[S4/C6] Isang Saglit

7 0 0
                                    

Ang usapan namin, ay magpunta kami dito sa Warp Portal papuntang Lakeside bago pumatak ang dilim, pero naging natural na sa kanila ang pagiging huli kaya hindi ko na rin sila masisisi, nasanay sila sa pamumuhay nila sa Mundo namin eh. Sa tagal nila, hindi ko napansin na nakaidlip ako sa aking pagkakaupo. Nagising na lamang ako ng may kumalabit sa aking isang babaeng Procyon Wizard. Mahiwaga at puno ng ligaya ang kanyang mga ngiti sa akin, mahaba ang buhok nya na abot hanggang sa likod nya, Bilugan ang mukha, may kalakihan at bahagyang may katabaan para sa isang Wizard. Agad nya akong tinanong "Kuya may ginagawa ka po ba?" Biglang sumeryoso ang mukha nya sa kanyang pagtatanong "Hmmmm wala pa naman ang mga kasama ko, so I supposed wala naman." Tumayo ako at inalok ko ang aking kamay para makipagkilala sa misteryosang babae "StrikeForce54 ang pangalan ko, ikaw sino ka?" Inabot nya muna ang kamay ko bago sya sumagot.


"HelenaPaula" Kasabay ang isang malokang ngiti sa kanyang labi, na nagpalabas sa kanyang mga pantay at maputing ngipin. "May mga magugulong Capella kasi sa Entrance ng Illusion Castle na nangpa-powertrip, hindi ako makapasok sa loob. Snobber ang mga Procs na nakakasalubong ko sa Lakeside so bumalik ako dito para maghanap na lamang ng Capella na pwedeng kumausap sa mga nasa entrance na papasukin ako, pwede po ba Kuya?"


Inisip ko ang aking mga pagpipilian sa sitwasyong ganito, hanggang sa maari kasi ay ayokong magkaroon ng pakikipag-engkwentro sa kahit na kaninong Mandirigmang may paksyon para maiwasan ang pagkakadiskubre sa aming mga balak gawin sa Lakeside, ngunit sa isang banda, kung tatanggihan ko ang alok ng babaeng ito, baka ipagkalat nito sa Procyon Confederation na nakita nya ako, imposibleng di nya alam na may reward na nakapatong sa ulo ko. Kaya kahit labag sa kalooban ko, tinanggap ko ang alok ng babaeng nagngangalang HelenaPaula "Ok Sige, pero lumayo ka muna habang kinakausap ko ang mga Power Trippers sa Entrance ah" inimbita ko sya na maki-party sa akin para makapagusap kami kahit nasa Lakeside kami, na isang Warzone kung saan bawal ang magusap ng direkta ang miyembro ng magkalabang paksyon, unless hindi magka-guild or magka-party. "Salamat talaga kuya!" Hinawakan nya ang kamay ko, pero hindi pala para magpasalamat, kundi para itulak ako papasok sa Entrance ng Lakeside.


Paglabas ko ay agad akong nagtungo sa Entrance ng Illusion Castle gamit ang aking Astral Bike Blue +15. May tatlong Capella doon, isang Wizard, at dalawang Force Shielders, agad kong tinanong si Paula "Eto bang dalawang FS at WI na to ang tinutukoy mo?" Agad syang sumagot sa tanong ko "Opo, sila nga, lalo na yung dalawang FS".


Matapos mabasa yon ay kinompronta ko na ang mga herodes na dahilan ng pagkasayang ng oras ko "Mga bossing, anung problema nyo sa Wizard na ka-party ko? Magfa-farm lang to ah, bakit ayaw nyong papasukin?"


Agad na nag-Battle Aura ang isa sa mga FS at sinabing, "May problema ka ba? Weak yan eh, Wizard di makapasok ng Entrance" Binanatan ako ng FS na ito, na usually di pwede. Napagtanto kong may lihim na 'mahika' ang taong to. Hindi ko sya mapalagan, tanging takbo lang ang nagawa ko. Nangalahati na ang buhay ko nang dumating si HelenaPaula "Tsk, may 'mahika' pala tong epal na to kaya ang lakas ng loob mag-power trip" Bigla syang nag-BM 2 at matapos ay walang habas na pinaulanan ng lances ang FS na may 'mahika' at ni hindi ito nakalapit.


Napamura ang dalawang naiwan na Power Trippers at bago umalis ay sinabing "Humanda ka babae ka may araw ka rin!"


Laking gulat ko sa ginawa ng babaeng ito. Malakas pala sya, na syang ikinagulat ko. "Anak ng..... halimaw ka pala!"


Hinawi nya ang buhok nya sabay balik "Hindi kuya, wala lang talangang kwenta yung mga yun, kala ko kasi madadaan sa diplomarsya kaya di ko pa pinatulan eh, talaga palang may sayad."


Agad kong dinagdag sa Buddy List ko ang Wizard na ito, kapag naayos na ang lahat kikilalanin ko ng lubusan ang babaeng ito "Paki-accept po ate"


Tinaggap nya ang paanyaya ko "Done! :)"


"Salamat" Balik ko na may ngiti sa aking labi.


"So mauna na ako sa loob kuya ah" Huling sabi nya.


"Sige" balik tugon ko, ihahabol ko pa sanang mag-ingat sya at goodluck sa farming pero nakapag-leave na sya ng party at nakapasok sa loob ng IC.


Kamot ulo na lang akong bumalik ng Map Entrance gamit ang return stone, para ipagpatuloy ang paghihintay sa aking mga kasama. Kasama ang pangako na magku-krus uli ang landas namin ni HelenaPaula, ang tanong lamang ay kung kailan.


*End of [S4/C6] Isang Saglit*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon