[S2/C9] Sa Lungkot at Ligaya

29 0 0
                                    

~Fast Forward: 2 Months, 15 Days Later~

~Chris's POV~

At nandito nanaman ako sa Bahay ko. It's So sad to Celebrate The Yuletide Season nang mag-isa noh? Dati yon. Pero ngayon ay masaya na ko.

Masaya?....

Masaya?........

Paano ako naging masaya? Paano?

Ah oo nga pala. 2 Months and 15 Days na kaming Magsyota ni Sofie. Two months and Fifteen days na akong naging kontento sa buhay ko. Sa mga araw na yon, hindi sya papayag na hindi ako makausap sa Phone, or mai-text man lang ako. Nalaman ko rin na isa syang tagapagmana ng Gabundok na kayamanan. Pero hindi yon ang dahilan kung bakit naging kami.

Bakit nga ba naging kami? At anong ginagawa ko rito sa bahay? Bakit wala kaming Date? Ang daming mong tanong! Ang kulit mo rin eh!

Pero sige dahil wala akong makausap my Dear Conscience sasabihin ko sa yo kung bakit. Dito nagsimula ang Pagiging magkarelasyon namin..........

*Flashback: 2 Months and 15 Dys ago. 5:30PM*

Matapos akong masampal ni Sofia ay dumiretso ako sa tinitirahan kong Apartment. Kamakailan ko lang nakumpleto ang pagbabayad sa bahay na ito. At sa wakas ay masasabi ko na rin na akin na itong Bahay na ito. Pero hindi sa accomplishment na iyon nakaukol ang atensyon ko.

Gusto kong mapag-isa. Sobra na ang Paghihirap ng kalooban ko. Hindi ko na kaya pang pigilin ang Nararamdama ko. Gusto ko nang Umiyak, Magwala, Mambasag ng kung ano, basta kahit ANO para lang malimutan ko ang pagiging LOOSER ko. Wala namang tatanggap sa akin diba? Ayoko na.

At saktong-sakto. Nang binuksan ko ang Ref ay apat na Bote ng Red Horse Mucho ang Naispatan kong Ice Cold na. Ito ang natira na pinauwi sa akin ng mga kasamahan kong Writters nang mag-inuman sila nung isang linggo. Syempre dahil hindi ko ugaling idaan sa alak ang Problema ko at napansin nila, pinauwi nila sa akin to. Tudyo nila sa akin ay "Magagamit mo rin yan, Panigurado. Kasi minsan hindi mo kakayanin na harapin lahat ng problema mag-isa. Kailangan mo ng katulong kahit YAN lang" sabay turo sa apat na bote ng Mucho. Napailing na lang ako.

Pero tama pala sila. Nag-iisa ako. Wala akong kakampi. Ako lang ang nandito. At ang Bote syempre. Kahit sinong tao para hindi masiraan ay kailangang may karamay sa oras ng Problema. At dahil wala namang makikinig sa akin, mas mabuti pang palipasin ang araw na to nang karamay ang Alak. Tutal hindi naman sya magagalit. Matutuwa pa nga siguro to, dahil sa wakas ay mabubuksan na sya.

May tirang Adobo pa at Isang Pitsel ng Iced Tea. Tamang tama, may "Chaser" at "Pulutan" Mapaparami ako nito.

Sinimulan ko nang lagukin ang alak at sa kada lagok ko niyon ay parang sinusunog ang lalamunan ko, Tinutunaw nag sikmura ko at pinahihirapan ang isipan ko. Ang mga nangyari nanaman sa JS ang mga alaalang nagpaparamdam sa akin ngayon. Lalo nilang ipangdidiinan ang aking pag-iisa. Lalo nilang ipinararamdam sa akin ang kalungkutan na nilalamon ako palayo sa liwanag ng katinuan. Hindi ko na napansin ang Pulutan at ang Iced Tea. Wala na akong pinansin kundi ang alak............

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*Slight Fast Forward: 9-10:30PM*

Binulabog ang bahay ko ng isang marahang katok sa pintuan. Himala! Sinigurado kong walang kahit na sinomang makakaalam ng Eksaktong Address ko maliban sa mga kaibigan ko at Fellow Writters ko. Lahat sila ay hindi ako naalala sa aking palagay. So sino to?

Pasuray-suray akong pumunta sa pintuan. Natagalan pa ako bago ko mabuksan ang pinto, dahil nag-triple-triple na ang paningin ko.

Nabuksan ko ang pintuan at, isang babae ang tumambad doon. At dahil sa ubod na nang sakit ang ulo ko at biglaang pagbubukas ng pinto, tumumba ako at narinig ko ang tinig ng dalaga bago ako tuluyang mawalan ng malay;

???: Chris? Anong nangyari, gumising ka...........

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. At nakita ko ang Mukha ni Sofia na alalang-alala. Sya pala ang kumakatok kanina. Ipinihit ko ang ulo ko na ngayon ay nakahiga na sa Sofa, at nakakita ako ng isang palangganang tubig, may bimpong nakababad doon. Ibig sabihin....

Sofia: *banayad na hinaplos ang mukha ko* Gising ka na pala. *tumaray ang kaninang mala-anghel na ekspresyon nito* Walang hiya yan! *Kinuha ang halos wala nang laman na bote ng Mucho* Ang lakas ng loob mong maglabas ng APAT NA BOTENG MUCHO! Di mo naman pala mauubos kahit isang bote lang. Kung hindi ako dumating malamang na-raid na nang mga magnanakaw tong bahay mo! Hindi mo man lang nagawang i-lock ang pinto! Ano ka ba! Hindi yan ang Chris na kilala ko at minahal ko!

Nagulat ako! Sino ba naman ang hindi magugulat sa Rebelasyong sinabi nya. AKO MAHAL NYA? Kailan pa? Parang kanina lang ay Sinampal nya ako dahil hinalikan ko sya diba? Ano to? Joke? Nanaginip nanaman siguro ako. Pero Pasimple kong kinurot ang Singit ko at......... ARAY! Ang sakit! Totoo ito.

At ang mas masaklap. Wala akong pang-itaas. Ganoon pala katindi ang tama ko at Hindi ko na namalayan na natanggalan na pala ako ng damit ni Sofia? Ayoko nang isipin kung ano pa ang natanggal nya sa kin.

At wala pang five seconds after that Thought ay binigyan nya ako ng isang Regalo. Isang regalong hindi ko malilimutan. Isang Mataimtim na halik. Puno iyon ng pagsuyo at pagiging mapag-intindi. Hindi ako nito minadali. Nakahanda ang kanyang labi sa aking pagpumiglas. Inintindi ng halik nyang iyon ang galit ko sa mundo. Hindi rin nagtagal ay hindi ko na kinaya ang damdamin ng ipinagkaloob nya sa halik na iyon. Tinanggap ko iyon.

Naging matagal ang pagtakbo ng oras. Ang mga segundo ay parang naging milenyo. Ang Oras ay naging habang panahon. At matapos maghiwalay ng aming mga labi, ay nagtitigan kami. Ang mga mata nya ay makislap, gawa ng isang milagro. Milagrong tinatawag na Pag-ibig.

Hindi ko akalain, may taong nakahandang magmahal sa akin...........

*Flashback Ends*

At matapos noong halik na iyon, buong galak nyang inalok na maging Girlfriend ko sya. Walang dalawang salitang tinaggap ko iyon. Dapat naman akong maging maligaya kahit minsan. Pero hindi buo ang kaligayahan ko. Isang kataga mula sa Boss ko ang gumugulo sa tamang pagtakbo ng utak ko;

Find a Girlfriend at i-display mo sa Media. Nang sa Ganon ay hindi na nila masabing B*kla ka

Hindi ko sya pwedeng gamitin para sa dahilan na yon! Hindi.

Isang marahang katok sa pinto ang gumambala sa aking pagmumuni-muni. Si Sofia iyon. Lalong lumakas ang aking kagustuhang hindi sya gamitin para gumanda ang PR Image ko. Pero mahihila rin sya roon. Sana lang hindi nya masamain ang Pagtutok sa kanya ng Media.

Sofia: *Nakapasok na sa bahay at umupo* Huy Chris, Tulala ka nanaman noh?

Chris: *Nagulat* hindi noh! Ano tara na?

Sofia: Tara na *palihim na ngumiti bago uli magsalita* May Sorpresa ako sa yo.

Sana lang ang Sorpresa mo ay hindi kasing "Engrande" tulad ng Sorpresa ni Bradice. Teka nasaan nga pala si Brad? Ilang Buwan ko na syang hindi nakakausap ah!

*End of [S2/C9] Sa Lungkot at Ligaya*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon