[S3/C10] Ang Paglalakbay

8 0 0
                                    

~Resty's POV~

*Human World: In a Dance Studio*

Kasalukuyan akong Nagtuturo ng Sayaw sa mga Miyembro ng isang Papasikat na Grupo ng Mananayaw, nang isang iglap, lahat ng mga tao ay Huminto sa paggalaw. Matapos noon ay may isang Babaeng naka-Berdeng Damit na pang-pulis ang Itsura. Meron pa syang Parang Salamin sa Mata ngunit isang mata lang ang nalalagyan noon.

"Iho wag kang Matakot, Hindi ako naparito para manggulo, narito ako para Hingin ang iyong tulong mortal" Wika ng Di kilalang babae.

"Sino ka?" Awtomatiko kong tanong.

"Di mo na kailangang malaman kung sino ako mortal. Kung hindi lang talagang kailangan ay di ko hihingin ang tulong mo. Pero para maibalik ang aking Estado bilang Isang makap@ngyarihang Diyos ng Nevareth, Hihingin ko ang Tulong mo." Pasuplada nitong tugon sa tanong ko.

"Diretsuhin mo ako, Anong kailangan mo?" Pa-asik kong tanong sa kanya

"Kailangan kitang isama sa aming Mundo para tulungan kaming ibalik ang Kapayapaan doon. At bilang Kapalit ay ibabalik namin ang mga Kaibigan mong nakulong sa aming mundo. Mga kaibigan mong naka-propesiyang magliligtas sa mundo namin tungo sa Tuluyang pagkawasak" Seryoso, at malungkot na Sabi ng Babae.

"Sinong mga Kaibigan?" Taka ko nang tanong.

"Si StrikeForce54, Si CrypticRage at si Suzuka06. Na kilala sa mundong ito Bilang sila Regina, Christian at Bradice" Sagot ng Misteryosang babae.

"Ha?!?!... Paanong...???" Naliliyo kong tanong. Para akong nabuhusan ng Malamig na tubig sa kanyang sinabi.

"Hawakan mo ang Kamay ko para magkita kayong muli, at maipaliwanag nya sa yo ang iyong mga Dapat Gawin. Sa ngayon heto na muna ang kaya kong ipagkaloob sa yo" Sabi pa ng Babae, at Hinawakan ako sa Ulo, sa isang Iglap, Naging kahalingtulad ng suot nyang damit ang suot ko. May kasama pa iyong mga Sandata na parang pamilyar sa akin.

"Ano to...???" Lalo akong nagtaka.

"Ang tagal naman, Sabing si StrikeForce na ang magpapaliwanag sa yo eh!!!" Hahawakan na nya sana ang kamay nang bigla uli syang nagsalita, "Para sa iyong kaalaman ang Pangalan ko ay Bellatrix" hinawakan na nga nya ang kamay ko. 

At matapos noon ay napunta ako sa isang Kakatwang Silid na may 4 na pinto

~Waren's POV~

*Human World: In a Church*

Kakatapos lang ng Misa ko sa Aming Simbahan nang Biglang parang tumigil ang Panahon at oras. Parang pamilyar na sa akin ang ganitong Eksena. Luminga-linga ako at nakakita ako ng Isang Tao na may suot na Napakabigat na Baluting Gawa sa Berdeng Metal. Hinubad nya ang kanyang Helmet at ako'y Kinausap.

"Ikaw ba si Waren?" Paniniyak ng Lalaki sa mababang Tono

"O---opo" Kinakabahang Tugon ni Waren

"Kung gayon ay kailangan kang Sumama sa akin, Para mailigtas mo ang mga Kaibigan mo" Kalmado pero may tono ito ng pagiging Seryoso.

"Sinong mga Kaibigian?" Takang Tanong ko

"Malalaman mo na lang kapag sumama ka sa akin. Sa ngayon ay nahaharap ang mga kaibigan mong iyon sa napakadelekadong sitwasyon" Lumapit ang Lalaki at hinawakan ang Ulo ko, Pagkatapos noon ay napalitan ang Suot kong Damit ng Katulad ng Sa kanya, may kasama rin iyong mga sandata. "Hawakan mo ang kamay ko at dadalhin kita kung nasaan sila" Utos ng Lalaki

"Sino ka muna!" Asik ko

"Nakakagulat ka iho. May naitatago ka palang Tapang." Natatawang Saad ng Lalaki. "Ang pangalan ko ay Vega" Sabi ng Lalaki. "Tara na iho, nauubusan tayo ng Oras" Pagmamadali nito.

Paghawak ko sa kanyang kamay ay bigla kaming napunta sa isang Kwartong May 4 n Pinto, At nakita ko roon si Resty.

~Sofia's POV~

*Human World: In a Traffic Jam*

Papunta ako kina Bradice ng Biglang May maganap na Trapik sa daan. Nang silipin ko kung anong Problema, napansin ko na di lang pala mga sasakyan ang nakatigil, pati rin ang mga taong nasa paligid ay di gumagalaw.

"Nagtataka ka ba Iha kung bakit sila nagkaganyan? Well pangungunahan na kita. Ang dahilan ng Pagtigil nila ay dahil pinahinto ko ang Oras sa Rehiyong ito ng Mundo nyo, para makausap ka" Lapit ng Babaeng naka damit na parang Martial Artist habang sinasabi iyon.

"Bakit kailangan mo pang gawin iyon para lang makausap ako?" Irita kong tugon sa litanya ng Babae.

"Dahil ang Mahal mo ay kasalukuyang nahaharap sa isang matinding Problema. Problemang maari nyang ikasawi kung di mo sya tutulungan" Seryoso at madilim na sabi ng Babae.

"Anong magagawa ko para matulungan si Bradice?" Determinadong Tanong nya.

"Sumama ka sa akin" Simple pero puno ng pagmamadali nyang tugon.

"Huh? Saan naman?" Takang sabi ko

"Hawakan mo ang kamay ko at dadalhin kita roon" Sabi pa ng babae. "Pero sa ngayon, kailangan kong gawin to" Hinawakan nya ang ulo ko, at napalitan ang Damit ko ng Katulad ng sa suot ng Babae. May kasama rin iyong mga Kristal na nakasuot sa magkabilang kamay ko. "Ayan ok na, Hawakan mo na ang Kamay ko"

Kahit na kinakabahan pa rin ako ay tangkang hahawakan ko na ang Kanyang kamay nang bigla akong may maalala "Sino ka?" Tanong ko.

"Ako Si Electra, Pero di na importante ang pangalan ko, hawak na" Imbita pa nya.

Kahit na nagdadalawang isip, hinawakan ko na rin ang kamay nya. Matapos noon ay napunta ako sa isang Silid kung saan ay may 4 na pinto. May 2 tao roon na parang pamilya sa akin.

~Chris's POV~

*Nevarethian's World: Near the Bloody Ice Warp Portal*

"Teka Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Jennifer. Halos magyelo na ko sa ginaw sa Lugar na ito pero di nya alintana iyon, nagmamadali sya sa paglalakad.

"Doon!" Itinuro nya ang isang Butas na may kakaibang ilaw na lumiliwanag. "Dyan sa Warp Gate. May mga kakatagpuin tayong mga Taong Makakatulong sa atin para makita mo si..." Nag-iwas ng tingin "... Regine at si Bradice" . Iginiya nya akong pumasok sa Loob. "Pasok na!!!"

"Paano" Maang tanong ko

"Hipuin mo ang Liwanag na nagmumula sa Portal" Parang wala sa sariling tugon nya.

Paghawak ko ay napunta ako sa isang Kwartong may 4 na Pinto. May tatlong tao doon na Pamilyar sa akin.

*End of [S3/C10] Ang Paglalakbay*

Buhay ng CABALista: A Journey of Love and HatredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon