~Bradice's POV~
*Dream World of Regina*
Nilingon ko ang pinagmulan ng mala-anghel na boses. Di naman ako makapaniwala sa aking nakikita, Si Regina, Nababalot ng Kakaibang puting liwanag at sa kanyang kamay ay nakasuot sya ng isang Kristal na Sobrang kinang ang pagka-asul, may malawak ding parang pakpak ang kristal. Ang suot nya naman ay isang Puting Mala-Bestida na may mga lining na Pink.
Hindi ko mapaniwalaang siya iyon. Sa Dami ng mga bagay na pumasok sa aking isipan, isa lang ang lumabas mula sa aking bibig "Anong Tulong?"
Hindi ko napansin na bahagya palang naka-angat ang kanyang paa sa sahig. Pagtapak niyon doon ay biglang lumiwanag ang paligid at ang lugar ay naging isang malaking Hardin na puno ng iba't-ibang magagandang Rosas at Orkidyas. Nagsalita sya matapos umupo nang pa-indian sit, malumanay at matamis ang mga titig nya sa akin "Tulong para hanapin sya, kung saan man sya napadpad. At malaki ang suspetsa ko na malaki ang kinalaman ng..." itinuro ang kahon na hawak ko "kahon na iyan para maituro kung nasaan si Chris!"
Napaamang na lang ako. Delikadong magsinungaling rito Nasabi ko sa sarili ko. Di ko rin sigurado kung bakit, pero dahil nagawa nyang baguhin ang anyo ng lugar, masasabi kong Mundo ito ng kanyang panaginip. Maari nya akong parusahan rito, at maramdaman iyon ng aking katawang lupa. Sinagot ko na lang ang kanyang akusasyon "Siguro may kinalaman nga ang kahon na to. Pero paano natin sya mahahanap gamit to?"
Bigla syang tumayo, at walang isang segundo matapos noon ay may isang malamig na hanging dumaan sa amin, na parang ako lang ang tinablan. Pagalit syang tumugon sa aking pagkastigo "Hindi ko rin alam! Pero bakit di natin subukan?" Paghamon nya sa akin.
Di ko sya masisisi kung ganito ang kanyang naramdaman. Dahil masakit ang mawalan ng minamahal. Hindi mo alam kung saan ka huhugot ng lakas para ituloy pa ang buhay mo dahil sa kanyang pagkawala. Pero kung tama ang aking sapantaha, Hindi Ordinaryong problema ang papasukin namin. Pupunta kami sa isang lugar na ginawa lamang ng mga tao. Isang Komunidad na hindi nage-exsistente sa totoong buhay. Saan kami magsisimula sa paghahanap?
~Regina's POV~
*Dream World of Regine*
So Talaga palang may alam itong Best Friend ni Chris kung nasaan si sya ah! Sabi ko sa aking sarili. Hindi pa rin pala nya alam kung ano ang mga nangyari bago kami maghiwalay... ang mga masakit na sandali bago kami...
*Flashback*
Pumunta kami sa gitna ng mga umiikot na ulap, tulad ng Sabi ng kakaibang babae, Doon nagtungo si Chris. kinausap muna nya ako bago kami dalhin ng ulap pataas
"Kung Sakaling makaligtas tayo rito, wag kang magugulat sa iyong makikita sa likod ng mga ulap na ito ah" Bulong nya sa akin.
"Bakit Chris?" Taka at pag-aalala kong tanong?
Hinawakan nya aking pisngi sabay sabing "Doon ay makikilala mo ang 'Totoong Ako' " Seryoso nyang tugon sabay tingala sa langit. Hinigop kami ng isang puting ilaw pero hindi ko sya nasamahan. Tinamaan ako ng isang kakaibang mahika mula sa mga naka-pink na mga tao, at dumilim ang paligid....
*Flashback Ends*
Para makilala ang 'Totoong Mahal ko' Dapat ay masundan ko sya sa lugar na pinuntahan nya...
~Bradice's POV~
*Dream World of Regina*
Di ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak ni Regine. Hindi ko rin iyon mabasa sa mukha nya. Parang imposible iyon sa lugar na ito. Habang pinag-iisipan ang aking mga Opsyon, ay bigla syang nagsalita "Halika nga rito Bradice." Pag-anyaya nya sa akin. Walang Expresyon sa kanyang magandang mukha "Hawakan mo lang ang kamay ko" Dagdag nya.
Wala namang masama sa gusto nyang mangyari. Maliban sa masama ang Kutob ko sa plano nya. Idagdag pa ang parang Warning Signal na mula sa Kahon. Na kanina pa umiilaw ng Pula, na parang Sirena ng Pulis. "Wag mong pansinin yan Bradice. Halika ka na rito" Pilit nya sa akin.
Wala na kong nagawa. Lumapit na lang ako at hinawakan ang kamay nya. Matapos noon ay isang di maipaliwanag na ilaw ang bumalot sa amin. Isang di maipaliwanag na Pakiramdam ang bumalot sa akin. Sakit, ligaya, kaba, at kung ano ano pa. Sa sobrang komplikado ng mga nararamdaman ko, Ipinikit ko na lang ang mata ko. Dahil di ko na iyon makayanan.
~Bradice's POV~
*Nevarethian's World: Desert Scream*
Pagdilat ko, hindi ko na sya kasama...
*End of [S3/C6] To Nevareth*
BINABASA MO ANG
Buhay ng CABALista: A Journey of Love and Hatred
FanfictionThe Original Story from CABAL Online PH Forums, Two worlds collide in this Fan Fiction, based on the Massive Multiplayer Online Role-Playing Game (MMORPG), CABAL Online. Witness and unravel how Chris discovered the world that was known as Nevareth...