[S3/C16] Regalo at Imbitasyon

16 0 0
                                    

~Chris's POV~
*Nevarethian's World: 4th Door Hideout*

"Huh!" Biglang mulat ko mula sa aking pagkakatulog. Pagdilat ko ay saka ko lang naisip, ikalawang Beses na ito na ako'y nawalan ng malay sa Lugar na ito. Nakakahiya, marami pa naman ang umaasa sa akin dito.

"Huwag kang mahiya Chris, lahat tayo'y may kahinaan, nataon lang na ang pisikal na aspeto ng iyong katawan sa inyong mundo ay mababa. Pero mababawi mo iyon sa iyong intelektwalidad" Pagpasaya sa akin ni Strike.

"Ok sabi mo yan eh, teka, ilang araw na ba tayong natutulog, at nasaan tayo?" Tanong ko kay Strike ng maaninag kong wala ni isang tao sa Kwarto kung nasaan ako.

"Malamang Chris nasa 4th Door Hideout pa rin tayo, diba nagpunta tayo dito para linawin ang ilang bagay kay Sage Sirius? Sya pa nga ang nagpatawag sa ating lahat eh" Pagpapaalala sa akin ng aking Kawangis na si Strike.

"Oo nga pala, tara hanapin natin sila, baka nasa labas lang ang mga yon" Sabi ko. Paglabas ko ay isang pamilyar na Tao ang naabutan ko sa Sala, si Sirius Sage.

"Ah, sa wakas, matapos ang 2 Linggong pagkakatulog, nagising ka na rin 'Mandirigma ng Galit'" Malalim at madilim na wika ni Sirius.

"Mandirigma ng... Galit?" Takang balik tanong ko.

"Ah ipagpatawad mo ang aking kawalang galang, Strike, nagbabasa kasi ako ng mga Manuskrito ng kasaysayan dito at biglang napukaw ang atensyon ko sa isang libro tungkol sa 'Mandirigma ng Galit' dito sa aming - ating - mundo, at nataon namang lumabas ka ng kwarto kaya ayan, akala ko ikaw ang bida sa libro." Mahaba nyang paliwanag, bakas sa tinig nya ang kaba.

"Ah ok po" Ipinagkibit-balikat ko na lang ang kanyang mga komento. "Maari ko po bang malaman kung nasaan na sila Waren Sir Siruis?" Magalang pero gwardyadong tanong ko, sa takot na baka kung ano nanaman ang kanyang masabi.

"Ah sila ba? Sila ngayon ay nagsasanay na sa Ilalim ng Tindahan ni Yekaterina." Sabay turo ko sa liwanag na mula sa Exit ng Hideout. "Tulad ng paraan kung pumunta sa Warp Center, ganon lang din ang paraan para makabalik ka sa Bloody Ice." Tumalikod na ako, pero bigla uli syang tumawag at sinabi ang ganito "Bilisan mo, nauubos ang oras ng mga Kaibigan mong Bihag nila Capella at Procyon sa kada segundong inuubos mo na walang ginagawang kongkretong plano para mailigtas sila"

"Opo, wag po kayong mag-alala Master Siruis, may plano na ako" Paniniguro ko sa Maestro. Matapos noon ay tumalikod na akong tuluyan at nilisan ang Hideout.

~Sage Sirius's POV~

"Sana ay Hindi mo piliin ang Daan na puno ng Galit StrikeForce, dahil katapusan din iyon ng buhay mo." Sabi ko sa kawalan ng makalabas na si Strike, at bumalik na ako sa pagbabasa.

~Chris's POV~
*Bloody Ice:*

Pagdating ko sa gitna ng Bloody Ice Outpost, ay dinudumog si Rina ng kanyang mga parokyano. Pero ng makita nya ako ay pinalayas nya itong lahat. Madaming nagtaka sa kilos na ito ni Rina, pero di ako nagtaka, dahil kasunod niyon ay agad nya akong pinalapit.

"Ang Tagal mo namang Magising Strike!" Reklamo nya sa akin.

"Malay ko ba kung bakit ganon katagal ako bago magising, ang dami nang oras na nasayang. Baka kung ano na ang nangyari sa mga kaibigan ko." Malungkot kong anas sa hangin na parang wala lang akong kausap.

Inignora iyon ni Rina at pumalatak, na parang biglang may naalala "Oo nga pala Strike - este Chris - May dumating na dalawang bagay para sa yo noong wala ka." May halong kaba sa tono nya.

"Huh?! Mga bagay? Ano naman yan?" Usisa ko.

Dinala nya ako sa Stockroom ng tindahan nya at doon ay kinuha ang dalawang kahon mula sa High Shelf "Ito. Isang Set ng Trancender Skill Books para sa Lahat ng Battle Style Classes. Pati ang Buffs ng BL at FA ay meron, pero ang di ko alam ay kung bakit walang 'Sword Quake' dito na para sa yo" Kamot-kamot sa ulo si Rina.

Di naman ako natinag sa sinabing iyon at sumagot "Nakita ko na ang 'Sword Quake', meron na kami ni Strike non" Paglilinaw ko, sabay tanong "Nasaan na ang mga Books?"

Nagkibit-balikat sya bago sumagot "Binigay ko na sa kanilang tatlo, yung sa FA at BL na lang ang nandyan. Kasalukuyan nila iyong mina-master sa baba. As of now, nasanay na nila iyon ng maayos, meron silang mga Training Robots dun at dun na sila nagsasanay ng Combos nila" Mahaba nyang sabi, pero may iniabot pa sya sa akin na note "Nga pala ayan ang Note mula sa Sender ng Skill Books bago ko makalimutan, dyan ka lang ah, hahanapin ko pa yung isang package para sa yo dito sa High Shelf. Naipit ata ng mga Mithril Equips na pinapasinusubasta ng mga Tao dyan sa labas" At muli syang kumilos para maghalungkat.

Naiwan naman ako para magbasa ng note.

Dear Strike,

Alam kong lalabanan ng Grupo nyo si Capella at Procyon para mailigtas ang iyong mga kaibigan na kanilang bihag ngayon. Para mas dumali ang inyong misyon, Heto ang mga Trancender Skill Books ng lahat ng Classes. Gamitin nyo sana iyan sa maayos na paraan.

Nagmamasid;
'V$#3'

"Holy Hell?!?!, what's with the Cryptograph ng kanyang pangalan?" Tanong ko kay Rina matapos mabasa ng ikatlong ulit ang note.

"Aba'y Ewan Strike. Para sa akin, weird yan, kasi nagbigay nga sya ng mga Skill Books pero ie-encrypt naman nya ang pangalan nya." Sabi nya habang naghahalungkat pa rin, nang sa wakas ay iniangat na nya ang kanyang ulo at kamay mula sa paghahanap. Bumaba sya mula sa High Shelves hawak ang isang Official Letter Mula kay Capella, na Encoded syempre. "Oh yan, buksan mo, kahit na anong gawin kong Decoding dyan, ayaw bumukas"

Paghawak ko sa Sobre ay para itong may Buhay, at ibinulong sa akin ang kanyang Passcode "Capella" Sabi ng Robotic na tinig mula sa Sobre na ako lang ata ang nakarinig. Matapos noon ay Pumailanlang ang boses ni Capella sa Stockroom at sinasaad ang laman ng Sulat

Magandang Araw Emmisaryo Mula sa Kabilang Mundo.

Ako, si Sage Capella Evenglade, Ay iniimbita ka sa aking Mission War Lobby apat na oras mula sa pagkabukas ng Sulat na ito. Ang Hindi mo pagtugon sa Imbitasyon na ito ay nangangahulugang ikaw ay walang intensyong iligtas si Regine Morales, isang Registered Force Archer na miyembro ng iyong Grupo ng mga 'Emmisaryo Mula sa Kabilang Mundo' mula sa Sintensya ng Kamatayan na isasagawa sa pamamagitan ng paghigop sa kanyang Kaluluwa.

Inaasahan ko iyong mabilis at postibong pagtugon.

Gumagalang
Sage Capella Everglade

Matapos noon ay nagbilang ng 5 ang robotic na boses at biglang pumutok ang sulat. Ang naiwan lang doon ay Metalic Dust, siguro mula sa Recording ng Electronic Telegram.

"ASAR!!!" Kinuyom ko ang aking kamao.

~Sage Capella's POV~
*Spada Brillante's Control Room*

"Rina, Ihanda mo sila Waren, Susugod kami" Sabi ni Strike na kitang kita ko mula sa Electronic Screen ng Aking High Tech Control Room.

"Si-sigurado ka?" Bakas ang kaba sa mukha ni Yekaterina ng itanong iyon kay StrikeForce.

"Oo. Wala akong dapat sayangin na oras. Baka mamatay si Regine." Tumalikod na ito kay Yekaterina at umalis sa kwarto.

Sa Tagpong iyon ay pinatay ko na ang Screen. Tumatakbo ang lahat ayon sa Plano ko sabi ko sa aking sarili.

"Carrot, ihanda at ipwesto na ang Containment Chamber ni Regine sa Gitna ng Lobby" Utos ko sa Luminosity Bringer ng 52-79 Division na napadaan sa harapan ko.

"Opo! Masusunod po!" Sagot niya.

"Eto na ang huling Laban mo StrikeForce54, pagkatapos nito ay akin na ang kap@ngyarihan mo!" At pumunta na ako sa aking silid upang maghanda.

*End of [S3/C16] Regalo at Imbitasyon*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon