Atikihc: Capella! by only 1 point! 8-7 *lihim na ngumiti* Ok so tapos na itong meeting natin pwede na kay----
StrikeForce54: *kinalabit ko si GM sa balikat* Paano po kami pipili ng Nation eh mga mid levels lang kami?
Atikihc: *nagtaka* Diba ikaw ang nagsabi na sa Next Patch, may New System na pwedeng mamili ng Nation ang mga Mid Levels?
Bigla kong naalala na ako pala ang Events Informant ng Guild at nadulas ako bago magsimula ang meeting namin kanina.....
*Flashback*
StrikeForce54: *Via GC, nakisali na sa Diskusyon* Nakita ko sa Forums na pwede na magka-Nation tayong mga Mid Levels ah! Baket sa level 95 pa tayo dapat pumili??? *nagtataka*
Devourment: Weh, di nga? *namilog ang mata*
StrikeForce54: Oo nga sabi, magbasa naman kayo ng Forums para may malaman kayo.
At biglang bumalik ang oras sa kasalukuyan;
Atikihc: *Nginitian ako* Kaya wag ka na magmaang-maangan dyan Strike! Ikaw ang Informant namin sa Events, diba? Ok Strike Happy Leveling *pumunta na sa Warper papunta ng Port Lux at nawala na nang tuluyan.
StrikeForce54: Amf! Baket ba kasi ang dulas ng bibig ko! *logs out*
~Sa Real World~
Chris: Hahahaha....... Sa bagay, ang daldal ko kasi. Ah well.
Medyo naging makulit nga ako. Pero di muna ako naglaro. Ginawa ko muna ang mga basic routines sa Shop, isa pa nakapaglaro na ako sa araw na ito, so ok lang na magpahinga muna.
lumipas uli ang mga araw, na kadalasang naubos ko sa pagtambay at paglalaro sa Shop ng tita ko. Nag-iisa, syempre, pero wala na akong magagawa dun.
Isang petsa sa Enero ang di ko makakalimutan. January 29. Baket kamo? Birthday ni Regine! At ang masama dun, sumabay ito sa Major Maintenance ng CABAL, para sa isa nilang Update, ang Lord of War. Meaning No CABAL day! At dahil no CABAL day nga, libre ang mangarap na iimbitahin niya ako sa araw na iyon sa Kaarawan nya. Kasi wala ang No.1 Diversion method ko para makalimutan na ni minsan sa buhay nya ay di niya ako kaya at gugustuhing mahalin. Bakit ba kasi sa lahat ng mamahalin eh ang taong imposible at ubod ng taas ang minamahal ko, dami naman iba dyan, amf!
Pinasya kong mag GG (Garena po paps!) para di naman masayang ang araw ko. Pero imbes na gumanda ang mood ko, minalas pa ako! Sa lahat ng naging laban ko, kung di no0bs ang kakampi, mga Quitters at mga taong mahilig magdahilan ang naging mga kakampi ko. Ang resulta 0 wins 4 loses! Sa inis ko, Umuwi ako agad kahit alas 7 pa lang ng gabi, considered na maaga sa uwi kong 9-10 ng gabi lalo na pag nagpapa-level ako sa CABAL.
Isang linggo pa pagkatapos ng Birthday nya, Heto uli ako sa Bloody Ice, naggra-Grind ng Magic Skill ko. Lonely people uli at mag isa sa Spot malapit sa Blizzard Altar. Sa di ko malamang kadahilanan bago ako mag OL ay binuksan ko ang YM (Yahoo! Messenger) ko para silipin kung may nag-add sa akin. Meron aba! at si Bradice yon.
Kasalukuyan akong nasa loob ng Altar nang may nag-BUZZ! sa akin sa YM. At dahil Buzz yun ay automatic na lumabas ang Message ng nagpadala sa akin ng Mensahe. Si Bradice uli! Aba ano ang kailangan ng taong ito??? Nagpapalevel ako at----
~YM Mode~
Bradice: Mukhang mahimalang nagbukas ka ng YM ah? Di ka ba nagpapa-level? *may smiley ang message nya na humahagalpak ng tawa*
Chris: *di agad nakasagot, inilabas muna ang CABAL bago mag-reply* Actually nasa Dungeon nga ako nung nag-Buzz ka! Di mo ba nabasang "Pa-level Mode" ang nakalagay sa Status ng YM ko???
Bradice: *natagala sa pasagot, malamang tinignan ang Status ko sa YM nya* Ay oo nga noh, Sorry *pero may smiley uli ang message na yon tulad ng sa nauna nyang message*
Chris: *instant reply ng makita uli ang hinayupak na smiley* Bwiset! tawa ka pa dyan *pero di naman ako galit* So ano ang gusto mong pag-usapan natin, please lang ha wag na uli sa "Headquarters" ng Forums natin gawin ang pag-uusap natin, baka pagkaisahan nio nanaman ako uli.
Bradice: Ok sige, d2 na lang sa YM tutal eh sandalin lang naman tong sasabihin ko, Punta ka sa lunes dito sa School, may itatanog lang ako sa 'yo
Chris: Huh? May laman at Classified ba iyang itatanog mo kaya di pwede d2 sa YM mo sabihin???
Bradice: Oo, at isa pa di ko makikita ang reaksyon mo sa tanong ko pag d2 lang kita sa YM tinanong, kasi alam kong walang Webcam dyan
Tama nga naman ang kaibigan kong ito, sa shop na ito ay di uso ang Webcam kasi wala naman may balak makipag- C2C dito.
Chris: Ok may punto ka, saan ang meeting place?
Bradice: Sa Harap ng Kwarto namin. Bago mag-recess ay nandun ka na para di ako ma-korner ng mga kaklase ko, ok ba un???
Chris: Sya! Sige. Paano Pa level na ko ha!
Bradice: Sure, Sure. Basta sa lunes ha.
Chris: Ok! Napa-oo mo na ako eh
Bradice: Bye! *logs out*
Chris: Amf! *logs out too*
Hindi ko alam kung baket nya ako guston makita sa Araw na iyon. Pero isa lang ang alam ko, may himala na namang gagawin ito. Kung hindi man, ay mayroon itong misyon na ipagagawa sa akin, Parang CABAL lang.
Nagdaan ang mga araw at nagulat na lang ako, paggising ko isang araw, at Lunes na, bahala na nga si Batman
*End of [S1/C10] Pebrero de Soltero*
BINABASA MO ANG
Buhay ng CABALista: A Journey of Love and Hatred
FanficThe Original Story from CABAL Online PH Forums, Two worlds collide in this Fan Fiction, based on the Massive Multiplayer Online Role-Playing Game (MMORPG), CABAL Online. Witness and unravel how Chris discovered the world that was known as Nevareth...