Season 3: The Legend of Soul Emissaries (S2 Recap and S3 Sneak Peek)

29 1 0
                                    

Hi, So we're two Seasons Down, mahaba na ba? Di pa yan mga guys, nasa kalahati pa lang tayo. At para sa mga naguluhan at na-confuse, eto ang mga naganap sa Season 2: Mga Pagbabago, sa pamamagitan ng ilang piling paragraph.

Season 2: Mga Pagbabago Recap

Matapos ang Desisyon nyang iwan ang kanyang 'Comfort Zone' para tuluyang kalimutan si Regina, si Chris ay nagsimulang muli. Sa kanyang pagbangon ay nakilala nya si Sofia Cristobal, ang babaeng muling nagbigay ng kulay sa kanyang buhay at nagmahal sa kanya. Ngunit talagang di nya matakasan ang kanyang naiwang multo noon at muling lumitaw sa eksena si Regina, ngayon na ang bukang bibig ay mahal sya ng babae. Ngunit sa pagbabalik ni Regina, ay mayroon syang problema, natutunan na nyang mahalin si Sofia - na nagustuhan rin pala ni Bradice Years back - at ayaw nyang saktan ito. Bilang resulta, nagdesisyon si Chris na umalis ng bansa.

Ang hindi nya inaasahan, pipigilan pala syang umalis nila Sofia at Regina. Dun ay naaksidente sya sa bilis ng mga pangyayari. Habang hinihintay ang resulta ng operasyon kay Chris para isalba ang buhay nya mula sa aksidenteng nangyari sa kanya, ang grupo nila Bradice ay nakaharap ang isang misteryosang Babae na mukhang Agent ng MIB, na may kahon na nais ibigay kay Chris. Matapos mapigilan ang tangkang ito, nalaman nila mula sa Doktor na Tagumpay ang operasyon kay Chris ngunit nasa-coma pa rin. Naka-rekober lamang ito sa kanyang kalagayan matapos gamitin nila Bradice ang Kahon na naiwan ng babae para pasukin ang kamalayan ni Chris habang nasa Coma - napunta sila sa Nevareth at nilabanan si Chris, at nanalo, na syang naging dahilan para magkamalay ang ating bida.

Natapos ang Season 2 limang taon ang nakalipas matapos ang aksidente ni Chris at ang Kanilang sumapaan na magmamahalan sila. Natupad ang pangakong iyon, ngunit ang hindi nila alam ay may mga pagsubok pang nakaamba sa kanila, na sa huling tagpo ay ipinakita ang mahiwagang babae na nakatingin sa kalangitan kung saan namumuo ang isang itim na ulap na umiikiot na parang washing machine.

Eh anung aasahan nyo sa Season 3 ng Buhay ng CABALista? Read On at malalaman nyo :)

Season 3: The Legend of Soul Emissaries Sneak Peek

Makikita natin ang pinakamalaking pagkakaiba ng Season 3 sa naunang Dalawang Season ay ang pag-iiba kung paano isinalaysaya ang kwento. Ang Season 3 at 4 ay gagamit ng paragraph style na storytelling kasama ang dialog ng mga karakter, pero sa Season 1 and 2 ay gumagmit ng bersyong mala-dula dulaan (may script-like indicators) sa mga salitaan ng mga karakter at paragraph style sa paglalahad ng mga kaganapan.

Mas naka-sentro rin ang Season 3 sa Mundo ng Nevareth, ang Imaginary World ng CABAL Online kung saan biglang napadpad si Chris matapos ang isang kaganapan sa ikatlong Season ng Kwentong ito. Anong mga sorpresa ang naghihintay sa kanila sa mundong dati ay nalalaro lang nila sa Computer? At paano sya makakawala sa mundong iyon?

Atin yang alamin sa Season 3 ng Buhay ng CABALista.

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon