa buhay nya. Hinampas ko lang sya ng isa at Dafa na ang lokong Force Blader.
Sa wakas at may nakahuli na sa ginagawa kong "Pambabastos" sa mga Reserba, Isang Blader! Patay! Double Dash agad ako. May nakakita ng komosyon na isang Capella Wizard, Freeze! Tumuloy na ako sa pagtakbo, nagtago sa semeteryo sa may Parte namin at nagsayaw para ma-regen ang SP ko.
Matapos ang halos 30 minutong bakbakan, wow! 1 on 1 Situation. Last 3 minutes! Perfect tong siwasyon ko. Oras na para magpasikat. At dahil di naman kami pwedeng magkaintindihan, parehas na lang kaming Gumamit ng BM2. FA ang kalaban ko!
Nagpalitan kami ng combo, pero mahirap syang patumbahin, 10 seconds na lang at nang biglang........
*End of [S1/C12] Mini Mission War*
BINABASA MO ANG
Buhay ng CABALista: A Journey of Love and Hatred
FanfictionThe Original Story from CABAL Online PH Forums, Two worlds collide in this Fan Fiction, based on the Massive Multiplayer Online Role-Playing Game (MMORPG), CABAL Online. Witness and unravel how Chris discovered the world that was known as Nevareth...